Twenty-six

11.2K 344 7
                                    

Blaze...

NAKAKUNOT ang noo niya habang nakatitig sa mga pinsan at kaibigan niyang nasa harapan niya ngayon. Maging ang kapatid niyang lalaki nandoon din. Kompleto kasi lahat ng boys ngayon sa loob ng opisina niya.

King, Duke, Ismael, Adam, Ivan, Kyle at Jace.

"Anong kailangan niyo? At nandito kayo ngayon sa opisina ko"takang tanong niya sa mga ito.

Nakatitig lang sa kanya ang mga ito na seryoso.

"Friday ngayon siguro naman pwede ka naming ayain na mag-bar"si Ivan ang sumagot sa kanya.

Napataas naman ang kilay niya sa mga ito. maiintindihan niya kung ang mag-aaya sa kanya na magbar ay ang mga single pero ang mga married.

"Don't look at us like that Blaze, alam ko tumatakbo sa isip mo. Nagpaalam kami sa mga asawa namin"ani naman ni King na mukhang nakuha ang iniisip niya.

"Okay, pero wala ako sa mood"sagot niya.

He heard them grunt, kaya naman napangisi siya.

"Wala kang choice kuya sasama ka samin"pamimilit naman ng kapatid niya.

Doon na siya natawa ng tuluyan, hindi naman siya totoong hindi sasama sa mga ito.

"Tangina naman Blaze, ang tanda mo na nagagawa mo pang mang-ulol"nakasimangot na react naman ni Duke.

"Sure ba kasi kayong lahat na pinayagan kayo ng mga misis niyo. Aba baka mamaya niya ako pa maiwan mag-isa sa bar kasi tinatawagan na kayo isa-isa ng mga misis niyo"natatawa niyang turan sa mga ito.

Nakatayo na siya at isinusuot na ang kanyan coat, naghahanda na siyang umalis kasama ang mga ito.

"That not gonna happen brother. Because you have me"inakbayan pa siya ni Jace.

Napailing nalang siya dito, kahit kailan talaga loko-loko pa din kahit napatino na ng asawa.

Naglakad na sila palabas ng opisina niya, pinagtitingin pa silang lahat ng mga tauhan niya. bakit nga ba hindi, lahat sila eye catching. Lahat ng tao mapalalaki, babae, bakla, tomboy, bata o matanda talagang mapapatingin sa kanila.

Kahit pa may kasama silang mga tander, hindi naman halata dahil may itsura pa din. Matikas pa din kumbaga.

"So, this night kalimutan lahat ng sabit"sigaw ni Duke habang nakataas ang baso ng alak nito.

Kasalukuyan silang nasa bar na pag-aari ng ama nila. Doon naman sila palaging tumatambay, kasama pa nila noon ang mga magulang nilang lahat. Pero ngayon sila-sila nalang.

Inukupa nila ang VIP room na nakalaan lang para sa kanila.

"Fvck!"bigla namang mura ni Duke.

Nakita niyang inilabas nito ang cellphone nito at mukhang tinatawagan nan g asawa.

"That fast, tangina hindi pa nag iinit ang puwet ko dito"reklamo ni Duke habang nakatitig sa cellphone nito.

Nagtawanan naman silang lahat sa naging outburst ni Duke.

"Uwi na kambal"taboy naman ng kakambal nitong si King.

Sinamaan lang nito ng tingin ang kapatid bago tumayo at sinagot ang tawag ng asawa nito. ilang minuto lang bumalik na ito sa tabi nila at nagpatuloy sa pag-iinom. Kung anu-ano lang naman ang pinagkukwentuhan nila. Ang nakakatawa pa panay nga anak ang pinag-uusapan ng mga ito. out of place naman silang mga binata, well tatlo nalang naman silang mga binata ngayon siya, si Adam at si Kyle.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon