Seven
Xylona...
Isang linggo nalang mag-Athletic meet na sila kaya naman puspusan na ang training ng mga player ng bawat event gaya nila. Lahat sila ay naka-excuse na sa mga teacher's nila sa bawat subject nila para sa training nila.
"Ano ba naman ang baby ko, sobrang busy"reklamo ni Trishia.
Napalingon naman sila dito, hindi pa kasi sila nagsisimula na magpractice dahil wala pa ang coach nila.
Busy sa pagpindot ng cellphone nito ang kaibigan nila at mukhang alam na nila kung bakit.
"Hindi ka tinatawagan ni Josh?"natatawang sita ni Shiela.
Nakasimangot na tumango lang si Trishia na hindi inaalis ang mata sa cellphone nito.
"Kainis naman kasi si Blaze, talagang pursigidong magchampion dinamay pa ang baby ko"nakanguso ito habang nagsasalita.
Nilapitan niya ito at inalo, pero ang totoo lang ay mag-iimbistiga lang siya dito.
"Bakit, ano bang sabi ng magaling na Monteverde na iyan?"tanong niya dito.
"Wala naman Captain, sabi ni baby Josh ko mukhang ganon naman talaga si Blaze, dating ace player ng UST"nakanguso pa din ito habang nagsasalita.
Napataas naman ang kilay niya, hindi kasi nawawala sa isip niya ang usapan nila ni Blaze kaya gusto niyang hulihin ito. pero mukhang hindi niya naman ito mahuhuli sa mga ganitong bagay.
Wala na kasi siyang balita sa lalaking iyon simula noong isang linggo. Noong nagdate sila hindi na sila nagkita pa o nagkausap na dalawa.
Iniwasan din kasi niya ito dahil na din sa halik na namagitan sa kanilang dalawa.
Bigla namang nakaramdam siya ng pamumula ng mukha ng maalala iyon kaya naman pinilit niyang iwaksi sa isip niya ulit si Blaze. Sakto naman na dumating na ang coach nila kaya naman ang practice nalang nila ang inisip niya.
Hanggang sa natapos na sila hindi na niya naalala pa si Blaze. Nagpaiwan pa siya doon sa swimming pool kahit na umalis na ang mga kateam niya. ilang araw din kasi siyang medyo naglay-lo dahil na din sa injury niya sa paa.
Kaya gusto niyang bumawi ngayon, kaya nagpagabi siya ngayon sa kakapractice niya doon. Hindi naman niya napansin na gabi na pala kung hindi pa siya nilamig hindi pa niya mapapansin na gabi na pala.
Naglalakad na siya palabas sa swimming area nila, makakasalubong na niya ang mga magkakaibigan ng pinsan niya.
"Jeff"tawag niya.
"Oh insan"halata ang pagud sa mukha nito.
Maging ang mga kasama nito mga mukhang pagud na sila sa ginawa manghapon.
"Ginabi kayo ah"sita niya dito.
"Pursigido si Blaze, nasabi lang naming lagi kang champion gusto na din maging champion para daw match kayo"nakangising kwento ni Ralph.
"Ala na nga akong time sa Baby Trishia ko"susug pa ni Josh.
"Nagtatampo na nga"nakangisi niyang sagot dito.
Nakita niyang dinukot nito agad ang cellphone mukhang tinawagan na nito ang nobya.
"Si Blaze naiwan pa"sabi ni Lorenz.
Napataas naman ang kilay niya sa sinabi ni Lorenz sa kanya. nakatingin din sa kanya ang mga kasama nito.
"Tinatanong ko ba?"nakataas ang kilay na sagot niya dito.
