thirty-one

13.2K 350 4
                                    

Zamara...

IT'S been two months simula ng manligaw sa kanya si Blaze. Halos wala na siyang ginagawa sa trabaho niya. plano na nga niyang magresign nalang, nahihiya na din naman siya sa mga tao sa paligid niya. baka kasi kung ano na ang iniisip ng mga ito sa kanya, iyon pa naman ang ayaw niya sa lahat.

"Blaze, may sasabihin ako sayo"halos pabulong na niyang turan.

Kasalukuyan silang nasa sasakyan at pauwi na sila sa apartment niya. hindi naman sumagot si Blaze kaya akal niya hindi siya nito narinig.

"I'm waiting Zamara"halos napakislot siya sa biglang pagsasalita nito.

"Ahm"hindi niya alam kung paano niya sasabihin ang plano niya.

"What? Say it ano ba iyon?"nilingon na siya nito.

Hindi na siya nagulat ng hawakan nito ang kaliwang kamay niya at pisilin, sanay na siya sa gesture na ito ni Blaze.

"Plano ko kasing magresign na sa trabaho"alanganin niyang turan.

Malalim naman na buntong hininga ang narinig niyang sagot sa kanya ni Blaze. Hindi na din ito nagsalita pa hanggang sa makarating sila sa bahay.

"I'll accept your resignation Zamara, in one condition"biglang nagsalita ito ng nakababa na siya ng sasakyan nito.

Kaya naman napatungo siya at sinilip itong prenteng nakaupo pa din sa driver's seat. Nakalingon na din ito sa kanya at matamang nakatitig sa kanya.

"Ano?"tanong naman niya dito ng mainip na siyang maghintay sa sasabihin nito.

"Kung sasagutin mo na ako ngayon"nakangiti na namang sagot nito.

Natigilan naman siya bago niya ito inirapan at pabagsak na isinarado ang pinto nito. nagmamartsa naman siyang nagtungo sa pinto nito. nagbubukas na siya ng pintuan niya ng maramdaman niyang niyakap siya ni Blaze mula sa likod.

"I'm just joking okay. Alam ko iniisip mo kaya gusto mong magresign. But the hell I care, as long as your beside me I don't care kung ano ang isipin nilang lahat. I've been lock in my wife's memory for so long. But when you came, you turn my world upside down like Xylona. Gusto ko palagi kang nakikita, I'm scared to be left alone again."bulong nito sa kanya.

Habang nagsasalita ito humihigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

At sa haba din ng sinabi nito, bumibilis ang tibok ng puso niya.

"I'm not an easy to get Blaze"hindi niya alam kung para saan ang sinabi niya.

Hindi niya alam kung para kay Blaze ba ito o para sa sarili niya. Hindi naman siya bago sa pakikipagrelasyon. Pero parang bago sa kanya ang lahat, na kahit hindi niya kilala ang nararamdaman niya ngayon, pakiramdam niya lahat parang nasa tama lang.

Na parang matagal na dapat niyang naramdaman ito.

"Pero...parang gusto ko na din...maging..."utal-utal niyang sabi na hindi niya na natuloy ng iharap siya ni Blaze at halikan sa kanyang mga labi.

Ipinikit nalang niya ang mata niya at iniyakap ang mga braso sa leeg nito. naramdaman niyang bumukas ang pintuan sa kanyang likuran. Maging ang dahan-dahan nilang paglakad papasok sa loob ng apartment niya.

Bumaba ang mga halik ni Blaze sa kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg. Nanlambot ang kanyang tuhod kaya naman binuhat na siya ni Blaze. Napasinghap nalang siya ng bumagsak sila ni Blaze sa sofa niya.

"Blaze.."

"Shhh...I'll be gentle"bulong pa nito sa kanya.

Napapikit nalang siyang napatango at dinama ang bawat haplos at halik nito sa kanya.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon