Thirteen

13K 367 6
                                    

"IROG KO!"sigaw ni Blaze.

Napangiwi naman siya dahil ang daming nakarinig sa sinigaw nito kani-kanina lang. nasa mall sila ngayon, actually siya lang ang nasa mall dahil may partime job siyang nakuha.

Nagpapamigay siya ng mga flyers para sa isang sikat na telecommunication.

Rumaraket din kasi siya paminsan-minsan para naman may pandagdag siya sa allowance niya.

"Pwede ba Blaze, tone down your voice nasa trabaho ako"sita niya dito ng makalapit na ito sa kanya.

Napabungisngis naman ang mga kasama niyang kaibigan na gaya niya nagpartime din.

"Anong iyang ginagawa niyo?"balewalang tanong ni Blaze sa kanya.

Inirapan niya ito bago ito binigyan ng isang leaflets bago niya ito tinalikuran at nakangiting bumaling sa mga taong dumadaan sa kanila.

"Irog"tawag na naman sa kanya ni Blaze.

"Later Balze, mamaya tayo mag-usap after ng trabaho ko"bulong niya sa kasintahan niya.

Nilayuan na niya ito, linggo ngayon kaya madaming tao sa mall kaya saglit lang naipamigay na nila ang leaflets na nakatokang ipamigay nila. Kaya naman halos kalahating araw lang ang trabaho nila, pero buo ang nakuha nilang sahod kaya naman tuwang-tuwa silang magkakaibigan.

"Why you have to do this Xy?"tanong sa kanya ni Blaze ng magkita na sila sa food court.

Kasama pa din nila ang mga kaibigan nila ngayon na sinamahan na ng barkada ni Blaze at ng pinsan niya.

"Pandagdag ng allowance"simple sagot niya.

Inagaw na niya ang iniinom ni Blaze na iced tea, hindi naman nagrereklamo si Blaze sa kanyang ginawang pang-aagaw. Inisog pa nga ni Blaze ang kinakain nito sa tapat niya para kainin na din niya.

"Why?"hindi pa din makapaniwalang tanong nito.

"Don't you know that self supporting ang girlfriend mo buddy?"si Jeff ang nagtanong kay Blaze.

Tinignan niya ang reaction naman ni Blaze sa sinabi ng pinsan niya. kitang kita niya ang manghang reation nito habang umiiling ito.

"Kaya varsity player si Xy para libre ang tuition fee niya, tapos scholar siya ni Mayor namin. Ang baon niya at pangbayad ng boarding house kinukuha niya sa mga sideline niya"si Jeff ang nagpaliwanag para sa kanya.

"Is that true, irog ko?"baling sa kanya ni Blaze.

Tinanguan lang niya ito habang patuloy siya sa pagkain ng tanghalian ni Blaze.

"Shit, bigla naman akong nahiya."bulong ni Blaze.

"How about your parents?"baling sa kanya ng kasintahan.

Inubos muna niya ang kinakain niya bago siya nagpasyang sumagot, pero naunahan naman siya ng pinsan.

"Parehas naman na doctor sila Tito at Tita, kaya lang mahirap lang sila"sagot ni Jeff.

Lalo naman naguluhan si Blaze sa tingin niya, naalala niya hindi pa pala nito alam ang tungkol sa pamilya niya.

"Hmmm, how can I start it. Ganito both my parents are doctors, si papa general surgeon si mama naman ay neuro surgeon, then like what I told you before may mga kapatid pa ako. Si Kuya Xenon na Cardiologist, at si Ate Xiomara naman na Ophthalmologist then ako na bunso naman magdodoktor din ako, but hindi ko pa alam kung ano kukunin ko na specialty kasi naguguluhan pa ako kung Pedia or OB-GYN ang kukunin"paliwanag niya.

"Wow, so my in-law's are all doctors"manghang sagot ni Blaze sa kanya.

Napairap naman siya sa sinabi ni Blaze.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon