Xylona...
Dalawang araw na siya sa lugar na ito wala naman silang ginawa ni Mark kundi matulog.
Pasalamat siya at hindi na ipinilit ni Mark ngayon na tabihan siya hindi katulad noong nasa Australia sila noon. Pinipilit siya nitong magtabi na sila sa pagtulog dahil ginagawa naman daw nila noon iyon.
Pero noon napapaniwala siya nito dahil may amnesia siya ngayon na magaling na siya hindi na pwedeng ipilit nito ang gusto sa kanya.
Nakakaramdam na marahil si Mark sa kanya dahil na din sa pagiging aloof niya sa binata.
"Kumain ka na Zamara"utos nito sa kanya.
Habang tumatagal silang dalawa sa lugar na iyon nakikita niyang nagiging irritable na si Mark sa kanya.
"Busog pa ako"
"Pagsinabi kong kumain ka na kakain ka!"sigaw nito sa kanya.
Napapitlag naman siya sa gulat sa lakas ng boses nito. dahil sa takot niya dito kumain siya kahit na hindi pa siya talaga nagugutom. Wala naman kasi siyang choice kundi ang sundin ito ngayon. Sa nakikita kasi niya may tendency na saktan siya ni Mark kapag hindi niya ito sinunod.
Sa tingin din niya may sakit sa pag-iisip ang binata, hindi lang niya makompirma dahil sa hindi naman na nagsasalita pa si Mark kundi ang utusan siyang kumain na o kaya naman ay matulog na.
"Mark, okay ka lang ba?"pagbubukas niya ng topic habang kumakain sila.
Huminto naman ito sa pagkain at tinignan siya nito na para bang hindi makapaniwala na kinakausap niya ito ngayon.
"Yes, I'm okay honey"malambing na nitong sagot sa kanya.
Napalunok naman siya, moody na ito kanina lang galit ngayon malambing na.
"I have something to tell you"anito ng hindi na siya nagsalita pa.
"Bukas na ang alis natin papuntang Australia"masayang pagkukwento nito.
Nanlaki naman ang mata niya, hindi niya inaasahan na ganoon kabilis na maayos nito ang papeles nilang dalawa. hindi niya din nakikitang umaalis ang binata kaya hindi niya inaasahan na makakaalis sila kaagad.
Hindi pa nga siya nakakaisip ng paraan kung paano siya aalis sa puder nito ngayon.
"Pwede bang dito nalang tayo sa pilipinas Mark"alanganin niyang pakiusap sa binata.
Napatayo siya ng wala sa oras ng balyahin nito ang lamesa kaya naman natumba lahat ng pagkain nila.
"At ano para makakabalik ka sa pamilya mo, sa lalaki mo.!"sigaw nito.
Napatitig siya sa mukha nitong halos hindi na makilala dahil nagsisimula ng tubuan ng balbas at humahaba na din ang buhok nito.
"Akala mo ba hindi ko alam na nakikipagkita ka na sa ate mo"dagdag pa nito habang nanlilisik ang mata na nakatitig sa kanya.
"Pati ang pagsama mo sa walang kwentang lalaki na iyon"anito pa na ang tinutukoy ay si Blaze.
Pinipigilan niya ang anomang emosyon na nagsisimulang lumukob sa kanya ngayon. Kailangan niyang maging mahinahon habang kausap niya si Mark. Dahil kung hindi malamang sa malamang mauwi sa malalim na pagtatalo, worst saktan pa siya nito ngayon which is hindi niya gustong mangyari sa kalagayan niya.
"Hindi ka na babalik sa kanya dahil akin ka...AKIN KA LANG XYLONA!"sigaw nito sa kanya.
Doon napatid ang pisi niya sa isinigaw nitong pangalan niya. Nasampal niya ito after niyang isigaw ang pangalan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/127110327-288-k76961.jpg)