Thirty

11.5K 315 8
                                    

    ZAMARA...


ALANGANIN siyang napapangiti sa mga titig sa kanya ng mga napalibot sa kanya na mga tao ngayon. Noong una okay pa sa kanya, kaso lang ng lumapit na sa kanila ang mga magulang ng boss niya doon na siya hindi mapalagay. Pakiramdam kasi niya na kinakaliskisan siya ng mga ito sa paraan ng pagtitig nito.

Nasa isang malaking lamesa sila na lahat ng nandoon ay mga nagtatayugang mga kilalang tao sa bansa. Na mga kamang-anak pala ng boss niya, okay lang naman sa kanya ang makipag-usap sa mga ito wag lang sana siya tignan ng mga ito ng ganito.

"Guys please don't look like that, hindi na maipinta ang mukha ni Zamara"saway naman ni Jade sa mga taong kasama nila.

Buti nalang hindi siya iniwanan ni Jade kahit pa kasama na nila ngayon ang mga date nila.

And speaking of date, hanggang ngayon hindi pa din siya nakakaget-over sa halik sa kanya ng bossing niyang si Blaze. Oo nga at hindi niya first kiss iyon kaso lang para siyang kinuryente sa buo niyang katawan ng dahil sa halik na iyon.

"You really look like her"parang nagpapantasyang tanong ng kakambal ni Blaze.

Napalingon naman ang lahat sa nagsalita. Gaya ng boss niya, magandang lahi talaga ang mga ito. mukhang astistahin lahat ng kasama niya ngayon. Nanliliit siya pero sabi nga ni Jade kanina ng nasa sasakyan pa lang sila na wag siyang maintimidate sa mga taong makakasalamuha niya dahil maganda siya.

"What? Hindi niyo ba nakikita kamukha talaga niya si --"

"Blaire enough"seryosong saway naman ni Blaze sa kapatid kaya hindi na nito nasabi ang gusto pa nitong sabihin.

"Now I remember"sansala naman ni Rose ang anak ni Jade.

Dito naman napabaling ang atensyon ng mga tao maging siya napatingin din dito.

"Kamukha siya ni Tita Xylona, tito Blaze's wife"masayang dugtong pa ng dalagita.

Exaggerated naman na napatingin sa kanya si Jade na parang sinusuri nito ang mukha niya na parang ngayon lang sila nagkita na dalawa. naconsious tuloy siyang bigla sa paraan ng pagtingin nito sama pa na biglang naging awkward ang katahimikan ng mga tao sa paligid niya.

"Oh! I didn't saw the Xylona girl personally, kaya hindi ko agad nakita when I first saw you, but to think it now kamukha mo nga siya"tatangu-tango pa si Jade habang nagsasalita.

"I said enough, Zamara has nothing to do with my wife. Nandito sya because she's my secretary for pete sake"naiinis ng saway ni Blaze sa mga nandoon.

"Ow really son, parang hindi iyon ang nakita ko kanina"nakangiting ani naman ng ama ni Blaze.

Nakita na niya minsan ito sa opisina noon pero hindi niya nakita ng malapitan gaya nito ngayon. Nakita niyang kamukhang-kamukha ni Blaze ang tatay nito, alam na niya ang magiging itsura ni Blaze kapag tumanda na ito.

"'tay"naiinis na angil naman ng binata.

Nilingon niya ito sa tabi niya, namangha naman siya ng makita niyang namumula ang mukha ng boss niya.

"Boss nagba-blush ka"hindi niya naiwasan na maibulalas.

Dahil doon umaatikabong tawanan naman ang namutawi sa mga labi ng kasama nila doon. nakakahawa ang tuwa nila kaya maging siya napatawa na din kasama ng mga ito.

"Urgh! Seriously pinagkakaisahan niyo pa ako"reklamo ni Blaze sa mga ito.

"At last nakamove on na yata ang kuya ko, thou slight lang but still I'm happy for you kuya. And ate Zamara welcome to the family."masayang turan ng isang cute na dalaga.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon