Xylona...
Nang mailigtas siya ni Blaze agad siyang dineretso nito sa ospital ng makita siyang madaming pasa at sugat sa katawan. Kung kanina lang galit ito, ngayon mas galit na galit ito ng makita siya na madaming sugat.
"Blaze I'm okay"pagpapakalma niya sa asawa.
"No your not, look at you. napakadami mong pasa, sugat. Mapapatay ko talaga ang Mark na iyan"galit na tugon nito sa kanya.
Naiintindihan naman niya ito, kahit naman siguro kung makita ang itsura niya magagalit talaga. Bukod kasi sa ilang beses siyang nasampal ni Mark may mga pagkakataon na hahatakin nalang siya nito bigla. Sa sobrang higpit ng pagkakayapos sa kanya nagkakapasa siya. Wala din siyang ingat kung ibalya nalang siya nito sa kung saan man siya abutan.
"Blaze if ever na magamot na siya makukulong naman na siya, you don't have to act like that okay"pag-aalo na naman niya dito.
Bumuntong hininga naman ito bago siya nito nilapitan at niyakap. Sa ganoong tagpo sila inabutan ng mga magulang ni Blaze. Nanlaki pa ang mata niya ng makita niyang nandoon na din ang mga magulang niya.
"Mama, Papa"tawag niya sa mga ito.
Pilit siyang tumatayo mula sa pagkakahiga niya para lang salubungin ang mga magulang niya. ngayon nalang niya nakita ang mga ito.
Ang huling pagkakataon na nakita niya ang mga ito noon ipasok siya sa operating room nine years ago pa.
Sinugod naman siya ng yakap ng mga ito, nagparaya naman si Blaze para mayakap siya ng mga magulang niya. naiyak pa siya sa pagkakayakap sa kanya ng mga ito, sobrang namiss niya ang mga ito sobra.
"My God Xylona"ani ng kanyang ina habang nakayakap ito sa kanila.
Mahaba-habang iyakan ang nangyari sa kanilang mag-anak. Bukod kasi sa nangyari sa kanya na pagkawala sa piling ng mga ito dumagdag sa pag-iiyak ng kanyang ina ang nangyari sa kanya ngayon.
"Idedemanda ko ang Mark na iyan"galit na turan ng kanyang ama.
"Don't worry po, Tito ako na pong bahala sa Mark na iyon"singit naman ng asawa niya.
Binalingan ito ng kanyang ama at tinapik ito sa balikat.
"Anong Tito?, Papa na ang itatawag mo sakin, pinakasalan mo ng hindi ko alam ang anak ko noon"nakangiting sagot naman ng ama niya.
Namumula naman sa hiya ang asawa niya habang nakatingin sa ama niya.
"Balae, kami din nabigla ng sabihin nitong panganay namin na kasal na siya"singit din ng ama ni Blaze.
"Dapat ng magpakasal itong mga ito sa simbahan"masayang turan naman ng ina niya.
"Actually po, we're planning to get married two months from now"magalang naman na sagot ni Blaze sa mga magulang niya.
"Aba dapat lang, hindi na kayo bumabata na dalawa"
Napuno ng masasayang kwentuhan ang loob ng hospital suite niya. hindi na nga nila naalala na nakaconfine lang siya doon. parang ang nangyari pa nga pamamanhikan naging pag-uusap ng mga magulang nila ni Blaze.
Ito lang din ang unang beses na nagkakilala ang mga ito, kaya naman hindi na matapos tapos ang kwentuhan ng mga ito.
"Pwede naman niyo ng ituloy ang kwentuhan niyo sa bahay"ani Blaze after ng ilang oras na kwentuhan ng mga magulang nila.
"Naku, ang sabihin mo lang anak gusto mong masolo ang asawa mo"kantiyaw naman ng ama ni Blaze.
Pinamulahan naman siya ng pisngi sa sinabi ng ama ni Blaze.