Xylona...
It's the day, maagang tumulak ang buong team ng university nila patungo sa venue kung saan gaganapin ang Athletic meet ngayon taon.
"Tubig irog?"tanong sa kanya ni Blaze.
Sinamaan lang niya ito ng tingin, ang sagwa ng tawag nito sa kanya. 'Irog' yuck para naman silang nasa sinaunang panahon na dalawa. Naiinis na siya kasi kanina pa din siya nito binubuliglig.
Bakit naman kasi nakasakay pa nila ang basketball team.
"Pwede ba Blaze"saway niya dito.
"Hmmm, tinapay irog?"para itong walang naririnig sa kanya.
"Isa pa at lalayasan kita"banta niya dito.
Natahimik naman ito at nakatitig nalang sa mukha niya. naiilang siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. kaya naman kinuha niya ang jacket niya at ipinangtaklob sa mukha niya.
"Please don't cover your beautiful face, irog ko. Iyan ang inspiration ko para sa game namin bukas"narinig niyang pagmamakaawa ni Blaze na hindi naman niya pinakinggan.
Wala naman na itong sinabi pa, hindi na nga niya namalayan na nakatulog pala siya buong biyahe nila. Paggising niya nasa school na sila kung saan gaganapin ang athelic meet.
Medyo nahilo at sumakit pa ang ulo niya, dala siguro ng biyahe niya.
"Are you okay? Namumutla ka"nag-aalalang tanong ni Blaze sa kanya ng makababa na sila ng sasakyan.
"Okay lang ako, hindi lang talaga ako sanay sa mahabang biyahe"pagdadahilan niya.
Inalalayan siya ni Blaze hanggang sa quarters nilang mga swimming players, ito na din ang nagdala ng gamit niya. pagdating niya doon si Blaze na din ang nag-ayos ng hihigaan niya, para siyang nagkaroon ng instant alalay sa katauhan ni Blaze.
"Higa ka na muna, irog ko"sabi ni Blaze.
Inirapan naman niya ito at nahiga na, hindi talaga siya pabor sa tawag nito sa kanya.
Nakatulog din siya agad ng makahiga siya. Nagising nalang siya hapon na at pinapatawag na ang mga player para kumain. Sinundo na naman siya ni Blaze sa quarters nila at sabay silang nagtungo sa pinakaCanteen para sa kanilang mga player.
"Blaze, di ba nag-usap na tayo na ayoko ng ganitong set-up. Para ka din nanliligaw, gusto mo ba wag nalang nating ituloy iyong usapan natin"inis na sagot niya.
Para naman kasi siyang imbalidong pinagsisilbihan ni Blaze ngayon. Pinaglalagay siya ng pagkain niya sa plato niya, kulang nalang nga ay subuan siya nito.
Tinignan naman siya nito sa mukha, nang makitang seryoso siya sa sinabi niya bigla naman nitong binitawan ang lahat ng hawak nito.
"Okay, but once your my girl gagawin ko lahat ng sa tingin ko dapat ginagawa ng boyfriend sa girlfriend niya"sabi naman ni Blaze sa kanya.
Inirapan niya ito at pinanlakihan ng mata.
"As if naman mangyayari"pang-aalaska niya.
"It will happen Irog ko"iyon ang huling sinabi ni Blaze bago siya nito iniwanan.
Iyon na ang huling pag-uusap nila ni Blaza sa buong week na iyon ng athletic meet nila. Naging abala na kasi sila sa kani-kanilang laban. Siya hindi masyadong gipit ang schedule niya, pero si Blaze ang balita niya sunod sunod ang laro nito.
Dumating ang last day ng athletic meet nila at may tatlong game siya sa magkakaibang category pero sa hapon pa iyon mangyayari kaya bakante pa sila ngayong umaga.