Special Chapter

25.2K 660 40
                                    

Xylona...

Napahilot siya sa sumasakit niyang sintido. Gustuhin man niyang tumigil sa ginagawa niya ngayon pero kailangan niyang matapos ang kanyang ginagawa.

"Irog ko, matulog ka na"pagalit na utos ng asawa niya.

Inangat niya ang paningin niya mula sa tinatapos niyang report.

She continue studying her medicine course. Nasa major na niya siya ngayon which is pediatrician.

"Mahal, alam mo naman na deadline ko na ng report ko bukas"sagot naman niya.

Buti nga pinayagan pa siya ni Blaze na mag-aral kahit pa sunod-sunod ang mga anak nila. Sinuportahan pa din siya nito, ikinuha ni Blaze ng mga yaya ang mga anak nila para may mag aalaga pa din sa mga anak nila.

"Baka nakakalimutan mo din na buntis ka at ilang araw nalang manganganak ka na"sarcastic naman na tugon ni Blaze.

Napahawak naman siya sa kanyang malaking tiyan.

Nine months na siyang buntis sa panglima nilang anak. They decided na hindi nalang sila magpapaultra sound ngayon para malaman kung ano ang gender ng susunod nilang baby.

Pero sabi ni Blaze last na baby na nila ito dahil may edad na din naman na siya. Baka nga mahirapan pa siyang manganak ngayon. Consider pa na may history siya ng brain tumor.

"Hindi ko naman po nakakalimutan, Blaze"

Malalim na buntong hininga naman ang isinagot nito sa kanya bago siya nilapitan.

"Xy, alam mo naman na bawal sayo ang magpuyat pero ang kulit mo pa din"sermon na naman nito sa kanya.

Wala na siyang nagawa pa ng isa isa na nitong iniligpit ang mga papel sa lamesa niya. Maging ang mga notes at computer.

Wala din siyang angal ng hapitin na siya nito patayo at igiya papunta sa kama nila.

Napalingon siya sa may orasan nila at nagulat pa siyang alasdos na pala ng madaling araw. Kaya naman pala galit na si Blazd.

"Fuck Xy!"

Napapitlag pa siya ng sumigaw si Blaze bago pa sila makarating sa kama nila. Sinundan niya ang tinitignan ng asawa niya.

Nanlaki ang mata niya ng makita niya ang tubig na umaagos mula sa binti niya.

"Shit, it's suppost to be next week. Bakit ang aga naman yata...stay here irog ko i will..."natatarantang turan ni Blaze.

"Ow shit Blaze…hindi na aabot"daing naman niya.

Lalong nanlaki ang mata ni Blaze sa sinabi niya. Natulala pa nga ito habang nagsasalita siya.

Hindi naman siya nagsalita pa at siya na ang kusang nag-alis ng panty niya at humiga sa kama.

Sa tatlong beses niyang nanganak na normal kabisado na niya ang gagawin niya. Ang problema lang asawa niya lang ang kasama niya ngayon.

Ano naman ba malay ng asawa niya sa panganganak, ang laro ng numbers sa pagpapaanak.

"Fuck Xy! I can see the head"sigaw naman ni Blaze ng makahiga siya at naipwesto ang sarili.

"Urgh!"daing niya na sinabayan pa niya ng isang mahabang iri.

Nakahinga siya ng maluwag ng marinig niya ang sunod sunod na mura ni Blaze kasama ang pag-iyak ng sanggol na kapapanganak lang niya.

Naiyak naman siya ng makita ang mga luha sa mata ni Blaze habang buhat buhat nito ang anak nila.

"Oh Thank you Lord for this wonderful gift"usal ni Blaze habang nakatitig pa din sa anak nila.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon