nine

13.1K 382 5
                                        

Blaze...

Para siyang nakalutang sa alapaap habang naglalakad sila papuntang swimming pool.

Taas noo pa siya kasama ang pagliyad ng dibdib niya habang naglalakad siya.

"Yabang mo naman maglakad, Blaze"natatawang sita sa kanya ni Jeff.

Paanong hindi siya magyayabang ngayon nakaakbay lang naman siya sa girlfriend niya.

"Umayos ka nga Blaze"saway naman sa kanya ni Xylona.

"Irog ko naman, masaya lang ako"nakapout na sagot niya.

"Masaya, kung makapaglakad ka kala mo naman naghahamon ka ng away"sita na naman sa kanya ni Xylona.

"Hindi ahh, hindi ako pwedeng makipag-away Irog ko. Kasama kita kaya hindi pwede"sagot niya dito.

Napailing nalang si Xylona sa kanya at hindi na siya nito kinausap pa hanggang sa makarating sila sa swimming pool area.

"Irog ko, pwede bang wag ka ng magswim suit?"tanong niya kay Xylona ng nasa loob na sila.

"Eh kung magbreak na tayo ngayon, Blaze gusto mo"banta naman sa kanya ni Xylona.

Ninakawan naman niya ito ng halik sa labi nito na parang ayaw na niyang pakawalan kaso lang madaming tao sa paligid nila kaya smack lang nagawa niya.

"Sabi ko nga galingan mo sa lahat ng game mo Irog ko. I love you"aniya dito.

Nakangiti naman si Xylona na kinurot ang pisngi niya, at hinalikan din siya nito sa labi. Smack lang din gaya ng ginawa niya.

"I love you too po, Mahal"bulong ni Xylona.

Bakla na kung bakla, pero kinikilig siya ng mag-I love you si Xylona sa kanya.

Hindi na siya pwedeng magtagal doon, kailangan na siya magpunta nalang sa mga audience. Tanging ang mga coaches at players nalang ang nandoon malapit sa pool side.

"Tatlong game na sunod sunod ang laro ni Xy"ani Jeff ng makalapit na siya sa mga kaibigan niya ng maihatid na niya ang nobya.

Napakunot naman ang noo niya sa totoo lang last day nan g athletic meet nila ngayon kaya dapat mga championship nalang ang game. Kaya nagtataka siya kung bakit ang dami naman ng game ni Xylona ngayon.

"Kaya ba niya ng ganon?"nag-aalala niyang tanong kay Jeff.

Nakangisi naman na tinignan siya nito.

"Kayang kaya iyon ni Insan."kampanteng sagot nito sa kanya.

Nakampante na din siya sa sinagot sa kanya ni Jeff, naisip niya si Jeff ay pinsan ni Xylona kaya alam niyang alam ni Jeff na kaya talaga ni Xylona ang game na ito.

Mabilis lang naman na tapos ang dalawang sunod na game. Hindi pa niya malapitan si Xylona dahil may isa pa itong game, pero kapag napapalingon sa gawi niya si Xylona nagbibigay siya ng signal dito na nakasuporta lang siya dito.

Ngumingiti lang sa kanya si Xylona, pero may napansin siya sa dalaga.

Mukhang pagod na ito at matamlay, kung hindi pa siya nagkakamali mukha pa itong namumutla ngayon habang tinititigan niya. pero dahil may kalayuan siya dito hindi niya din siya sigurado sa napapansin niya.

Nasa third and final game na si Xylona, for championship na itong nilalabanan niya. nanalo naman na din si Xylona sa naunang dalawang game kanina parehas na champion sa magkaibang level ng laro.

Pero mukhang itong huling game ang magbibigay na malaking medalya sa university nila sa larangan ng swimming. Dahil mas dumami na ang nanonood ng game at mas napansin niyang mas uminit ang laban.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon