Blaze...
"TRY MO kayang matulog Blaze para bumalik ka sa katinuan mo"sarcastic n autos ng kakambal niya sa kanya.
Mariing napapikit naman siya ng makita ang kapatid sa loob ng condo niya. he's busy searching someone. Hindi na nga siya nakakapasok nitong mga nakaraang araw sa sobrang busy niya.
"Blaze!"sigaw na naman ng kambal niya.
"Blaire, I'm okay, you don't have to go here and tell what to do. Matanda na ako alam ko na ang mga pinaggagawa ko"inis niyang sagot sa kapatid.
"Ow really, look at you. you look like a garbage dump. Are you even took a shower? But I bet it's not"pang-uuyaw pa nito sa kanya.
Napailing nalang siya sa sinabi ng kapatid niya sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa na hindi na ito pinansin pa. nakikita naman niyang kumikilos ito sa loob ng unit niya. Probably naglilinis ito dahil hindi na niya nahaharap ang maglinis sa sobrang busy niya.
His busy searching in all kind of hospital kung saan pwedeng na-admit si Xylona ten years ago.
Hindi niya naramdaman na tumabi na pala sa kanya ang kapatid at nakikibasa na sa ginagawa niya.
"You know, kung totoo nga na buhay si Xylona. Your searching in the wrong place, I suggest that you look for the place where you can find her parents and siblings today. Hindi sa mga ospital na iyan"inis na suwestiyon ng kapatid niya.
Napatigil naman siya sa pagtipa sa laptop niya sa sinabi ng kapatid niya. may puna naman ito kasi, simula kasi ng araw na nalaman niya ang pagpanaw DAW ni Xylona hindi na niya nakita o nakausap pa ang mga kamag-anak nito.
"Shit! Bakit hindi ko naisip iyon"bulong niya.
"Sabi ko kasi sayo, matulog ka...tsaka maligo na din makakapag-isip ka ng maayos"buska na naman ng kapatid niya sa kanya bago siya nito iniwanan.
Napatingin naman siya sa pinto kung saan lumabas ang kapatid niya. inilapag niya ang laptop niya at tumayo. Sinunod niya ang payo ng kapatid niya, naligo muna siya bago siya natulog. Mukhang kailangan nga niya ito, apat na araw mula ng makita niya ang babaeng iyon sa bar nila hindi na siya nakakatulog na maayos.
Napasarap yata ang tulog niya dahil paggising niya maaga na naman, ang natatandaan niyang huli hapon siya natulog kaya alam niyang mahaba ang naging tulog niya.
Nagising siya sa tunog ng cellphone niya, may tumatawag hindi na niyang pinag-aksayahan na tignan kung sino ang caller niya. Basta nalang niyang sinagot ang tawag.
"Good morning sir, this is Kim, just to inform you about the interview for your new secretary. And even your important meeting with G & G company"anito.
"Hmm"ungol niya.
Tinatamad pa siyang bumangon o gumising man lang. ilang araw din nasayang ang lahat ng effort niya sa paghahanap. Wala naman siyang napala kundi puyat.
"Sir, papasok po ba kayo ngayon o ipapareschedule ko nalang po lahat ng activity niyo for today?"tanong naman nito sa kanya ng hindi siya sumagot.
"No, papasok ako"paos pa niyang sagot dito.
"Okay sir"iyon lang at pinatay na niya ang tawag nito.
Muli pa siyang umidlip, nagising siyang alas-nueve na ng umaga, late na siya pero nasabi na kasi niyang papasok siya kaya kahit inaantok pumasok pa din siya. Nang matapos na gumayak agad siyang nagtungo sa opisina niya.
"So, what's my first schedule for today Kim?"tanong niya sa sekretarya niya pagkaupong pagkaupo pa lang niya.
"Sir, breath first"nakangiting biro sa kanya ng sekretarya niya.
