SIX

15K 473 15
                                    


Six

Xylona...

"Masarap?"tanong sa kanya ni Blaze na mukhang kinakabahan.

Napataas naman ang kilay niya sa inaasta ni Blaze sa kanya ngayon habang kumakain sila. Nakatitig kasi ito sa kanya habang sumusubo siya ng pagkain. Nako-consious tuloy siyang kumain, para kasing nakasalalay sa kanya ang buhay ni Blaze. Napansin din niya na hindi kumakain si Blaze at nakatitig lang ito sa kanya.

"Oo, masarap"halos pabulong niyang sagot dito.

Para naman nabunutan ng tinik sa dibdib si Blaze na malayang nakahinga ng malalim sa sinabi niya.

"Salamat naman at nagustuhan mo ang niluto ko"sabi pa ni Blaze.

Napatingin naman siya sa plato niya, simpleng adobong manok, pritong manok at kanin lang naman ang inihain nito. simpleng hapunan lang naman ito, pero ang laki ng impact sa kanya ng malaman niyang si Blaze ang nagluto ng kinakain nila ngayon.

"Luto mo pa la bakit hindi ka kumakain, siguro may lason ito ano?"pagtataray niya para lang mapagtakpan ang kilig na nararamdaman niya.

"Lason?...nah...gayuma manapa"sakay naman ni Blaze sa pagtataray niya.

Inirapan lang niya ito at napagtuloy lang sa pagkain, maging si Blaze ay kumain na din.

Mabilis lang silang natapos na kumain na dalawa, after nilang kumain inaya siya ni Blaze sa labas ng ginawa nitong set-up at nagtungo sila sa manggahan doon.

"Hmm...ano pa ang plano mo after ng hapunan Blaze?"tanong niya dito ng makaupo na sila sa hinanda naman nitong picknik mat.

"Wala naman na magpapababa lang ng kinain tapos ihahatid na kita sa boarding house mo"sagot sa kanya ni Blaze.

Pero hindi niya napansin na may dala na pala itong gitara.

"Tumutugtug ka?"manghang tanong niya sa binata.

"Yeah, pero bihira lang. kapag nasa mood, kapag request ng nanay ko o kaya ng bunso namin at kapag especial ang taong tutugtugan ko"sagot nito na nakatitig sa kanya.

Ramdam niya namula ang buo niyang mukha sa sinabi nito sa kanya. nagsisimula na din bumilis ang pintig ng puso niya sa sobrang kilig. Kilala naman niya ang sarili niya kaya alam niyang kinikilig na siya sa mga banat ni Blaze sa kanya.

"Wala namang espesyal ngayon dito"pag-iiba niya ng usapan.

"Anong wala, ikaw special ka sakin. Ikaw lang ang nag-iisang babaeng nakapasok dito sa puso ko"sagot nito sa seryosong boses.

"Hindi ka man maniwala Xylone, pero iyon talaga ang nararamdaman ko. Inaamin ko noong una, na nachallenge lang ako sayo pero habang tumatagal nagiging iba na. I'm serious when I said na liligawan kita Xylone, sayo lang ako nag-effort ng ganito. Wala pa akong babaeng niligawan ikaw palang. At aaminin ko din playboy ako noon sa manila, but never na naging fvckboy ha. Oo hindi na ako virgin pero hindi naman ako iyong tipo na kapag may nakitang nakapalda susunggaban nalang bigla at ikakama ang isang babae."seryosong paliwanag nito.

"Eh ano ka?"

"Playboy nga. Pero dati iyon hindi na ngayon"

Napailing nalang siya at itinuon sa ibang dereksyon ang pansin niya. wala naman na kasi din siyang maisip na sabihin pa kay Blaze.

Hi, girl you just caught my eye

Thought I should give it try

And get you name and your number

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon