Fourteen

12.6K 368 9
                                        

BLAZE...

Tagaktak na ang pawis niya sa noo pero hindi pa din siya tumitigil sa ginagawa niya. determinadong-determinado siya na matapos niya ang ginagawa niya ngayon. At kapag nagfocus siya sa ginagawa niya hindi siya titigil hangga't hindi niya natatapos ang dapat niyang gawin.

"Blaze, pahinga ka naman"awat sa kanya ni Ralph.

Pero nginitian lang niya ito at ipinagpatuloy ang ginagawa niya.

"Waiter!"tawag ng isang grupo ng mga kababaihan sa susunod na table.

kahit na may dala pa siyang tray pinuntahan niya ito para tanungin kung ano ang concern ng mga ito.

"Yes ma'am may order pa po kayo?"magalang na tanong niya sa tumawag sa kanya.

Nagsisimula na kasi siyang pumasok bilang waiter bilang part-time job niya kapag uwian nila ng hapon. Kasama niya sa part-time niya ang mga kaibigan niya nahatak lang naman niya.

"Pwedeng makahingi ng extrang sauce"maarteng turan ng dalaga.

Nginitian lang niya ito bago niya ito tinanguan.

"Sige po ma'am, dadalin ko nalang po dito after kong maiserve ang order po nila"magalang na sagot niya dito.

Kailangan niyang ngumiti kahit na anong mangyari dahil alam niya hindi dapat siya magsungit kapag nasa duty siya. Kailangan niyang makibagay dahil na din sa kailangan niyang kumita para na din sa kanila ni Xylona.

Nagsimula na kasi siyang mangako sa sarili niya na hindi na siya hihingi ng tulong sa mga magulang niya hangga't kaya niya. nakakahiya naman kasi na siya umaasa lang sa mga magulang niya samantalang si Xylona kinakaya ang sarili.

"Trip ka ng mga chicks na iyon"ngumuso pa si Jeff ang mga babaeng kausap niya kanina.

Nakangiting umiling nalang siya sa mga ito, natatawa siya dahil ramdam naman niya ito. kanina pa kasi ito nanghihingi ng kung anu-anong favor sa kanya. at talagang tinataon na sa kanya hihingi ang mga ito favor kapag dadaan niya.

Maliksi nalang siyang nagtrabaho, ibinigay niya ang sinabi ng mga ito hindi pa man siya nakakaalis sa mga ito nanghingi na naman ng tubig ang mga ito na agad namang niyang pinagbigyan.

"Here oh!"nakangiti pang abot sa kanya ng mga ito ng isang libo bilang tip.

"Naku thank you ma'am"masayang pasasalamat niya sa mga ito.

"You're welcome handsome"hindi nalang siya nagreact ng haplosin at pisilin ng babaeng nag-abot sa kanya ng tip ang kamay niya.

Hindi niya ito pwedeng pagsalitaan ng kung ano kahit pa nga sabihin na mayaman sila. Ang posisyon niya ngayon ay isang hamak na waiter lang.

Hanggang sa makaalis ang mga kababaihan hindi nalang siya masyadong nagsalita.

"Hey, buddy natahimik ka na pagod ka na"puna sa kanya ni Ralph.

Umiling lang siya, tapos na ang shift nila ngayon kaya nasa looker room a sila para magpalit ng damit.

"Naisip ko lang, kailangan kong magtimpi. Nahaharash ako ng mga babae dito, baka pag nalaman ni Xy ito magalit sakin iyon. sa tingin ko hahanap nalang ako ng bago kong work"paliwanag niya sa kaibigan.

"Sa gwapo mong iyan sa tingin ko kahit saan ka mapunta mahaharsh ka ng mga babae"sabad naman ni Josh.

Hindi naman siya nakaimik dahil may katotohanan naman ang sinabi ng kaibigan niya.

"Ahhh, sarap matulog nito"nag-iinat pang sabi ni Jeff ng makalabas na sila ng restaurant kung saan sila nagtrabaho.

"Mas masarap kung magpapainit muna tayo bago umuwi"nakangising turan naman ni Lorenz.

Love at First Fight (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon