Three

23.6K 512 2
                                    

Three

Blaze...

Anak ng tokwa!

Ilang araw na ang lumipas simula ng huling pag-uusap nila ng babaeng tumatakbo sa isip niya ngayon. Mula noon hanggang ngayon hindi na mawala sa isip niya ang babaeng iyon.

Pang-asar pa kasi binitin siya sa ere nito, hindi ba naman siya sinagot sa tanong niya.

Ang simple lang naman ng tanong niya, anong pangalan nito. mahirap bang sagutin ang tanong niyang ito.

"Anong problema mo buddy?"tanong sa kanya ni Josh.

Hindi naman niya sinagot ang kaibigan niya, nagtuloy lang siya sa pag-iinom. Sa inis niya nakapag-aya pa siyang mag-inom nalang ng alak sa mga kaibigan niya.

"Basted ba?"biro pa ni Jeff sa kanya.

Tiningnan naman niya ng masama ang kaibigan niyang ito. kasi naman isa din ito sa mga ayaw magsalita kung anong pangalan ng babaeng iyon.

"Sabihin mo na kasi sakin ang pangalan ng insan mo"pangungulit niya sa kaibigan niya.

"Hindi pwede, ako ang malilintikan sa babaeng iyon. kita mo naman ang katarayan ng insan kong iyon."sagot nito.

Naiinis man siya wala naman siyang magawa kasi kahit anong tanong niya sa mga ito hindi niya makuha ang gusto niyang makuhang impormasyon.

"Alam mo ba Blaze, pangalawa ka pa lang na pinahirapan ka ni insan sa pangalan niya. iyong una lalaking pinahirapan niya sa pangalan niya sinabi na kasi na liligawan ang pinsan ko, pero in the end nagcheat kaya ayon basted agad. Ikaw buddy mukhang may type sayo ang pinsan ko tinanong mo lang ang pangalan pero hindi niya sinabi sayo. Baka type ka non, ako na nagsasabi sayo"mahabang litanya ni Jeff sa kanya.

Napakunot naman ang noo niya sa sinabing ito ni Jeff sa kanya, totoo kaya ang sinabi nito.

"Tae, nagtext ang girlfriend ko..."sigaw ni Josh.

Kaya naman lahat silang lima napatingin kay Josh. Ang tagal naman nitong magsalita na inip na silang maghintay kung sasabihin pa nito ang natanggap na text pero hindi naman nagsalita ang loko.

"Tae ka din Josh, sisigaw ka dyan kala mo naipitan ka naman ng kung ano dyan"inis na sita ni Ralph dito.

"Tangina, naman kasi nagagalit sakin buddy. Kasalanan ko bang nainjury ang insan mo Jeff."naiinis na turan ni Josh.

"Bakit ano naman ngayon sakin?"nakangising sagot naman ni Jeff.

"Hindi daw makapagpractice ang team captain nila dahil sa injury niya"nakasimangot na sagot ni Josh.

"Sino ba ang team captain nila?"tanong niya sa mga ito.

Siya na kasi ang out of place, hindi niya makuha ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Si insan buddy, swimming team sila para sa darating na atheletic meet"sagot ni Jeff sa kanya.

"Ow shit"napamura siya sa nalaman.

Alam niya hindi biro ang naging injury ng dalaga, kasi naman sinemento ang paa nito. kahit hindi siya doctor alam niya matatagalan ang paggaling ng paa ng dalaga. At two months nalang athletic meet na nila.

"Wala naman may kasalanan non, aksidente lang"ani Lorenz.

"Kaya nga"sang-ayon naman ni Josh.

.................

Maaga siyang pumasok kinabukasan para makausap niya ang babaeng iyon, hindi niya alam kung ano ang itatawag niya dito kasi naman hanggang ngayon hindi niya pa din nakukuha ang pangalan nito.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon