Twenty-two

10.9K 286 2
                                    

Blaze...

IT'S BEEN a week when he last saw his wife. And his fvckingly missing her so badly. Nasa Manila siya ngayon para sa one week training niya para matapos na din niya ang kanilang OJT. Hindi na naman niya kailangan na mag-OJT talaga kaso lang sabi nga ng Tatay niya kailangan pa din niyang pumunta doon sa kumpanya nila para pag-aralan ang pasikot sikot sa negosyo nila.

Kailangan din naman niya iyon para kapag sumulat na sya ng narrative report niya may maisulat naman siyang kapani-paniwala.

"I'll be there in few hours"kausap niya ngayon sa phone si Xylona.

"Okay, I love you Blaze"

Mababakas sa boses nito na parang magdinaramdam ito. Paos kasi na mahina, parang may sakit.

"Are you sick Irog ko?"nag-aalala niyang tanong dito.

Malalim na buntong hininga naman ang narinig niyang sagot nito sa kanya.

"It's just a simple flu Blaze"mahinang sagot nito.

Mas nag-alala na naman siya, mag-isa lang kasi nito sa apartment nila ngayon. Actually isang linggo itong mag-isa, kung wala lang itong OJT isinama n asana niya ito sa Manila. Kaso lang kailangan nilang magsakrispisyo ng kaunti para naman sa kinabukasan nila itong ginagawa niya.

"Shit wife, pauwi na ako"bigla niyang nasabi.

Mamaya pa sana siyang hapon uuwi, tatapusin pa niya ang office hour ngayong araw bago siya bumalik sa probinsya para makasama na ang asawa niya.

In their almost two months married life ngayon lang sila nagkahiwalay ng ganito katagal.

"Ano ka ba naman Blaze ilang oras nalang naman na, taposin mo na muna lahat ang kailangan mong gawin dyan. Don't worry too much okay, nagkikita kami ni Ate."natatawa nitong sagot sa kanya.

"Kahit na, basta uuwi na ako. Hindi naman ako pagagalitan ni Tatay kung sakali"may finality niyang sagot dito.

Wala namang naging reaction si Xylona sa sinabi niya kaya naman nag-aalala na naman niyang tinanong ito kung okay lang ba talaga ito. OA na kung OA pero tumawag siya sa Tito Malik niya at hiniram ang helicopter nito at nagpahatid sa probinsya para mapabilis ang pag-uwi niya.

"Ang bilis mo naman?"gulat na tanong sa kanya ni Xylona ng mabungaran siya nito sa loob ng apartment nila.

Hindi kasi niya dinatnan ang asawa sa bahay nila. Hindi niya alam kung saan ito nagtungo, sinubukan naman niya itong tawagan pero naiwan nito ang cellphone nito sa kama nila.

"Where have you been huh?"nag-aalala niyang sinugod ng yakap at halik ito.

Natatawa naman itong kumalas sa kanya at ginantihan ang halik niya dito.

"Mahal, nagpunta lang po ako sa botika to buy some medicines"natatawa nitong sagot sa kanya.

Nag-aalala niyang hinila ito palapit sa kama nila. Agad niya itong pinahiga sa kama nila. Siya na ang nag-asikaso sa iba pang pangangailangan nito.

Habang tumatagal napapansin niya ang pagpayat nito, maging ang panay na pagsakit ng ulo nito. sinabi na niyang ipapacheck up na niya ito dahil nag-aalala na siya sa pabalik balik na sakit nito.

Tapos ngayon may lagnat na naman ito. nagigising nalang sila sa kalaliman ng gabi na dumadaing ito na sobrang sakit ng ulo nito.

"Xy, I think we better go the hospital"aniya dito.

Tatlong araw mula ng nakabalik siya hindi na humupa ang sakit nito mas lumala pa nga yata sa tingin niya. hindi na nakakatayo pa si Xylona sa kama nila sa sobrang panghihina nito.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon