Fifteen

11.9K 360 4
                                    

XYLONA...

NATAPOS ang first semester nila na matiwasay, last sem na nila ngayon kaya naman magfocus na siya sa pag-aaral niya sa buong semester na ito. una dahil may OJT din silang kailangan na bunuin ngayon, pangalawa kailangan niyang galingan ngayon dahil kailangan niyang makahanap ng bagong sponsor sa susunod niyang course.

Isa pa sa manila na siya magpapatuloy ng pag-aaral niya para na din makasama pa niya si Blaze kahit na nakatapos na ng pag-aaral ang nobyo niya.

"Captain?"humahangos na tawag sa kanya ni Shiela.

Kasama nito ang isa pa nilang kaibigan na si Trisha, napakunot ang noo niya ng makitang hindi maipinta ang mukha ng mga ito at mukhang sobrang nag-aalala ang mga ito.

"Bakit ganyan ang mga itsura niyo?"takang tanong niya sa mga ito.

Natatawa pa nga siya sa mga itsura ng mga ito hindi nalang siya nagpahalata sa mga ito dahil mukhang seryoso ang gustong sabihin ng mga ito sa kanya.

"Captain, di ba nagpaalam ka na kay coach na hindi ka na sasali ngayon sem sa varsity"simula ni Trisha na tinanguan lang niya.

"Kasi nagfinal listing na kahapon ng list ng varsity. Hindi na kasama ang pangalan mo doon"dagdag naman ni Shiela.

Alam na niya ang gustong sabihin ng mga ito sa kanya. ito ay ang naalis na siya sa list ng mga scholar ng school varsity. Alam na niya ito at napaghandaan na niya ito, kaso lang kulang pa siya ng pera para pang-enrol niya.

"Alam ko na iyan, kasi napag-usapan na namin ni coach iyan"sagot niya sa mga ito.

Para namang nakahinga ng maluwag ang dalawa, sabi na nga ba niya ito ang iniintindi ng mga kaibigan niya.

"So, sino ang sponsor mo ngayon?"excited na tanong ni Shiela sa kanya.

Napabuntong hininga nalang siya sa mga ito bago nagkibit balikat.

"What?"sabay pang react ng dalawa.

"Sa lunes na ang enrolment, saan ka kukuha ng sponsor mo ng ganon kabilis"nag-papanic na tanong ni Trisha.

"Wag kayong mag-alala may ipon ako"kampanteng sagot nalang niya sa mga kaibigan niya.

Para namang nakahinga ng maluwag ang mga kaibigan niya ng sinabi niya iyon.

"Kaso kulang pa, pero gagawan ko na iyon ng paraan"masayang dagdag niya.

Tinatantyang tinignan siya ng mga kaibigan niya habang magkakaharap silang tatlo doon.

Blaze...

KANINA pa siya nakatapos na magpa-enrol. Maaga siyang pumila para maaga siyang matapos para ng sag anon masamahan niya si Xylona sa enrolment nito. magkaiba pa kasi sila ng college iyan tuloy hindi sila magkasama ni Xylona sa enrolment.

"Nakita niyo ba si Xy?"takang tanong niya sa mga kaibigan nito ng hindi pa din niya makita si Xylona.

Kanina pa din kasi niya ito hinahanap sa mga nakapilang estudyante sa college nila Xylona, pero hindi niya ito makita.

"Kanina pa nga din namin tinatawagan pero hindi sumasagot. Pinauna na niya kami dito kanina kasi may dadaanan pa daw siya"nag-aalala na din sagot ni Trisha.

Napakunot ang noo niya, hindi na kasi niya nadaanan kaninang umaga ang nobya niya dahil plano nga niyang maaga na pumila para sa enrolment. Hindi naman din siya nakapag-usap ng plano nila para ngayong araw kagabi dahil hindi niya makausap ng maayos ito.

Naghintay pa siya ng ilang minuto sa pilahan ng hindi pa din dumating si Xylona nagpasya na siyang hanapin na ang nobya niya. hindi na siya mapapakali sa isang tabi na maghihintay sa isang sulok kung kailan ito dadating.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon