BLAZE...
NAKATULALA na naman siya ngayon habang nakatulala sa litratong hawak hawak niya. nakasalampak lang siya sa sahig na nakasandal sa kama nila ni Xylona.
Nakukulong lang siya sa loob ng apartment nila ni Xylona for five days since that incident in the hospital. Ni hindi nga siya nagpunta sa sinasabing burol o maging sa libing na binigay ng parents ni Xylona.
"Xy"paos na ang boses niya.
Ilang araw na ba siyang dilat lang at ni isang minutong pag-idlip hindi niya magawa. Sa tuwing pipikit kasi siya bumabalik sa alaala niya ang itsura ni Xylona habang nakahiga at wala ng buhay.
Ayaw niyang pumikiy dahil ayaw niyang makita ang mga bagay na iyon. ang gusto lang niyang maiwan sa isipan niya ay ang magagandang alaala lang nila ni Xylona wala ng iba pa.
"Bakit mo ako iniwan Xy?"kausap niya sa litrato nila.
Ito ang kuha noong ikinasal silang dalawa. kitang kita doon kung gaano sila kasayang dalawa.
Mapait siyang napangiti ng maalala lahat ng nangyari ng araw na ito.
Habang natitig siya sa litrato panay ang tungga niya ng alak, puro na din alak lang ang laman ng tyan niya simula noon.
"Pwede mo namang sabihin sakin ang lahat, matatanggap ko naman sana nagawan pa natin ng paraan"parang wala na siya sa sarili habang kausap niya ang litrato.
Sumigaw siya ng napakalakas sabay balibag ng hawak niyang bote.
"Why you have to choose to leave me Xy?"galit siyang napatayo.
Kahit susuray-suray na siya sa lakasingan niya nagawa pa din niyang buong lakas na ibinalibag ang picture frame kung saan nakalagay ang litrato nilang dalawa ni Xy.
"You're so selfish Xy!"
Lahat ng bagay na mahawakan niya pilit niyang binabalibag, hanggang sa magkawasak-wasak na ang mga gamit nila ni Xylona. Wala na siyang pakialam pa kahit na mga paboritong gamit nila iyon ni Xylona.
"Ahh!"
Hinihingal na muli siyang napasalampak sa sahig ng matapos niyang pawalaan ang buong bahay nila. Hindi na nga makikilalang bahay nila ni Xylona ito, sobrang gulo na wala na sa ayos ang lahat.
Ang mga gamit na halos tatlong araw nilang inayos na dalawa ni Xylona. Na araw-araw niyang nakikitang inaayos at pinupunasan ni Xylona. Ang mga gamit na palagi nilang hawak, kapag magkasama sila sa loob ng munti nilang bahay.
"Tangina naman Xy, nang-iiwan ka"humahagulgol niyang turan.
Pinagsusuntok na din niya ang pader, sahig ang kama maging ang kung anong bagay na lapatan ng kamao niya. hindi na din niya ininda na dumudugo na ang kamao niya sa sobrang suntok na ginawa niya.
Matagal siya sa ganoong posisyon ng mapabaling ang mata niya sa isang pirasong papel na nakakalat sa sahig nila. Matagal niyang tinitigan ito pero hindi man lang siya magkalakas ng loob ng buksan ito at basahin.
Ito ang sulat ng binigay sa kanya ng mama ni Xylona noon nasa loob pa sila ng chapel ng ospital. Hanggang ngayon hindi pa din niya ito pinagkakaabalahan na basahin.
Dahil hanggang ngayon masama pa din ang loob niya. hanggang ngayon galit pa din siya sa pang-iiwan na ginawa sa kanya ni Xylona.
"I will never read your letter, bahala wag matahimik sa kung saang lupalop ka man mapadpad"galit na kausap niya sa papel na kanina pa niya pinakatitigan.
NATAPOS ang buong sem, dumating ang araw ng graduation pero wala siyang ginawa. Hindi na siya nagcomply pa sa kung anong mga kailangan niyang requirements para makatapos siya.