Nineteen

11.4K 337 4
                                        

Blaze...

"BAKIT ang tahimik mo yata Irog ko?"takang tanong na niya dito.

Napansin na din kasi niya ito kahapon pa ng sunduin niya ito sa tinutuluyan ng mga ito at ng mama at ate nito. kahit na tumuloy sila sa bahay ng mga magulang niya hindi din masyadong nagsasalita ito.

Magsasalita lang ito kapag tinanong ito, pero kung ito ang magbubukas ng topic na pag-uusapan tahimik lang na parang ang lalim ng iniisip.

"May iniisip lang ako"sagot nito.

Ngumiti naman ito sa kanya, pero alam niyang pilit lang ang ngiti nito. kilala na niya ito kung kailan ito masaya o galit, o di kaya naman kung malungkot ito. at iyon ang nakikita niya ngayon sa girlfriend niya.

"Something is bothering you, may I know it?"tanong niya dito.

Malalim na bumuntong hininga naman ito, hinawakan niya ang kanang kamay nito. kasalukuyan silang nasa biyaheng dalawa at siya ang nagda-drive kaya hindi niya din maibigay ang buong atensyon niya dito.

"What if we will did it na Blaze?"halos pabulong na turan nito.

Napakunot naman ang noo niya sa tanong nitong hindi niya maintindihan.

"What do you mean we will do it?"tanong niya dito.

"Make love"halos mas mahina na boses nito pero rinig na rinig niya.

Buti nalang wala silang kasunod kundi nabunggo na sila sa bigla niyang pagpreno sa gulat niya.

Nang makabawi siya iginilid niya ang sasakyan at hinarap niya ang girlfriend niyang naguguluhan na naman yata.

"Xy, I already told---"

"I know, gagawin lang natin iyon kapag kasal na tayo. But Blaze matagal pa iyon, we can do it now even we're not yet married"putol nito sa iba pa niyang sasabihin.

Napakamot naman siya sa ulo niya.

"Xy, you don't understand--"

"I understand, may pangako ka kila papa at mama even kila Tita Ana at Tito Benj. But Blaze hindi naman natin kailangan na ipagkalat na we already did that..."pagpupumilit na naman nito.

Mariing napapikit naman siya, nahihirapan din siya ipaliwanag it okay Xylona.

"Why we can't do it? While other couple did that many times even they not yet married. Even Josh and Trisha already did it many time noong high school pa kami sila nagsimula. Why we cant do it?"muli na naman nitong pagpupumilit.

"Beacause I respect you Xylona"napagtaasan na tuloy niya ito ng boses.

"I admit naiisip kong gawin na natin iyon many times already. Lalo na kapag nakikita kitang nakasexy outfit or in your swimming outfits. Pero mas malamang ang pagmamahal ko sayo Xylona. I love you so I will respect the scared of marriage with you. I don't lust you Xy, sana maintindihan mo iyon"naiinis na niyang paliwanag dito.

"Then marry me"hindi talaga papatalo ito sa kanya.

"Xy naman!"naiinis na niyang saway sa girlfriend niya.

Pinagpatuloy niya ang pagmamaneho, wala nan gang nagtangkang magsalita sa kanilang dalawa hanggang sa dumating sila sa tapat ng boarding house ni Xylona. Nagdadabog naman na bumaba si Xylona, sa inis niya hindi na siya bumaba para kausapin pa ito basta nalang din siya umalis doon.

Nagtuloy siya sa paraiso at tinawagan niya lahat ng kaibigan niya. doon nag-aya siyang uminom ng alak. Wala naman siyang sinasabi kundi namiss lang niyang bigla ang pag-inom. Ayaw naman niyang sabihin sa mga kaibigan niya na may pinagtalunan lang sila ni Xylona kaya siya nag-ayang uminom.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon