Xylona...
Her vacation with Blaze's family was a blast. Hindi lang sila sa Manila nagstay para summer vacation nila. Nagpunta din sila rest house ng mga ito sa Batangas, kasama ang buong pamilya ni Blazd as in buong pamilya nito including the auntie's and auncle's and cousin's of Blaze.
Meet and greet na sa family ni Blaze.
"Irog?"
Nag-iinit na ang ulo niya sa kakatawag ni Blaze sa kanya na irog. Napakabaduy pakinggan, pero enjoy na enjoy naman si Blaze kakatawag sa kanya ng ganon.
"Yuck!, kadiri ka naman sa pagpili ng endearment"reklamo ni Blaire.
Sinamaan lang naman ng tingin ito ni Blaze bago siya balingan at yakapin. Hahalik pa nga sana ito sa kanya naitulak lang niya ang noo nito.
"Kiss lang naman"nakanguso pa nitong reklamo.
Nagtawanan naman ang lahat ng nandoon n nakakita sa kanila ni Blaze.
"Ang wierd mo naman Blaze"tumatawang turan ni Ismael pinsan ni Blaze.
Nakilala na ang mga pinsan ni Blaze na sina King at Duke mga kuya nito dahil ten years ang agwat sa kanila. Sunod ni Ismael, at ang mga bunso na sina Cristal at Jewel. May isa pang kapatid ang mga ito, si Jade kaso lang nasa ibang bansa daw ito ngayon at nag-aaral kaya hindi nila ito kasama ngayon.
Mga anak ng panganay na kapatid ng mama ni Blaze, tapos naman ang anak naman ng isang tito ni Blaze na si Hanna Joy. Bali mayroong pitong pinsan si Blaze na kasama nila ngayon, pero bukod sa mga pinsan na ito ni Blaze kasama din nila ang mga kababata ng binata.
"Hindi ako weird El! Ang weird ang mga kuya mo"sabi ni Blaze sabay nguso sa kambal na nasa di kalayuan.
Nang sundan niya ng tingin ang tinuro ng binata nakita niya ang kambal na may mga kanya-kanyang kasamang babae. Napataas pa nga ang kilay niya ng makitang kung sino ang kasama ng isa sa kambal.
Iyon kasi ang doctor na tumingin sa kanya noong naospital siya ng malunod siya sa athletic meet.
"You're right in what ever you're thinking about the other girl Irog"bulong sa kanya ni Blaze.
Paglingon niya dito hindi niya inaasahan na nasa likod naman pala niya ito na sobrang lapit sa kanya. kaya ayon sapol ang labi nito ng labi niya, agad niyang tinulak ito na ang lakas ng tawa.
"One point for Monteverde"tumatawa pa nitong sabi sa kanya.
Lalapit pa sana ito sa kanya para halikan na naman siya pero sinupalpal niya ang nguso nito kaya naman sa palad lang niya lumapat ang labi nito. Tawanan naman ang mga kasama nilang mga pinsan ni Blaze na kasama nila pati mga kapatid nito.
"Three points for Xylona...with offensive foul points"tumatawang sabi ni Ismael na mas ikinatawa pa ng iba.
"Wala mahina ka pala sa puntos kuya"tumatawang turan naman ni Adam.
Masamang tingin lang ang sinagot ni Blaze sa mga nag-aalaska sa kanya bago ito lumapit sa kanya at sapilitan siyang niyakap nito patalikod.
"Wag ka ng umangal yakap nalang ito"bulong pa sa kanya ni Blaze.
Hindi na niya napigilan na tumawa ng malakas ng makita niya ang nakasimangot na mukha nito.
"Ang cute mo Mahal"sabi niya pa.
NASA gilid silang lahat ng dalampasigan at nakapaikot sa bonfire kasama nila ang lahat ng pinsan at kababata ni Blaze maging ang mga magulang ng mga ito. ang saya lang tignan dahil ang dami nila tapos sobrang saya pa nila. Hindi mo nga aakalain na may kasama silang matatanda kasi kahit may edad na ang mga magulang ng mga ito kakasabay pa sa kanilang lahat.