Seventeen

12.3K 334 9
                                    

Blaze...

Lahat na yata ng santo natawag na niya kanina habang nagbibiyahe sila ni Xylona papuntang terminal para sunduin ang mga magulang ni Xylona.

Hindi naman siya nahihiya sa sarili niya, his father always told them be proud always because they are Monteverde's. Siguro sa business world uubra ang sinasabi ng tatay nila sa kanilang magkakapatid.

Ngayon na makikipagkilala siya sa mga magulang ng babaeng pinakamamahal niya, ibang usapan na. lalo pa hindi naman mga negosyante ang mga ito di tulad ng tatay niya.

"Mahal, sabi ko na sayo wag kang kabahan okay"puna sa kanya ni Xylona.

Naghihintay sila ngayon terminal, any minute now dadating na ang mga magulang ng nobya niya.

"Irog ko naman, hindi mo maaalis sakin ang kabahan"nakasimangot na tugon niya dito.

Hindi naman na sumagot pa ang dalaga sa kanya. nang lingunin niya ito nakita niyang hilot hilot na naman nito ang sintido nito. bago sila umalis kanina sa boarding house nito nagrereklamo na itong masakit ang ulo nito.

"Masakit pa din ulo mo hanggang ngayon?"nag-aalalang tanong niya dito.

Tinanguan lang siya nito at nagpatuloy ito sa paghihilot ng sintido nito.

"Sa loob ka nalang ng sasakyan maghintay"utos niya sa nobya niya.

Sinamahan niya ito sa loob ng sasakyan, binuksan na din niya ang sasakyan niya kahit na nagtitipid siya sa gasoline mas pipiliin naman niyang makaginhawa ang nobya niya kaysa sa makatipid siya.

"Blaze, that's my ate"turo ni Xylona sa kanya sa isang nakapulang bestida na kakababa lang ng bus.

Akmang bababa si Xylona ng pigilan niya ito at sinabing siya na ang bahalang sumundo sa mga magulang at kapatid ni Xylona.

Buti nalang nakipagpalid siya ng sasakyan sa tito buboy niya mukhang kasama din ang mga kapatid ng nobya niya ngayon. Hindi sila magkakasya kung sa sasakyan niya lang sila sasakay lahat.

"Hi, miss I'm Blaze Monteverde...uhmm I'm Xylona's---"

"Boyfriend...I'm Xiomara, but you can call me ate Mara nalang"nakangiting pagsingit nito sa sasabihin niya.

Nakipagkamay ito sa kanya, pero hindi pa man nag-iinit ang kamay nilang magkahand shake may nilingon itong mga tao na kakababa lang ng bus.

"Mama, Papa he's here na"masayang tawag nito sa dalawang may edad na babae at lalaki.

Muling nagrigudon ang puso niya ng makita ang mag-asawang Fuentes na nakatitig na sa kanya habang papalapit ang mga ito sa kanila.

"So, you're Blaze Monteverde?"seryosong tanong sa kanya ng ama ni Xy.

Nakailang lunok siya ng laway niya bago siya tumango dito bilang sagot. Inioffer naman niya ang kamay niya para makipagkamay dito pero laking gulat niya ng lagpasan lang siya nito.

"Don't get intimidated with my husband young men. Nagseselos lang sayo iyan kasi wala ng ibang bukam bibig ang paborito niya kundi ikaw, I'm Clover Fuentes, Xylona's mother and I'm glad to finaly meet you Blaze"magiliw na bungad ng ginang sa kanya.

"Nice to meet you din po, ma'am"alanganin niyang sagot.

"Bayaw!"nagulat pa siya ng may bigla nalang umakbay sa kanya.

Nang lingunin niya nakita niya ang guy version ni Xylona. Ang kaibigan lang mas matangkad ito sa kanya at medyo tan ang kulay ng balat di tulad ni Xylona na sobrang puti.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon