twelve

13.8K 394 9
                                        

Xylona...

MABILIS na natapos ang bakasyon nila sa rest house nila Blaze, bumalik na din sila sa Manila kasama ng mga pinsan at kapatid ni Blaze maging ang mga kaibigan ng mga ito.

Nakasalumbaba siya ngayon habang nakatitig siya sa umuusok na kape niya. Nasa garden siya ngayon sa bahay pa din ng mga magulang ni Blaze.

"Goodmorning Xy!"bati sa kanya ni Blaire.

Napaangat siya sa pagkakasalumbaba niya at napatingin sa bagong dating. Wala siyang kasama sa garden ngayon, dahil tulog pa si Blaze dahil gumimik ito kasama ang mga lalaking kaibigan nito at mga pinsan nito kagabi na hindi sila isinama na mga girls. Boys night out daw ng mga ito kaya bawal ang mga girls na hindi naman niya pinigilan kahit pa gusto ni Blaze na isama siya.

Hindi na nga niya alam kung anong oras na dumating si Blaze kagabi.

"'morning"ganting bati niya dito.

"Tulog pa si Blaze?"tanong nito sa kanya na tinanguan lang niya ito.

Sumandal siya at muling tinitigan ang umuusok niyang kape.

"So kamusta naman ang kuya ko bilang boyfriend?"tanong sa kanya ni Blaire.

Napangiti naman siya dito bilang sagot. Mukhang plano siyang igirls talk nito ngayon kaya pagbibigyan niya ito.

"He is sweet and so caring"sagot niya dito.

Tumawa naman ng makalas ang kausap niya na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Maging siya na din natawa alam naman niya ang dahilan nito kung bakit ito tumawa. Alam kasi ng mga ito na ang babae para kay Blaze ay past time lang.

"Until now I can't believe that Blaze change because of you"sabi pa ni Blaire.

Nagtatawanan silang dalawa ng dumating ang mama ng mga ito ay nakisali sa kanila kasama din nito ang bunsong anak na si Angel.

"Parang ang saya niyong dalawa?"tanong nito na nakangiti habang paupo.

"Nanay kasi si Blaze sweet daw at caring"natatawa sagot ni Blaire sa ina.

Natawa din naman ang ina ni Blaze sa sinabi ng anak nito.

"Why, kuya Blaze is sweet and caring naman ah"sabad ng bunso nila.

"Well, I guess in that area I will agree with you Xylona. Blaze is a carbon copy of Benjamin kung ano ang ama ganon din ang anak. Pinagbiyak na anerola nga ang sabi ng nanay ko kila Blaze noong nabubuhay pa siya"kwento ng ginang sa kanila.

"Yeah, si Kuya lang ang nagmana kay tatay ng itsura, lahat kami kamukha na ni nanay"sang-ayon naman ni Blaire dito.

"Blaze and his father are the same. Parehas na playboy pero kung mainlove isang beses lang, and I believe napaka-persistent ng anak ko, kasi alam ko tinuro iyon ng ama niya."natatawang kwento pa ng ginang.

"Naalala ko kung gaano kakulit ang tatay ng mga ito noon sakin. Kahit na anong pagsusungit ko, pagtataboy ko pati nga pagtatago ko kay Benjamin noon makulit pa din pero kung hindi siya naging makulit noon edi sana wala akong ganitong kagagandang anak"patuloy na kwento ng ginang sa kanya.

Napapangiti naman siya sa habang nagkukwento ang ginang.

"Yes po, Blaze is so crazy. Kung anu-anong gimik ang ginagawa niya mapansin lang"pag-amin niya.

"But Xylona, kilala ko ang panganay ko. Kung kailan siya magseseryoso at kung kailan siya naglalaro lang. at sa nakikita ko sa kanya ngayon alam ko na seryoso siya sa sayo. Alam ko na ikaw lang talaga at wala ng iba. At kung sinabi niya na ikaw na ang pakakasalan niya wala ng makakapigil pa dun kahit ikaw pa hindi mo na siya mapipigilan pa. kasi sabi ng tatay nila, minsan lang dapat tumibok ang puso nilang magkakapatid at dapat ito nalang habang buhay."seryoso nitong turan.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon