Four
Blaze...
"Guys, meet Blaire, Blaire these are my new friends here"nakangisi niyang pagpapakilala sa mga kaibigan niya.
"Wait, pati ikaw Xylona kaibigan ng loko loko ito"nakataas ang kilay ni Blaire na nakatingin kay ganda.
Maging siya din napataas ang kilay, sa narinig niyang tinawag ng kapatid niya kay ganda.
Tama ba siya ng narinig kilala ng kapatid niya si Ganda, at ano ang pangalan ni ganda? Parang nabingi naman siya at hindi niya maalala ang pangalan na sinabi nito.
"Hey, Blaire what did you call to ganda?"tanong niya sa kapatid.
"Ganda?"siya naman ang tinaasan ng kilay ng kapatid niya.
"Hey, ano bang ginagawa mo dito Blaire? Bukas pa ang laro natin ah"sabad naman ni Ganda sa usapan nilang magkapatid.
"Wala just hanging out with him"turo naman sa kanya ni Blaire.
"Blaire"tawag niya sa kapatid na may halong pagbabanta.
Ngayon lang niya ulit ginamit ang pagiging panganay niya sa kapatid niya. matanda lang naman siya ng ilang minuto sa kapatid niya kaya hindi naman big deal ang pagiging panganay niya.
"What?"pagtataray naman nito sa kanya.
"I'am asking you"sagot niya.
"Alin, ang pangalan niya. your hanging out with her tapos hindi moa lam pangalan niya. siya si Xy... Xylona Fuentes. Ano okay na?"naiinis na pagtataray nito sa kanya.
Nakangisi namann siyang napatingin kay Ganda na nakataas din ang kilay nito sa kanya.
"Ganda I never cheat, you heard her right she called your name before I even ask for it"nakangisi niyang baling dito.
Napailing naman ito sa kanya at inabot ang bote ng alak sa lamesa nila at ininom ito habang hindi naman inaalis ang mata nito sa kanya. natatawa naman niyang binalingan ang mga kaibigan nila na nakatanga lang sa kanila na parang nanonood sila sa TV.
"What?"Exaggerated tanong niya sa mga kaibigan niyang nakatulala sa kanya.
Naupo na din siya sa tabi ni Xylona at inagaw ang iniinom nitong alak na siya na ang umubos.
"Blaire here is my sister, twin sister to be exact"aniya kahit wala namang nagtatanong.
"Yuck!, para kang ewan Blaze"sagot naman ni Blaire.
"What are you doing here anyway? Did Nanay at Tatay know's about you being here huh?"naalala niyang tanongin ang kapatid.
Nakalimutan na kasi niyang tanungin si Blaire dahil sa nalaman niyang pangalan ni Ganda.
"May laro kami bukas, friendly game"turo ni Blaire si Xylona.
Naninibago siya kasi ilang linggo din niyang pilit na inaalam ang pangalan ni Xylona. Kung alam lang niyang kapatid lang pala niya ang makakatulong sa kanya sana noon pa niya ito pinapunta sa probinsya.
"Uuwi na ako"bigla nalang nagpaalam si Xylona na hindi na sila hinintay pang sumagot.
Kaya naman hinabol niya ito.
Parang wala naman siyang injury sa paa kung makapaglakad ng mabilis.
"Xy!"tawag niya dito.
Hindi niya maiwasan hindi mapangisi kapag nababanggit ang pangalan ni Xylona. Dati wala lang sa kanya ang mga pangalan ng mga babaeng nakakasama niya pero iba talaga ang dating sa kanya ni Xylona.
