Ten

13.8K 432 9
                                        

Xylona...

Hinang-hina ang pakiramdam niya ng magising siya, ang bumungad sa kanya ay putting kisame. Alam niyang nasa ospital siya ngayon, dahil ang huling naalala niya kasama niya si Blaze at dinadala siya nito papunta ng ambulansyan.

"You're awake"

Narinig niya ang boses ni Blaze na punong puno ng pag-aalala sa kanya. nang lungunin niya ito sa tabi niya, punong puno nga ng pag-aalala ang mukha nito habang nakatitig sa kanya. kita din na magulo ang buhok nito at ang nangingitim na ibaba ng mata nito.

"Gaano na ako katagal na nakatulog?"nanghihina na tanong niya dito.

Inalalayan siya nitong makaupo mula sa pagkakahiga niya.

"Isang gabi pa lang naman"sagot nito sa kanya.

"Ang pangit mo"puna niya dito.

Pinilit niyang ngumiti habang nakatitig siya dito, alam naman niyang nag-aalala pa din ito sa kanya habang nagkatitig ito sa kanya.

"I know, ang mahalaga okay ka na hindi ko kailangan na maging gwapo kung nasa panganib ka naman"sabi nito sa kanya.

"Thank you"

Hinaplos niya ang pisngi nito, nanlaki ang mata niya ng mahipong mainit ito.

Doon lang din niya nakitang namumula ang pisngi nito at malamlam ang mata nito.

Hinipo din niya ang leeg at noo nito, mainit din gaya ng pisngi nito.

"May lagnat ka"aniya dito.

"Wala ito, kaya koi to sinat lang ito Xy"anito.

Inirapan niya ito bago siya tumayo at ito ang piloting humiga sa kama kung saan siya kanina nakahiga.

"Xy, I'm okay"pag-aawat nito sa kanya.

Pinaglakihan niya ito ng mata, bago niya ito tinulak pahiga.

"I think you didn't chance you're cloths, kaya ka nagkasakit"sermon niya dito.

"Xy"

"Ang tigas ng ulo mo. Gusto mong hiwalayan kita sa ginagawa mo sa sarili mo"sermon na naman niya dito.

Nawala lahat ng panghihina niya sa katawan niya ng malaman niyang may sakit ito ng dahil din sa sakanya. Hindi naman siya pwedeng magkamali alam niyang si Blaze ang sumagip sa kanya, alam niya ang rules sa mga nalulunod.

"Xy, sinat lang ito hindi naman malala unlike you. you need to rest, para mabawi mo ang lakas mo"sagot nito sa kanya na nagpipilit na tumayo na.

"Isa...kapag tumayo ka dyan kalimutan mo na ako"banta niya.

Bigla naman itong nahiga sa kama habang nakatitig sa kanya.

"Oh, di ba si Xy ang nakaconfine bakit si Blaze nakahiga?"takang tanong ni Jeff.

Paglingon niya nandoon ang mga kaibigan nilang lahat at dinadalaw siya ng mga ito.

"Blaze have a fever"sagot lang niya sa mga ito.

"Call the doctor Jeff"utos naman ni Blaze sa pinsan niya.

Agad namang sinunod ng pinsan niya, ilang minuto lang ang hinintay nila ng may pumasok na isang babaeng doctor kasama ang pinsan niya.

"Good thing that your awake now"bungad naman agad nito.

Napataas ang kilay nito ng makitang nakatayo siya sa gilid ng kama samantalang si Blaze naman ang nakahiga sa kama niya.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon