Twenty-nine

11.3K 297 7
                                    


ZAMARA...

PARANG sira ang kanina pa niyang tinitignan na amo. Nahihilo na din siya sa kakasunod sa lalaking ito. Hindi man lang mapirmis sa isang lugar, naiinis na siya pero wala naman siyang magawa. Ito pa lang ang kasi ang tumanggap sa kanya sa trabaho, lahat ng inapplyan niya hindi siya natanggap.

Una dahil wala naman siyang formal schooling, sa ASL nga lang siya nakatapos ng highschool niya, at vocational lang natapos niya. noong college kasi siya paiba-iba siya ng kurso, kasi hindi niya makuha ang talagang gusto niya hanggang sa nagpasya siyang magvocational nalang.

Hindi na nga niya napansin na tumatanda na pala siya, aral lang siya ng aral.

Twenty-eight na siya hindi pa siya nakakahanap ng maayos na trabaho. Dahil na din sa hindi magandang record niya sa pag-aaral.

"Boss, pwede bang maupo naman tayo"reklamo niya.

Kanina pa kasi sila sa loob ng mall, hindi niya naman alam kung ano ang gusto nitong mangyari. Basta palakad-lakad lang sila doon, kung mamimili ito sana pumasok nalang sila sa isa sa mga store doon pero hindi paikot-ikot lang ito doon.

"We're at the middle of work Miss Cruz"seryosong sagot nito sa kanya.

Pinagtaasan naman niya ito ng kilay sa naging sagot nito sa kanya.

Ano naman ang trabaho sa paglalakad sa mall?

And for the record, pang lima na yata nilang mall ito sa loob ng maghapon na ito kaya naman naiinis na siya. Nakakapagpahinga lang siya kapag nakasakay sila sa sasakyan nito at nagbibiyahe papunta susunod na destinasyon nila.

"This is my mall, and were doing the insfection"bulong nito sa kanya tapos nagwalk out na naman.

Napanganga naman siya sa nalaman niya, dahil bago lang naman kasi siya kaya naman hindi niya alam na ganito pala kayaman ang amo niya.

"Hindi nga bossing, sayo ito. eh iyong apat kanina sayo din"tumango lang ito sa kanya.

Napapalatak naman siyang napapatitig sa mga establishment na nakikita niya. alam niyang kilala ang mall na ito at madami itong branches sa buong pilipinas.

"Wow, big time ka talaga bossing"masaya niyang hinabol ito.

Ang pagod nanararamdaman niya kanina biglang nawala sa pagka-excite sa nalaman niya.

"Ang ingay Miss Cruz"reklamo naman ng amo.

Napasimangot naman siya sa sinabi nito, hindi niya alam kung bakit sa ilang buwan na nilang magkasama miss Cruz pa din ang tawag nito sa kanya. naalala niya noong nagsisimula palang siya sa kumpanya, Kim lang ang tawag nito sa dating sekretarya.

"Boss, bakit ba miss Cruz pa din tawag mo sakin? Bakit kay Miss Kim, Kim lang ang tawag mo sakin?"hindi niya naiwasan na itanong sa binata.

Napairap lang siya ng tignan lang siya nito bago siya nilagpasan at nagpatuloy sa paglalakad. Umamba siya ng suntok dito kaso lang bigla niya din binawi dahil bigla din itong lumingon sa kanya.

"Sumunod ka nalang ng tahimik miss Cruz"utos pa nito sa kanya.

Napairap nalang siya dito habang naglalakad. Panay din ang make face niya sa lalaki habang hindi ito nakatingin sa kanya.

Hindi gaya ng ibang mall na pinuntahan nila, ngayon lang sila pumasok sa isa sa mga store dito. Na nakapagpataas ng kilay niya, isang mamahaling boutique ang pinasok nila ngayon.

"Blaze! Oh my God, it's been long since the last time we saw each other"masayang salubong sa kanila ng isang babae.

Bigla naman siyang nanliit sa babae, super ganda nito. matangkad, sexy, maputi, at higit sa lahat mukhang artistahin. Pero malamang sa model ito, mukha pa itong foreigner dahil sa facial features nito.

Love at First Fight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon