Blaze...
He is at the middle of his meeting with his board of trustees ng biglang bumukas ang pinto ng conference room kung nasaan sila. Kasunod noon ang masayang tawanan at habulan ng tatlong batang lalaki patungo sa kanya.
Napangiti naman siyang bigla ng makita ang mga ito.
His three musketeers is coming.
"Daddy!"sabay-sabay pang sigaw ng mga ito.
"Babies"masaya namang sinalubong niya ang mga ito.
Sabay-sabay siyang dinamba ng mga ito kulang nalang mapahiga siya sa kinauupuan siyang swivel chair.
"Blake, Brock and Xavier"narinig naman niyang tawag sa mga itong ng kuya ng tatlo.
Bumungisngis lang ang tatlo sa kanya. masaya niyang tinignan ang tatlo pa niyang anak bukod sa panganay niyang si Xerxes.
Mula ng magbuntis si Xylona kay Blake sinunod-sunod na niya ito. naghahabol siya ng prinsesa pero binigyan siya ng apat na barako. Well okay lang naman sa kanila ni Xylona na walang anak na babae. Talagang naparami lang ang pag-aanak ng asawa niya.
"Daddy"tawag sa kanya ng panganay.
"It's okay Xerxes, they can play in here. We're already finished our meeting"aniya sa anak niya.
Binalingan niya ang mga tauhan na nakatunghay sa kanila na may ngiti din sa mga labi habang nakatitig sa kanilang mag-aama. Sinabihan na niya ang mga ito na pwede ng bumalik sa kanya-kanyang trabaho para masolo na niya ang mga anak niya.
Knowing his children alam niyang hindi titigil sa kakulitan ang mga anak niya hangga't hindi nagpagbibigyan.
Xerxes is now a young man, 16 years old na ang anak niya. samantalang si Blake ay 5 years old, Brock is 4 years old and Xavier is 3 years old.
"Where you mom?"tanong niya sa mga anak niya.
As if on cue biglang pumasok naman ang nag-iisang reyna ng buhay niya. mukhang pagod na pagud itong humabol sa mga anak nila.
"Kids!"sigaw naman nito.
Natatawang nagtago sa likuran niya ang mga anak nila.
"Pagalitan mo sila Mommy, they run straight here without knocking the door. They interrupted dad's meeting"sumbong naman ng panganay niya.
Pero bago pa man magalit ang asawa niya nakatayo na siya at nayakap na niya ito at nahalikan na sa labi para manahimik na.
"Ung mga bata!"saway naman sa kanya nito ng pakawalan niya ang mga labi nito.
Nilingon naman niya ang mga anak nila na nakatunghay lang sa kanila. Iba-iba ang reaction ng mga ito, si Xerxes at Blake parang masusuka, si Brock at Xavier naman parang nanonood lang ng TV habang nakatitig sa kanila ng ina ng mga ito.
"Sanay na kami mommy"reklamo pa ni Xerxes.
Natatawa naman niya niyakap ulit ang asawa niya.
"What brings you here my dear wife, kasama mo pa ang mga bata?"tanong niya.
Inirapan siya nito bago kumalas sa pagkakayakap at naupo sa swivel chair kung saan siya nakaupo kanina.
"You!...matanda ka na you forgot your promise to them"inis na sagot nito sa kanya.
"Ow shit!"bulong niyang mura.
Naalala niyang sinabihan pala niya ang mga anak na pupunta sila ngayon ng Baguio para magbakasyon.
