Hindi na kami pinabalik sa backstage kasi awarding na kaagad. Kinakabahan na ako baka kasi manalo ako. Joke lang. Hindi na ako aasa. Ang ga-ganda rin kasi ng mga answers nila samantalang ako, walang experience. Ano ba yan. Ba't yun pa?
"Now, let's start for the awarding of Bests" Panimula ng host
"For Best in Swimwear! Congratulations Candidate number..... Candidate number 12!" Lumaki ang mata ko when I heard my candidate number. Naghiyawan ang mga tao and nabigla ako. Hindi na kasi ako umasa na mananalo ako. Ayoko ng mag-expect. Masakit yun e. Pero really? OMG may maiuuwi ako at least.
Pumunta ako sa harapan nang nakangiti abot langit and linagyan ako ng sash ng Best In Swimwear. Dahil ba may abs ako? Hehe
Napangiti na lang ako knowing na at least may maiuuwi ako for my team and bumalik na ako sa pwesto ko. Pwede na bang umuwi? Okay na ako e. Kontento na ako dito.
"Best in Talent! Congratulations candidate number..... Candidate number who gave us the hottest performance tonight..... None other than Candidate number 12!" Napalaki naman ang mga mata ko when I heard ulit my candidate number.
Pumunta naman ulit ako sa harapan and linagyan naman ulit ako ng sash na may nakalagay na Best In Talent
Ngumiti naman ulit ako and bumalik ulit sa pwesto ko. OMG, gusto ko ng umuwi. May dalawang awards na ako.
"Best in Long gown attire! Congratulations ....... Congratulations candidate number 11!"
Si Rika ang nanalo sa Best in Long gown. Maganda naman kasi gown niya napakakintab, kulay pula. Nakakaagaw tingin.
"Let's go on for People's Choice Award. As you all know, we put boxes on the main entrance with the name of each candidates and diba before you guys entered you have to put your votes on who do you want to win. Now, we have the results for the People's Choice Award! For the People's Choice Award, Congratulations ...... Congratulations candidate number 12!"
And I heard my candidate number once again and I still have the same reaction when I heard my candidate number kanina. Napangiti naman ulit ako and hindi ko inexpect na magkaka-award ako. It comes in an unexpected way nga.
Bumalik na ako sa pwesto ko after I received my sash.
"Now for the ranking. Are you all ready to see the Top 5 candidates and of course the Ms. Org-DLSU of 2017?!" Sigaw ng host and napa oo ang ang mga audience.
"We have now the results. Mr. Cruz will you please come to the stage?"
Umakyat sa stage yung matandang lalake and siya pala si Mr. Cruz. Siya yung nag question sa akin kanina
"4th Runner Up goes to Candidate number 9" Agad na sabi ng matandang lalake at nagulat ako kasi wala man lang kathrilling-thrilling
Pumunta na sa harapan ang gulat na gulat na si Candidate number 9. Linagyan siya ng sash, may maliit na korona and binigyan ng flowers.
"3rd runner up goes to Candidate number 10" Announced naman niya at nagsigawan ang mga tao
Nagulat rin si Candidate number 10 and pumunta na siya sa harap para tanggapin rin ang sash, korona and flowers.
"2nd runner up goes to candidate number 11!"
Hala, ba't sunod-sunod? 9, 10, 11. Ako na ba ang susunod? Aasa ba ako? Kailangan ko bang mapressure? Ano ba yan. Wag naman ganyan please.
Pumunta ang katabi ko sa harapan to receive the award habang ako naman ay kinakabahan.
"1st runner up goes to candidate number..... Candidate number 4!"
BINABASA MO ANG
Pwede Ba? | Ricci Rivero
Teen Fiction'fear is temporary, regret is forever' sabi nila. But kaya mo bang isakripisyo ang lahat para lang sa pagmamahal? Kaya mo bang harapin ang mga consequences once you took the risk? even if the consequences includes losing the person you love?