"Ako na magd-drive" Sabi ni Ricci nang umalis na si Brent. I shrug my shoulders at binigay ko sa kanya ang car keys ko.
Sumakay na kami sa loob at pinaandar na niya ang sasakyan ko
"Punta tayo sa bahay niyo. Ibibigay ko kanila Tita yung invitation and dun ko na rin ibibigay yung inyo ni Prince" I told him
"Okay sige" Sabi niya and umandar na kami. Nung nagbacking kami para umalis sa parking lot, I don't know pero ang hot ni Ricci tignan nung nilagay niya kamay niya sa likod ng seat ko at tumitingin siya sa likod habang nagba-backing kami at seryoso pa ang mukha niya. Oh Lord. Patawarin niyo po ako.
Pagkatapos naming umalis sa parking lot. I frowned nung inalis na niya kamay niya and put it on the shifting lever. I think we should go to places na may parking lot a lot more. Ang hot niya as in. Shet nakakalaglag ng pan----ga. Nakakalaglag panga. Kayo ah ano iniisip niyo. But seriously, I cannot contain myself mas lalong tumitibok ang puso ko
The ride going there wasn't that long. So madali lang kami nakarating sa bahay nila. And as usual, pagpumupunta ako ng bahay nila, I make it sure na may dala ako for Riley and pati na rin sa iba niyang mga kapatid. I bought them 2 gallons of Icecream.
Bumaba na kami ng sasakyan and Ricci gave back my keys.
Pumasok kami sa bahay nila and his family were all in the living room. Pati si Prince. They were all watching TV.
"Ate LANA!" Sigaw ng mga kapatid ni Ricci when they saw us at I waved at them as Igave them a smile
"Ma, Pa, andiyan po si Alana" Sabi ni Ricci at nakita ko siyang nagmano sa kanila.
Ako naman yumuko ako at binati ko sila Tita "Hi Tita, Hi Tito"
"Hi gabi na ah. Kumain na ba kayo?" Tanong ni Tita Abby sa amin at tumango kami
"Yes Ma" Sagot ni Ricci at tumakbo patungo sa amin si Riley
"May dala si ate Lana Riley oh" Sabi ko sa kanya as I gave him the Icecream that I bought
"Yey! Icecream!" Tuwang sabi niya at umangat ang ulo ng mga Kuya niya at napasigaw na rin na may icecream daw and then pinalibutan na nila si Riley at dinala ang bata sa kitchen
"Naku Alanna, wag no ngang sayangin ang pera mo sa kanila. Matataba na yan sila and baka sa susunod, Hindi na ikaw ang inaabangan ng mga bata kundi yung mga dala mo na" Sabi ni Tita Abby sa akin at umagree si Tito Paolo sa kanya
"Okay lang po. Love ko naman yung mga anak niyo e" Sabi ko sa kanila as I giggled
"And Tita, andito na po yung debut invitation ko, para po sa inyo. Punta po kayong lahat sa birthday ko ah next week po yan" Sabi ko at inabot ko yung invitation ko kay Tita.
"Syempre naman pupunta kami" Sabi ni Tita habang binabasa niya yung nasa harapan ng invitation ko
"Alana, kasali ba kami sa 18 roses mo? Pang-ilang dance ako?" Tanong ni Prince sa akin
"Oo, kayo nina Ricci at Rasheed. And hindi ko matandaan kung kelan kayo ni Rasheed, mga 15 and 16 siguro"
"Si Ricci last dance mo no?" Tanong ulit ni Prince as he gave me a meaningful look. Like may something
"Syempre naman. Dapat talaga ako yung last dance. Kami ang pinakaclose" Sabi ni Ricci at napairap ako.
"Hindi no, si Dad last dance ko" Sabi ko sa kanya at nakita ko siyang sumimangot.
Si Dad talaga kasi yung last dance ko and first dance ko rin. Si Ricci yung ika-17th roses ko. Even though napag-isipan ko rin na si Ricci sana last dance ko kaso I don't want it to be obvious baka magtaka pa sila and magtatanong kung bakit siya last dance ko but then, since, mas matimbang naman talaga si Dad sa puso ko, I chose Dad. Gustong-gusto ko naman talaga in the first place pa na Dad will be my first and last dance
BINABASA MO ANG
Pwede Ba? | Ricci Rivero
Teen Fiction'fear is temporary, regret is forever' sabi nila. But kaya mo bang isakripisyo ang lahat para lang sa pagmamahal? Kaya mo bang harapin ang mga consequences once you took the risk? even if the consequences includes losing the person you love?