8

3.3K 43 0
                                    



Kinaumagahan, hindi ko na inisip ang nangyari kagabi. Marami akong unread messages and missed calls from the guys telling that they're sorry. Kay Ricci ang pinakamaraming missed calls and messages ang na receive ko at ni-isa wala akong binuksan.

Naalala ko pala na may debut shoot ako ngayon but since may school meeting ako, mukhang ma re-resched. I called Mr. Cueva at napag-usapan naming na a week before my debut nalang yung debut shoot ko tutal sembrake naman yun.

Tumunog ang cellphone ko and Ricci is calling naman ulit at sinagot ko ito.

Medyo okay na kasi ako. It's just kagabi, natakot ako. Medyo na-trauma parang ganun.

"Hello?"

"Alana, sorry kung na disturbo kita, salamat sinagot mo. I'm sorry talaga sa nangyari kagabi. I'm so sorry kung muntik ka ng masagasaan" Sabi niya

"Okay lang. Wala kang kasalanan. Wala kayong kasalanan. Ako yung tumawid. Ako yung humabol sa inyo" Sabi ko sa kanya

"Pero Alana, kung hindi ko pa sinabi na kilitiin ka, hindi sana yun mangyayari. Kaya I'm sorry. Kasalanan ko"

"Tumigil ka nga. Stop blaming yourself. Lahat ng ginawa ko, it's all my choice"

"E, ako nama----" Pinutol ko siya at umirap ako kahit alam kong hindi naman niya ako makikita

"Oh sige, if feeling mo kasalanan mo, ilibre mo nalang ako ng breakfast para patawarin kita. Hindi pa kasi ako nakapagbreakfast" Tawang sabi ko

"Hindi pa ako naliligo but okay sige, pupunta ako sa condo mo. Mag b-breakfast tayo kung saan mo gusto" Aniya at napangisi ako

"Okay sige. Maghihintay ako"

"Okay, bye"

I decided na maligo muna while waiting for Ricci. After I showered, nagbihis ako ng pants and simpleng T-shirt lang. Not in the mood na mag-ayos ng bongga.

Kinuha ko ang sapatos ko at doon na ako sa labas nagsuot. While tying my shoes, I heard a knock sa pinto. Baka andiyan na si Ricci. Kinuha ko ang wallet ko at binuksan ko ang pinto. Nandiyan na si Ricci.


"Hi" Sabi niya.

"Hi, oh akala ko hindi ka pa nakaligo?" Sabi ko sa kanya when I noticed na basa ang buhok niya

"Naligo ako. Ayoko kasing umalis ng bahay nang hindi pa naliligo. And tara na?" Sabi niya

"Sandale" Sabi ko. Lumapit ako sa kanya and I throw my arms around his neck and yinakap ko siya. Yinakap ko siya nang mahigpit. I need a hug.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Ricci sakin as he hugged me back. Tumango lang ako.

After mga ilang minuto, humiwalay na ako sa kanya "Tara?"

And this time, siya naman ang tumango

Ako ang pumili kung saan kami kakain at I chose Jollibe. Sa Julibeh kami kumakain ng breakfast ngayon. Habang kumakain kami, I noticed Ricci keeps glancing at me.

"Bakit mo ko tinitingnan?" Tanong ko sa kanya

"Wala. May lakad ka ba ngayon?"

Pwede Ba? | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon