"Thank you everyone for coming. I really appreciate it. Lalo na sa mga friends ko dati, na friends ko parin. It was nice meeting all of you again" Sabi ng babae na nasa harapan na may hawak na mic
"Before we end this night. I would like to take this opportunity" Biglang nagsalita ang lalake which I assumed asawa niya
"This wasn't just a welcome party. Actually, matagal ko na 'tong pinagplanuhan nung nasa Dubai pa kami" Sabi niya and all of us were curious kung ano ang tinutukoy niya na pinagplanuhan
"Alice, mahal. Do you remember we were highschool sweethearts? Naging tayo nung 3rd year highschool tayo and akalain mo tayo pa rin hanggang ngayon and we're both... ayokong sabihin age natin baka malaman nila" nagtawanan ang mga tao and then he went back talking
"Pero seriously, sabay tayong naghighschool, sabay tayong nagkolehiyo, sabay tayong nagtapos, sabay tayong nangarap. At the age of 28, kinasal tayo. Nagpakasal tayo ng sekreto because little did they know, both our parents, mga magulang natin ayaw sa atin para sa isa't isa. Baka malaman nila na tayo pa rin hanggang ngayon. Pagkatapos nating kinasal, we were so happy. Masayang-masaya ako na kinasal na tayo but at the same time, nagagalit ako. Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang ibinigay ang mga normal na bagay na gusto ng mga babae. Hindi man lang ako nakapag propose. Hindi man lang kita binigyan ng isang engrandeng kasal" Sabi ng lalake habang hawak na hawak niya ang kamay ng asawa niya and umiiyak na siya.
And then nakita naming lumuhod siya at napatapik sa bibig ang asawa sabay oagbuhos ng luha niya. OMG Magpo-prose ulit siya.
"Kaya, again, I would like to take this opportunity. Alice, I want you to know that I love you so much. That I wanted to give you what you deserved nung una pa lamang. This time hindi na sekreto. This time, may tao na. Kaya, Will you marry me? Again?" Iyak na nakangising tanong ng lalake sa asawa niya sabay pakita niya sa isang singsing na nasa box.
Naghiyawan ang mga tao and I don't know pero bumuhos na lang ang luha ko. Naninindig kasi balahibo ko kanina pa and napakaheart touching. Auq nuh. Nakakakilig.
"YES" Sigaw ng asawa niya at mas lalong napalaki ang ngiti ng lalake. Kinuha niya ang singsing na nasa ring finger ng asawa niya at pinalitan ng bago.
And then they kissed.
"Oh Alana, ba't umiiyak ka?" Pang-aasar na tanong sakin ni Ricci habang vini-videohan niya ako, nags-snapchat siya.
Tinakpan ko ang mukha ko at pinunasan ko ang luha ko.
Ibinaling ko ang tingin sa mag-asawa and nag s-slow dance na sila.
Hanggang sa nakita kong maraming na ang nags-slowdance
"Ma, sayaw tayo" Sabi ni Tito Paolo at naglahad siya ng kamay kay Tita Abby at napa 'ayiieee' kami sa kanila. Napangiti naman si Tita at she gladly took Tito's hand at pumunta na sila sa center at sumayaw.
Naalala ko tuloy ang mga magulang ko. Kamusta na kaya sila? Tini-text ko naman sila pero wala akong reply na nakuha sa kanila.
And then tumayo si Prince at naglahad ng kamay kay Eileen. OMG
"Sayaw tayo" Sabi ni Prince at tumango naman si Eileen na nakangiti at tumayo siya. Pumunta na sila sa gitna kasama sila Tita at Tito.
"Gusto mo ring sumayaw?" Tanong ni Ricci sakin at kumalabog naman ang puso ko.
"Ay wag nalang, nahihiya ako kasi naalala ko part ka pala sa dance crew. Baka kantyawan mo lang ako" Sabi agad niya at tumawa ako
"Hindi naman kami sumasayaw ng slow dance, kaya tara" Sabi ko sa kanya at nakita kong napangisi siya.
BINABASA MO ANG
Pwede Ba? | Ricci Rivero
Teen Fiction'fear is temporary, regret is forever' sabi nila. But kaya mo bang isakripisyo ang lahat para lang sa pagmamahal? Kaya mo bang harapin ang mga consequences once you took the risk? even if the consequences includes losing the person you love?