24

2.7K 49 10
                                    

Natapos na ang game pero hindi kami nanalo. Nahulog kasi yung apple e. Tsaka I found out, kaya pala bigla na lang umuugoy ang apple because ginagalaw ito ng pesteng Kib na 'to, para magkahalikan daw kami.

Si Andrei naman parang ginaganahan, tawang tawa lamang siya e, silang dalawa ni Kib at naghigh five pa sila.

Lumayo ako sa kanila at napa-upo ako sa isang mono block habang tinitignan ko kung ano ang next game

"Okay, that was a really nice game! Next game naman is paper dance! Prize is still 500 pesos. Find a partner pa rin pero you can choose na anyone" Said sa isang mommy

This time, yung iba naman ang sumali, yung hindi nakalaro kanina. Nakita ko yung ibang Green Archers, may kasamang ibang babae and some of them girlfriend nila. Si Kib naman inanyayahan si Andrei.

Napatingin ako sa gitna at bigla na lang bumagsak ata puso ko nang makita kong sumali si Ricci and......

babae partner niya. I don't know her. Hindi ko kilala ang babae but I can't help but sabihin na she's pretty. Morena siya unlike sa skin ko na maputi , medyo blond ang buhok unlike mine na simply black pero may kaonting highlights naman tsaka bagay na bagay sa kanya ang buhok niya and then mas matangkad siya sakin. I feel like their height is perfect for each other.

Wait. Siya ba yung babaeng kausap ni Ricci nung nakainom ako?

Siya na ba? Siya na ba yung ibig sabihin ni Ricci na ipapakilala niya? Why is it too soon? Akala ko after ng season na 'to? Ba't ang aga?

Hindi ko mapigilan ang sarili na magselos sa kanila nang magumpisa na ang game. But I acted like, it was nothing me, as usual. Baka may makahalata.

Until sa paliit ng paliit ang paper, everyone were out except sa tatlong pares and kasama na dun si Ricci. Nang magstop na ang song, napaapak agad sila sa paper at they were holding each others hands habang nagkadikit ang mga katawan nila.

Napatingin ako sa mukha nila and nakangiti sila habang nagkadikit pa rin at may bumibilang ng 5 seconds para tignan kung sinong pares ang umapak sa floor.

Wala pang natalo kaya finold naman ang manila paper. Oh God.

Sumayaw ulit sila circling around the manila paper at when the song stopped, kung kanina'y nagkaholding hands sila, ngayon nakayakap habang nagti-tiptoe silang dalawa.

Unti-unting sumikip ang dibdib ko kaya tumayo ako at tumalikod. Hindi ko 'to kayang panoorin. I'm so damn jealous. Sana ako na lang partner ni Ricci.

Naalala ko ang mukha sa partner ni Ricci and I can't help but feel jealous din. Ang ganda niya kung ikukumpara mo sakin to be honest. Yan ba ang mga type ni Ricci? Morena? Matatangkad?

Do I need to go to the beach para maging Morena ako? Do I need to drink vitamins o cherifer para tumangkad ako? Para magustuhan niya ako?

Lumingon ako ulit sa kanila baka tapos na ang game at sa paglingon ko, saktong sakto rin sa pagbuhat ni Ricci sa kanya. Nakita kong binuhat niya ang babae pabridal style habang ang babae naman nakakapit sa kanya.

Siya na ba talaga yung babae?

I immediately looked away. Kasi bawat segundong nakatingin ako sa kanila, mas lalo atang lumalalim ang saksak nila sa puso ko. Hindi ko talaga kaya. Selos na selos ako.

Napatingin ako sa harapan ko and may mga Emperador na mga drinks ang nakalapag sa mesa. Nagbukas ako ng isa at binuhusan ko ang baso at umasim agad ang mukha ko nung nilagok ko ito.

My second time drinking. I don't care, I'm 18 na naman.

I remembered nung first time kong uminom it was because of Ricci. It was because naguguluhan ako sa feelings ko sa kanya noon and in denial akong nagseselos sa kanya kasi iniwan niya ako para makipagusap sa babae. And now, my second time, because of Ricci pa rin. Pero this time, hindi na ako in denial. Kasi inaaaminko, na, selos na selos talaga ako. Oh God, I'm so fucking jealous kahit alam kong wala naman akong karapatan.

Pwede Ba? | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon