Hindi ko napansin nakatulog na din pala ako. As I have remembered, nakaupo pa kami kanina ni Ricci pero ngayon nakahiga na ako at nakatigilid at ang arm ng sofa ko ay nagawa kong unan.
Si Ricci naman nakatagilid rin at nasa likod ko siya. Ang ulo niya nakapatong na sa hips ko at ang mga kamay nito nakayakap na rin sa hips ko.
Medyo malaki-laki rin kasi ang sofa na 'to. And binili ko naman 'to for sleeping purposes.
Inabot ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na and 7:30 na sa gabi.
Narinig kong may tumutunog and it was Ricci's phone. Tumatawag si Tita Abby. Naku, baka importante 'to and baka hinahanap na.
"Ricci" Tawag ko sa kanya as I slowly shake him
"Ricci, phone mo, tumatawag si Tita Abby" Sabi ko sa kanya
"Hmm?" Sabi niya
"Tumatawag si Tita Abby. Baka importante" Sabi ko ulit at dahan-dahan na akong umalis sa kanya
Napaupo siya at kinuha niya sa mesa ang phone niya para sagutin
"Hello Ma?" Sabi niya at pumunta ako ng kitchen para uminom ng tubig. Binuksan ko ang ref at kumuha ako ng mineral water.
"Ay, Ma, sorry, sorry nakatulog ako. Okay sige, papunta na ako at pwede ko bang dalhin si Alana?" Narinig kong binanggit ni Ricci ang pangalan ko kaya napatingin ako sa kanya
"Okay sige Ma, papunta na kami" Sabi ni Ricci at tumingin siya sa akin
"Gusto mong sumama? May pa-party yung friend ni Mama" Sabi niya sa akin
"Ayoko baka iwan mo naman ulit ako" Sabi ko sa kanya at tumalikod ako para ilagay sa trashbin ang naubos kong mineral water
"Pangako hindi na talaga kita iiwan. Sige na, sama ka" Sabi niya and huminga ako ng malalim
"Sige na nga, formal party ba yan?" Tanong ko sa kanya at sabi ko sa inyo, hindi ko siya matiis.
"Yes, siguro magdress ka na lang" Sabi niya at tumango ako "Okay sige, magbibihis lang ako"
Pumasok ako sa kwarto ko at I opened my closet. Tiningnan ko ang mga damit na nakahanger and I randomly picked a bodycon dress na hanggan mid thighs at fitting siya. Kaya nga bodycon eh.
"Ricci, kailangan bang magheels or okay lang ba ang flats?" Sigaw ko and I waited for his answer
"Flats na lang siguro" He said at kinuha ko ang lace up na flats ko. Yung flats na may mataas na tali na pa ekis-ekis. At inabot ang tali just below my knees at terno siya sa damit ko.
Umalis na ako ng kwarto at cellphone ko lang ang bitbit ko.
"Okay lang ba ang suot ko?" Tanong ko sa kanya and I noticed nagbihis din siya. Nakaripped jeans and fitting ang shirt niya na makikita mo talaga na nagg-gym ang tao
"Okay na yan. Tara na?" Sabi niya at I nod my head in response.
I locked my unit before we left at bitbit ni Ricci ang bag niya. I noticed lagi na lang dala ni Ricci ang sasakyan. Hindi ba gumagamit si Prince?
Andito kami sa Reyes and Ricci parked the car sa harap ng isang malaking bahay at even here, dinig na dinig ang music.
Lumabas na kami sa sasakyan and sumunod lang ako kay Ricci papasok sa bahay na 'to. Nang pumasok na kami, I can't stop myself from looking around kasi ang laki-laki talaga ng bahay. Parang mansion.
Marami ring tao sa loob at nakaformal attire rin sila.
Dumeretso kami sa likod ng bahay at may backyard doon. Maraming ring tao and maraming tables sa labas. Backyard party ? Hmmm bago ah.
BINABASA MO ANG
Pwede Ba? | Ricci Rivero
Teen Fiction'fear is temporary, regret is forever' sabi nila. But kaya mo bang isakripisyo ang lahat para lang sa pagmamahal? Kaya mo bang harapin ang mga consequences once you took the risk? even if the consequences includes losing the person you love?