41

2.2K 68 14
                                    


"Ay Ma'am sorry po. Si sir Ricci po andito sa resto namin, Lasing na lasing na po siya. Magsasara na po sana kami kaso ayaw pa raw niyang umuwi dahil tawagan ko po muna raw kayo"

Lumaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon. Si Ricci? Lasing?

"H-ha? Bakit po? May kasama po ba siya? Saang resto po ba yan?" Kabado kong tanong

"Wala po siyang kasama Ma'am. Nandito po siya sa Andres Resto. Sana sunduin niyo po siya kasi magsasara na po kami"

"Okay sige, sige. Papunta na po ako. At kung hihingi po siya ng mainom, wag niyo na po siyang bigyan" Pakiusap ko.

"Okay po Ma'am. Maghihintay na lang po kami"

After that, I hurriedly grab my keys at hindi na ako ang-abala pang magbihis na. Lumabas na ako ng unit ko at tumatakbo papuntang elevator.

I pressed the button at nag-antay na bumukas ito. After a few seconds, bumukas na at pumasok na ako. I pressed another button again papuntang parking lot and while waiting, andaming pumasok sa isip ko kung bakit naglasing si Ricci, kung natuloy ba date nila, o Di kaya nag-away ba sila. O baka naman hindi siya sinipot ni Chesca? Or baka nacancel tapos nalungkot si Ricci? Pero parang impossible naman. Anniversary kaya nila ito.

Ay ewan. Hindi ko talaga alam.

Bumukas na ang elevator and pumunta na ako sa sasakyan ko. I turned on the engine and umalis na ako sa building.

Yung resto na sinabi ng lalake medyo malayo-layo rin. Isang oras yun from here tapos without traffic pa yan. I looked at the time and it's 10:15. I'll arrive there siguro mga 11:15. Pero I'll try na dadating dun at 11 kasi it's already late na rin and remember, may class pa tomorrow.

I tried to take the shortcuts para madali akong umabot doon and tignan mo nga naman, biglang bumuhos ang ulan. I pressed the windshield wiper ng sasakyan ko para makita ko nang maayos ang daan.

I didn't succeed na umabot ng 11 doon kasi umulan and medyo mahina lang din ng konti yung takbo ko para safe. Nakarating ako sa resto at 11:20 and agad kong pinark ang sasakyan ko sa harap nila.

Pinatigil ko ang sasakyan ko at nagmamadaling bumaba upang hindi ako mabasa pero I got wet pa rin kasi ang lakas talaga ng ulan.

I pushed the front door of the resto and nakita ko kagad si Ricci sa isang table at natutulog. And wala na ring ibang tao dito kundi siya na lang.

"Good evening po Ma'am. Ikaw po ba yung kaibigan niya?" Mag sumalubong na staff sa akin at nagtanong.

Tumango naman ako. "Opo, ako po yun. Um.. kanina pa po ba siya?"

"Oo Ma'am kanina pa po siya. Mga 8 pm ata siya dumating. Diba?" Sabi ng staff sa kapwa niyang katrabaho at tumango rin sila.

8 pm? Yun yung oras na dumating si Brent sa condo ko. Tapos 7 pm naman yung usapang dinner nila Ricci. Ano bang nangyari?

"Ah ganun ba. By the way, nabayaran na po ba niya yung mga order niya?" I asked them

"Yes po pero may kulang po siyang 1,500. Yung isang bucket lang po kasi ng beer na binayaran niya. Yung pagkain and another bucket of beer po, hindi pa po niya nababayaran" Sabi ni staff

Pwede Ba? | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon