Tapos na ang dalawang araw naming walang klase and back to reality naman. Nagsimula na akong magpractice kasi tingnan mo nga naman this Saturday na pala yung Ms. Org-DLSU 2017 and Wednesday na ngayon.Tas yung iba nalaman kong last week pa pala sila nagstart ng practice at feeling ko ako lang hindi pa medyo nakapractice. Ang pinractisan ko na lang ay ang talent portion at paglalakad with heels. They decided na sasayaw na lang ako sa talent portion kasi alangan naman kakanta ako e ang organization ko naman ay dance crew. Haha. Oo, sumasayaw ako. Forgot to tell you that.
Since Alam ng mga kateam ko na marunong akong kumanta, kakanta raw ako ng isang kanta sa pinakauna para magtaka raw ang mga manonood na bakit kumakanta ako e dance crew naman yung organization ko. But pagkatapos kong kumanta, dun na ako sasayaw. It's called pasabog. Para incase hindi ako makasagot sa Q and A, at least maganda yung talent portion ko bwahahaha
"Ikaw at Ako na lang yung kakantahin ko by Tj Monternde" Sabi ko sa kanila habang nagpa-practice akong maglakad na nakaheels.
"E, ikaw bahala. Basta yung kaya mo ah. And ikaw na lang ba magi-gitara o gusto mo si Drew na lang?"
"Si Drew na lang para may kasama ako sa stage" Sagot ko and she nods her head.
I took off my heels at nagsimula na akong magpractice ng sayaw. I turned on the music at ang isasayaw ko ay BOMBAYAH by Black Pink. Yun kasi yung uso ngayon at nagustuhan ko naman yung choreography.
I checked the time at gabing-gabi na. I wonder kung nanalo kaya sila Ricci. May laro sila vs. UE kaninang 4 pm and hindi ako nakanood because busing-busy ako sa pagpa-practice.
Pagkatapos na ilang rounds na pagpa-practice, I decided na umuwi na. I gathered my things at nagpa-alam na ako sa kanila. I realized na wala pa pala akong gowns na susuotin ngayong Saturday. Hindi ko pa nasabihan si Mama.
Bukas na lang siguro.
Sa mga susunod na araw, naging busy na ako. Todo na ang practice ko at masyadong gabi na ako nakakauwi para lang maperfect. Even though it's my first time na sumali sa mga ganito, gustong gusto ko manalo. Para sa grades.
Nakabili na rin ako ng gowns na isusuot ko tomorrow. One for the first part while the other one is para sa last part. Both long gowns and doon pa rin kami ni Mama bumili sa pinagawan namin ng gown sa debut ko.
Bukas na talaga ang contest at kinakabahan ako. Kulang pa yung time na binigay sa akin. Ilang araw lang ako nagpractice habang ang iba naman ay last week pa lang. Grabe, cramming iz real.
Kinakabukasan, maaga ako nagising. Ngayong gabi na ang event. Maaga ako pumunta ng school kasi maaga ipapadala ang mga gowns ko sa campus and may imi-hire rin si Mama na Makeup artist, outfit stylist and hairstylist.
Nang mag 4 pm na sinimulan na akong ayusan kasi 6 pm mag s-start ang event, gaganapin sa auditorium namin. All students are watching and hindi lang iyan, I heard this event is open to all. That means, kahit sino pwede makanood.
"Naku beh, ang ganda-ganda mo with or without makeup. Lagot yung judges sa akin pag di ka pinanalo" Sabi ng bading sa akin nang matapos na niya akong makeup-an.
Napatawa lang ako at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. I looked beautiful. Charot. Pero really ang ganda-ganda ko. Hindi naman makapal ang makeup ko kasi pangit daw and somewhat goldy yung makeup ko.
Ang buhok ko naman ay nakatied up. Hindi siya ponytail pero basta naka-all in place siya para raw makita yung collar bones ko.
Napatingin ako sa phone ko and in 30 minutes mags-start na ang event. Nakaayos na ako lahat, nakasuot na rin ako sa gown ko. It's a black fitted off shoulder long gown. Napakafit talaga na nae-emphasize ang curves ng katawan ko at nae-emphasize rin ang maputi kong kutis.
"Uy beh, may gwapo oh. Nawawala ata" Narinig kong usapan ng mga bading. Napalingon ako at si Ricci pala ang tinutukoy nila
Napangiti ako when I saw him at lumapit siya sa akin
"Hi, ang ganda-ganda mo ngayon ah. May nanalo na" Sabi ni Ricci at napangisi ako
"Thank you ba't andito ka?" Tanong ko sa kanya
"Hindi ako makahintay na makita ka e" Sabi niya at kung may ano ang naramdaman ko nang sinabi niya iyon. Napailing na lang ako kasi hindi ko alam ang isasagot ko
"Picture tayo" Sabi niya at tumango ako.
We asked Grace na picturan kami. He puts his arm on my waist and nabigla ako. I don't know why but maybe this is the first picture na linagay niya ang kamay niya sa waist ko. Binalewala ko na lang cause I don't want to give any meaning of it.
Pagkatapos namin magpicture, nagselfie naman kami ni Ricci at napawacky kami sa mga pictures
"Bebe gurl, boyfriend mo? Pakilala mo naman kami" Tanong ng hairstylist ko
"Ay, hindi po. Kaibigan lang po. He's Ricci. And Ricci, sila nga pala yung nag-ayos sa akin" Sabi ko agad
Nakipagshake hands si Ricci at napatawa ako. Gusto kasi nila ng beso pero naglahad lang ng kamay si Ricci
"Hi po" Sabi ni Ricci sa kanila
"Hindi kayo pero nanliligaw siya?" Tanong naman ulit niya at umiling naman ulit ako
"Hindi rin po. Magkaibigan lang po talaga kami" Sabi ko
"Sayang naman. Bagay na bagay kayong dalawa" Naririnig ko na yan palagi but hindi ako nagb-blush. Pero this time, naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Oh my. Kailan pa ako nagstart mag blush? Holy shi--
"Sige, alis na ako. Good luck ah! God bless. Kaya mo yan! Ipagp-pray kita" Said Ricci at hindi ko mapigilan ngumiti. That 'ipagp-pray kita' makes me so happy
Umalis na si Ricci kasi andito rin family para manood rin daw
"Alana punta na raw sa auditorium. Malapit na mags-start" Said JJ at bilis tumibok ang puso ko dahil sa kaba
Umalis na kami sa room papuntang auditorium kasama ang mga kamembers ko at sumunod na rin yung mga stylist ko.
Habang lumalakad kami patungong auditorium, nakasalubong ko ang ibang candidates and ang gaganda nila. Naalala ko sila rin yung sumali dati. Ano ba yan, nakakababa ng self-esteem
Dumeretso kami sa backstage and we all had our assigned rooms. There are only 13 candidates and kasama na ako dun. Second to the last ako nacandidate. While we were at the backstage, naririnig ko na ang ingay ng mga tao sa loob at halatang-halata maraming manonood.
"Alam kong kinakabahan ka kasi feeling mo ikaw lang yung beginner but don't think of that kasi you're more than that, Alana. Give your best and isipin mo na lang na you're doing this for the grades" Said sir Gian at nginitian ko siya ng malaki as I gave him two thumbs up
"Yes po. I will give my best talaga. I promise hindi ko po kayo bibiguin. Before this night will end, I'll make sure may iuuwi po tayong award" Sabi ko kay sir
"Aasahan ko yan a?" Sabi niya at tumango ako
Umalis muna si Sir Gian and okay, ba't ko yun sinabi? What if wala akong ma-iuuwi? Naku, kelangan galingan ko 'to. Nakakapressure.
The programme has started at sinimulan ito with a prayer, followed by the singing of the Nat'l anthem and then singing of the DLSU Hymn.
"Good evening everyone!" Sigaw ng host at narinig ko na ang mga hiyawan ng mga tao
"Welcome to De La Salle University campus! Are you ready to witness in search for Ms. Org-DLSU of 2017?!"
"Are you all ready to see our beautiful candidates of different organizations?!"
"Alana, please go out na. You guys are about to start the introduction in 2 minutes"
Oh my God. I have never been so nervous in my entire life.
BINABASA MO ANG
Pwede Ba? | Ricci Rivero
Teen Fiction'fear is temporary, regret is forever' sabi nila. But kaya mo bang isakripisyo ang lahat para lang sa pagmamahal? Kaya mo bang harapin ang mga consequences once you took the risk? even if the consequences includes losing the person you love?