21

2.7K 47 10
                                    

Enjoy na enjoy ako sa lahat ng pangyayari dahil hindi ko inasahan ang bawat part ng program. And also, after kong kumain, nakabihis na rin ako ng gold gown ko.

Pagkatapos ng kainan was the 18 treasures, followed by the 18 pieces of memories. And grabe di ko kinaya ang mga bukingan ng mga friends ko about sa akin. Sigurado akong until now, pulang pula pa rin ako.

Before magsalita yung mga 18 memories, they should start with "I remember" or "Naaalala ko pa"

Yung mga kwento ng mga highschool friends ko ay yung mga memories I have with them, yung mga memorable ones, but nung ang mga Green Archers na ang nagsalita, marami akong secrets na akala ko ako lang ang nakakaalam, nagulat na lang ako nung inunahan ito ni Kib

"Uy, Alana, I remembered diba crush mo si Kuya Thomas?" Tanong ni Jollo at tinuro pa niya talaga si Kuya Thomas. Yep, si Thomas Torres. Hehe sabay kong naging crush sila ni Kuya Jeron.

Hindi ko mapigilan na uminit ang pisngi ko at tinuro pa talaga ni Jollo si Kuya Thomas na umiiling lamang and nagtatawanan yung mga tao.

"Alana, naalala ko, diba dati gustong-gusto mo ng picture kasama si Thomas? Lapitan mo na oh, chance mo na to" Sabi naman nitong si Andrei. And oh God. Ayoko na. This is more like 18 bukingan. Hayop talaga tong si Kib. Ba't pa ba kasi inunahan. Hayup.

Isa isa kong binigyan ng 'humanda kayo sakin' na tingin ang mga taong nangbulgar ng mga bagay do dapat ibulgar. Bwisit.


Until sa finally natapos na ang 18 memories. And sumunod na parte is ang 18 candles or well-wishers "Grabeh ang bukingan ngayong gabi! Nag enjoy ba tayong lahat?" Tanong ng host sa mga guests and um-oo naman yung mga guests. Grabe, nag enjoy daw sila, pwes, ako hindi! Pisti yang si Kib! Napakabully talaga.

"Seems like our gorgeous debutant really enjoyed tonight. From the shared memories to a game trivia, Alana has shared a part of her growing years with all of us. At sabi nga ni mareng Willa Cather? “Where there is great love, there are always wishes.” Because birthdays are always new beginnings, new endeavors with new set of goals, sending birthday messages and wishes is a tradition especially in our country, where we give high value to family ties and relationship. Tonight, ladies and gentlemen, I present to you these 18 Wishers for our debutant. These are the people close to the heart of our celebrant, and whom she listens and confides to for inspiring words and friendly advices. Starting off with the woman dearest to Alana’s heart, representing the mother candle that will be a source of light for all the well-wishers for our dear Alana, here’s Mommy Cynthia Maristela!"

Inunahan ito ni Mommy and just like Dad, napaluha rin ako sa message niya for me. Nagkwento rin si Mommy simula nung nagbuntis siya, kung gaano ako nagdulot ng sakit sa kanya habang magbubuntis pa siya sa akin, kasi ang likot ko raw kasi sa tiyan niya hanggan sa naging serious na and marami siyang winish for me.

Sumunod ang mga friends ko na babae and pinsan ko and hindi na nila pinahaba yung message nila, like they all greeted me na lang and sinabi nila ang wish nila for me. Tas nakakahiya pa kasi halos lahat nag wi-wish ng love life.

"Hi Alana, happy 18th! Makukulong ka na kaya be a good girl ah? Ang wish ko lang for you is love life" Tawang sabi ni Ate Lea "Sorry po Tita, Tito" Aniya and tumingin siya sa mga tao

"Pero really, sana magkaroon ka na ng boyfriend. Loosen up! Pansinin mo naman yung mga manliligaw mo. Choosy ka pa pero dapat din naman" Dugtong niya

"Ah, alam ko na. It is because etong si Alana, may hinihintay kasi yan" Sabi naman ng isang pinsan ko na nakangisi.

Kinabahan ako bigla. Oh God. Ibuking niyo lang ang lahat, wag lang ang feelings ko kay Ricci. Pero wait hindi naman nila alam.

"Kaso yung hinihintay niya, may hinihintay ng iba" She finishes off habang tinitignan niya ako at napa 'awwww' yung mga tao sa akin


Pwede Ba? | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon