After my birthday, nag-inuman yung mga taong nag-inuman except for me. Kasi ire-reserve ko yan pagpupunta na kami sa Subic. HAHAHA. Hindi ko rin pinainom sina Ricci kagabi kasi may game sila today at wala naman din daw balak sila na uminom. Sayang nga raw e.
Yung mga relatives ko kakaalis lang nila. Umuwi na sila kaagad kasi di dapat kailangan iwanan yung business nila. Mga pinsan ko naman umuwi na rin pati sina Mama at Papa sumama na rin sa kanila.
Kanina pa ako nakaupo rito sa sahig. Pinagbubuksan ko ang mga regalo. Marami akong natanggap grabe. Almost everyone brought gifts last night, parang naging gate pass ata ang regalo.
It's like pag walang regalo, di makakapasok! Hahaha.
"Ano yan?" Tanong ni Rasheed when he saw me holding a box. Kulay itim siya and may red na ribbon. Yep, andito siya ngayon kasama si Riley. Hinatid sila ni Tito Paolo dito. Gusto raw kasi ni Riley pumunta dito sa condo ko.
"Edi regalo"
"I mean kanino yan?"
Binasa ko ang note and nakalagay 'Happy 18th Birthday, Alana! I don't know what to get you so I just hope na sana magustuhan mo ang gift ko sa'yo. From: Thirdy Ravena :)'
"Kay Thirdy" Sabi ko. I untangled the ribbon and binuksan ko ang box.
Pagkabukas ko, nalaglag ang panga ko when I saw gold earrings na cross. Ang cute niya, omg.
"Kay Thirdy yan?" Gulat na tanong ni Rasheed at tumango ako. Suddenly, naalala ko baka mahal 'to. It's a Pandora earrings! Oh my, gumasto siya ng malaki.
"Wow, isuot mo nga" He says and umiling ako "Ayoko, sa cartilage ko na lang to itutupok. Feeling ko kasi napakaformal kong tingnan pag naka-earrings ako"
"Pero try mo nga" Sabi niya
Kinuha ko ang earrings sa box at isinuot ko sa tenga ko. After kong isinuot ito, pinakita ko kay Rasheed.
"Oh okay ba?" Tanong ko sa kanya "Yeah, bagay naman sa'yo"
"Uy, kay Kuya Ricci! buksan mo" Said Rasheed at tinuturo niya ang isang box naman uli na nakawrapped ng Pink. Napatawa ako.
Wait, i thought wala siyang gift sa akin? I remembered pa nga, Sabi niya kagabi tunay na friendship lang daw ang mabibigay niya sa akin? Hmmm naniwala naman ako. Pero kinilig ako ah
Kinuha ko ang box and pinunit ko ang wrapper. And I saw a jewelry box ? Nakalagay tiffany and co. Holy shiz. Kinabahan ako. Ano kaya laman ng box
Binuksan ko 'to and nalaglag naman ang panga ko when I saw another gold jewelry. But bracelet siya na may pakawit na cross . Ang ganda super.
"Wow, si Ricci talaga bumili nito?" Tanong ko sa kanya and tumango siya "Yup. Nagpasama siya kay Mama nung binili niya yan, pero di ko alam na yan binili ni Kuya"
I smiled. Kinuha ko ang bracelet at sinukat ko sa kamay ko. Biglang sumimangot ang mukha ko because maluwang siya. It's too big for my wrist. Wow ah, ganyan na ba talsga kalaki ng wrist ko? Wow talaga
"Hala, ba't ang laki? Patay talaga to si Kuya. Hindi ba siya nagtanong? At tsaka makikita naman sa pinakauna pa na maluwang talaga para sa wrist mo" Aniya
Pero kahit maluwang siya, nagustuhan ko pa rin iyon and the fact that he asked for help pa sa Mama niya.
Nang matapos na akong magbukas ng mga regalo, Karamihan natanggap ko is mga damit, bags, shoes, jewelries, picture frames and scrapbook. Nakita ko na yung gift ni Brent sa akin na sabi niya walang pangalan daw, I saw 2 books nga but he was lying na ang gift niya raw na mga books is 50 shades of grey and darker. He gave me a book na love analogy and ang isa naman ay love poetries. Brent knows me well. I love reading poetries tsaka love analogies
BINABASA MO ANG
Pwede Ba? | Ricci Rivero
Teen Fiction'fear is temporary, regret is forever' sabi nila. But kaya mo bang isakripisyo ang lahat para lang sa pagmamahal? Kaya mo bang harapin ang mga consequences once you took the risk? even if the consequences includes losing the person you love?