Naging tahimik na lamang si Andrei pagkatapos kong sinabi iyon. I mean, he immediately changed the topic at nagku-kwentuhan na lamang kami, catching up until sa dumating na yung order namin.
Inilapag na ng waiter yung order namin dalawa.
"Smile ka" Sabi sakin ni Andrei pagkaalis ng waiter at nakita kong nakatutok ang back camera niya sakin.
I did what he told me at ngumiti naman ako nang picturan niya ako.
"Okay, tapos na" He says. Ipinakita niya sa akin ang picture and hindi ko mapigilan ang sarili ko na sabihin, "Shet. Bakit ang ganda ko talaga"
Magsasalita na sana si Andrei kaso pinutulan ko na agad siya. "Hep! Hep! Hep! Wag kang kontrabida diyan. Dahil naalala ko, sinasabi mo rin yan sakin noon nung debut ko. Sabi mo pa nga ang ganda ko kahit sa anong anggulo" Ngisi ko as I talked.
"Hindi naman ako ko-kontra ah. Sasabihin ko na nga rin sana na ang ganda mo. Dami mo na agad sinasabi" He says at mas dumako ang ngisi ko
"Good. And picturan mo rin ako sa phone ko" Sabi ko sa kanya as I gave him my phone na nakacamera na.
"Oh sige, sige. Is-square ko ba 'to?" He asks and I nod.
"Oh ngiti ka na" Sabi niya at ngumiti naman ulit ako. I did a lot of shots at may picture rin ako sa FUJI camera app. Medyo sikat siya na camera app. Na may filter na. Ito yung app na karamihan ginagamit ng mga celebrities. Nakikita ko ito sa mga IG posts nila. And hindi siya parehas sa app na mga BeautyPlus, B612, Retrica at kung anu-ano pa riyan.
Pagkatapos naming magpicture, kumain na kami. Pareho rin kami ng order ni Andrei dahil hindi niya kasi alam kung anong masarap kaya I suggested na yung favorite ko nalang ang orderin niya.
"Anong klaseng mango float 'to? Parang Icecream" Sabi niya nang makita kong sumubo na siya.
"I told you para siyang ice cream" Sabi ko sa kanya.
"Sana bumili nalang tayo ng ice cream kung ganun naman pala. Ang mahal pa"
"Hindi naman siya halos ice cream, I can still taste some mango float pero masarap naman diba?" Tanong ko sa kanya.
"Masarap siya pero para talagang siyang Ice cream" Sabi niya.
We continued eating at pagkatapos naman naming kumain, we stayed for a couple of minutes saka kami tumayo at napagpasyahan na umalis na. Pupunta pa kasi ako ng mall. Kailangan ko pang bilhan ang alaga ko.
Para akong yaya dito. Correction. Para akong tanga dito. I do the thing tas iba naman ang nakikinabang. Ang tanga lang. Ganyan ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig? Yung alam mo na ngang tanga ka, pinagpapatuloy mo pa rin.
"So, sa'n ka na after this?" I asked Andrei habang naglalakad kami palabas ng restaurant.
"Ikaw? Sa'n ka ba?" Tanong niya rin.
"Pupunta pa ako ng mall. Kasi may pinapabili sakin si Ricci. Malapit na kasi yung anniversary nila. Nagpatulong siya sakin" Sagot ko
"Tangina. Pumayag ka naman?" Biglang pamura niya at tumango ako. "Yes"
"Pag-ibig nga naman" Bulong niya at napatingala siya sa kesame bago siya bumaling sa akin, "Bakit hindi na lang siya yung bumili? Bakit ikaw pa?"
"Supposed to be kami sanang dalawa ang bibili pero tumawag kasi yung girlfriend niya sa kanyadahil may ipapasama raw"
"Samahan na kita" He said and I said 'Okay'. Habang papalabas na kami ng hotel, dumilat ang mga mata ko nang makita ko sina Aljun, Jollo, Brent at Kib naglalakad patungo sa amin
BINABASA MO ANG
Pwede Ba? | Ricci Rivero
Teen Fiction'fear is temporary, regret is forever' sabi nila. But kaya mo bang isakripisyo ang lahat para lang sa pagmamahal? Kaya mo bang harapin ang mga consequences once you took the risk? even if the consequences includes losing the person you love?