"Uy! Ricci, congrats! Ganda ng game niyo kanina!" May lalaking estudyante ang bumati just as we stepped inside the campus."Thank you.." Reply ni Ricci ng nakangiti.
"Ricci! Congrats!" May lalaki naman ulit ang bumati sa kanya at nag thank you naman si Ricci.
Hanggang sa patungo kami sa La Salle Hall, where my last class is located, madami kaming nasalubong and people were congratulating him sa panalo nila. Hindi ko na ata mabilang ilang tao ang bumati sa kanya.
Niisa wala akong kakilala sa mga bumati sa kanya. Ay meron pala, mga 5 siguro basta sure ako Hindi na aabot sa 10. And this is why I need to socialize myself a lot more.
"Uy, Alana, wala raw klase ngayon.." Sabi sakin ni Ice nung nasa LS Hall na kami ni Ricci. Ice, is one of my classmates sa last class na 'to by the way.
"Talaga? Bakit daw?"
"Wag ka na ngang magtanong basta walang klase" Sabi ni Ricci saken at I gave him a look.
"Hindi ko alam, inannounced kanina" Sabi niya.
"Ah, sige, thank you Ice..."
"No problem"
Lumakad na palayo si Ice at napa yes ako dahil walang klase ngayon. That means makakapahinga ako at makakatulog ng maaga. Tas walang pasok bukas kasi weekend na.
"San ka na ngayon?" Tanong ni Ricci
"Uuwi. Matutulog. Ikaw?"
"Do'n muna ako sa iyo, ayoko pang umuwi, maaga pa." Sabi niya .
"Ikaw bahala, Tara" I said at lumakad ulit kami palabas ng campus. This time, iilan nalang ang mga tao. Medjo gabi na kasi kahit 5:30 pa.Nung palabas na kami, naglakad-lakad muna kami ni Ricci baka sakaling may makitang masasakyan. Until a group of teenagers, tinawag nila si Ricci. 6 sila. Mga fans siguro.
Huminto kami sa paglalakad as they walked towards us.
"Hi Ricci, Hi Alana" Bati nila sa amin and I was taken back for a moment again kasi minsan lang ako nakakaencounter na may bumabati sakin. Minsan kasi, hindi na ako napapansin, they would go directly to Ricci, but it's not that gusto ko pansinin din nila ako, promise.
"Hi" Bati ko rin sa kanila ng nakangiti. They start congratulating Ricci tsaka may pasamang pa-picture.Tumingin ako kay Ricci na ngayon ay nakangiti habang kinakausap niya mga fans niya. He always has the same expression, emotion or whatever you call it pagmay nae-encounter siyang fan. I know how much he loves his fans. Kinukwentuhan niya ako lagi na mahal na mahal niya raw fans niya, that they're one of the reasons kung bakit andito na siya ngayon, kung bakit nakakamit na niya unti-unti mga goals niya sa buhay, that, also, he'd be nowhere without them.
Hindi ko namalayan mga ilang minuto na ako nakatitig kay Ricci until sa nakita ko siyang kumindat sakin sabay ngisi niya. Biglang tumili ang mga fans niya when they saw him winked at me
"Yieeee" Sabi ng marami at ako naman tumawa
"Ricci, kayo na po ni Ate Alana?" Lumaki ang mata ko sa tanong ng isang babaeng, naka highpony tail."Hindi pero isa siya sa mga taong mahalaga sakin, mahalaga sa buhay ko" Sabi ni Ricci habang tinititigan niya rin ako.
Tumili naman ulit ang mga tao as those words left his mouth.
BINABASA MO ANG
Pwede Ba? | Ricci Rivero
Teen Fiction'fear is temporary, regret is forever' sabi nila. But kaya mo bang isakripisyo ang lahat para lang sa pagmamahal? Kaya mo bang harapin ang mga consequences once you took the risk? even if the consequences includes losing the person you love?