46

2.4K 96 5
                                    



The whole ride ay hindi pa rin kami nagpansinan ni Ricci. Bahala talaga siya sa buhay niya. Wala akong pake kung hindi kami magpapansinan. Siya nagsimula nito and hindi dapat ako ang unang sumusuyo o kaya nakikipagbati.

Pataasan na ng pride basta lakompake.

Hanggang sa nakarating na kami sa Coron downtown, sinalubong naman kami kagad ng mga drivers ng mga boat and ang namuno or nagleader para sa amin ay si Kib.

Sumunod lang kami sa kanya at pumili siya ng boat na kaya sa bulsa namin at iyong kasya kaming lahat at kumportable.

We're not really going to stay sa Coron proper, we're still going to Coron Island pa which is separate and different sa Coron proper. Doon kami mags-stay.

Sumakay na kami sa boat and once we were all settled, ay umalis na rin kami kaagad. Ricci and I aren't still talking yet and we were sitting far talaga to each other.

"Huy, ano ba kasing nangyari sa inyo?" Untag ni Kib while looking at me then to Ricci who was on the other bench facing adjacently to us and sa pinakaedge talaga siya umupo, far away from me.

"Nag LQ nga sila" Sabi naman ni Andrei at tumawa sila.

"E, kanina nung nasa airport tayo, okay pa naman kayo"

"Ewan ko, i-tanong mo kaya sa kanya" Taray kong sabi and I crossed both of my arms and legs.

Si Ricci naman was just busying himself with his phone acting like he didn't hear us.

"Ngayon pa kayo mag-aaway, e dapat, happy tayong lahat kasi minsan lang to nangyayari" Salita naman ni Prince and everyone agreed.

I put on my shades para matulog and when I look at Ricci again, nakita ko siyang nakatingin sa akin. Since, yung shade ko ay yung parang salamin na tinted, hindi ka makikita kung nakatingin ka rin pabalik sa kanya. Ayos 'to ah.

Patuloy pa rin nakatingin si Ricci sa akin na akala siguro niya hindi ko siya nakikita. He thinks siguro na I'm sleeping pero kitang-kita ko talaga siya na nakatingin sa akin.

Seryoso niya akong tinitignan and dahil diyan parang na-ilang na'ko sa mga tingin niya. Kaya I decided to closed my eyes and napagpasyahan na rin na matulog. Since sabi ng driver, it would be a 45minute drive going there.

Pero ilang minutong lumipas, habang papatulog pa lamang ako, napansin kong tumayo si Ricci sa inuupuan niya at pumunta siya sa direksyon ko.

Agad ko namang sinara ang mga mata ko and pretended na natutulog.

"Bro, usog. Tatabihan ko si Alana" I heard Ricci says kay Brent.

"Gago, ngayon ka pa makikipagbati, tulog na yan" Wika ni Brent sa kanya at humalakhak naman ang mga tao dito.

I half-closed my eye and I saw Brent na umusog at tinabihan ako ni Ricci. Naramdaman ko nalang din na ginalaw ako ni Ricci and he was trying to put my head on his lap.

I let him na lang din and mas naging kumportable ako. And dahil sa pagkukunwari kong natulog ay natuluyan na'ko sa pagtulog.

Nagising na lang ako when someone was slightly shaking me and narinig kong nandito na raw kami.

I slowly opened my eyes and mukha ni Ricci yung bumungad kagad sakin.

"Ba't ikaw yung gumising sakin? Bati na ba tayo?" Tanong ko sa kanya as I immediately removed away from his lap. And naramdaman kong hindi na'ko nakashades.

"Bati na tayo" Ricci says habang binibigyan niya ako ng tingin na nagmamakaawa at napanguso pa siya.


"Magbati na kayo. Ano ba kayo" Dinig namin kay Prince and I realized malapit na talaga kami sa isang resort.

Pwede Ba? | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon