"Ricci! Diba sabi ko, magte-text ako" Medyong galit kong sabi sa kanya as I opened the door on his front seat ng sasakyan niya at pumasok sa loob, closing it back
"Wala akong magawa sa bahay, hindi na ako makapaghintay. Gusto ko na talagang may masimulan na tayo" Tugon niya sabay pasok din sa driver's seat
Pa'no naman kasi, pagkalabas ko ng campus, nagulat ako nang makita ko siya kasama ang mga fans niya panay ang papicture. Akala ko umuwi na siya. Don't tell me, hindi pa siya nakaalis?
"Alam mo ba kanina pa ako naghihintay doon? Dalawang oras akong nandoon sa labas" Sambit niya sa akin at napatingin ako sa kanya
"Sinabi ko bang maghintay ka? Diba sabi ko, ite-text kita?! Ite-text?!" Paulit kong sabi sa kanya with the same tone
"E pa'no ka naman makakatext sakin, e hindi mo nga sinagot iyong mga tawag ko kanina"
"When I say na magte-text ako, magte-text ako. Tsaka pwede bukas na lang? Wag muna ngayon" I whined at him
Ganun ba talaga 'to kaimportante sa kanya na hindi na siya makapaghintay? Maybe for him. Palibhasa hindi pa ako nakaabot ng ganoong katagal sa isang relationship. 1st monthsary nga wala, pa'no pa yan aabot ng anniversary?
"Hindi na pwede bukas. Naghintay ako ng dalawang oras sa'yo sa labas, hanggang sa maabutan na nga lang ako ng mga tao doon. Kaya dapat ngayon na" He says and I rolled my eyes because he sounded like ayaw niya munang may nagpapa-picture sa kanya
"Sandale, ba't di ka nalang pumasok sa campus ha kung ayaw mo naman palang maabutan ka doon? Naku, naku, pagnalaman 'yan ng fans mo, lagot ko talaga"
Nagkagirlfriend lang, ganyan na agad. Hay nako Rivero, pag ako ang naging girlfriend mo, lagot ka rin sakin. But sad to say, I'm not.
"Hindi naman sa ganun, ang sinasabi ko lang dalawang oras akong naghintay doon, papasok sana ako kaso naiwan ko yung ID ko sa bahay"
Umandar na ang sasakyan at hindi ko alam kung saan kami pupunta
"So, sa'n tayo magpa-plano? Sa condo mo?" Tanong niya while his eyes fixed on the road habang nagmamaneho siya
"Gago ka ba? Gusto mo atang sumulong ang girlfriend mo doon nang wala sa oras" Sabi ko sa kanya
"Hindi naman niya malalaman at para naman 'to sa kanya ang gagawin natin" Aniya
"E, ako ayaw ko. Sa Daniel's na nga lang tayo, nagugutom ako, gusto kong kumain doon. Tas dapat libre mo" I told him at binigyan niya ako ng tingin saka niya binaling ang kanyang tingin sa daan
"Okay fine" Sabi niya pero labas sa ilong niya iyon pagkasabi.
"Bakit parang nakikita kong ayaw mo? Kung gano'n, iuwi mo nalang ako sa condo ko, ikaw na bahala sa surpres------"
"Eto na nga, eto na nga" He turned the car at doon kami sa dumaan patungo sa Daniel's
"Napipilitan ka?" Tanong ko sa kanya
"Hindi" Sabi niya ngunit kita ko ang pagkasimangot niya.
"Oh okay" I said at tumingin ako sa daan habang nakangiti.
Ayan buti nga sa'yo.In exchange para sa girlfriend mo, I know you wouldn't take a no from me
Nakarating na kami sa Daniel's and pinark na niya ang sasakyan sa parking area at bumaba na ako.
Umuna na ako papasok doon and was greeted on the front door.
"Good afternoon Ma'am" Bati ng staff
BINABASA MO ANG
Pwede Ba? | Ricci Rivero
Novela Juvenil'fear is temporary, regret is forever' sabi nila. But kaya mo bang isakripisyo ang lahat para lang sa pagmamahal? Kaya mo bang harapin ang mga consequences once you took the risk? even if the consequences includes losing the person you love?