26

2.7K 46 10
                                    

Kinaumagahan, I woke up with a slight headache. Bumangon na ako sa higaan ko and naalala ko yung nangyari kagabi sa amin ni Andrei and yung pag-uusap namin ni Brent.

Napatingin ako sa oras and it's passed 10 na. Shit. 12 yung lakad namin ni Thirdy. Usapan kasi namin is lunch

Dali-dali akong naligo and after kong maligo, narinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa kama and when I opened it, nagtext si Ricci.

Ricci

Alanaaaa, punta kami beach ngayong 1 pm, sama ka?

Ako

Can't. May lakad ako.

I typed in and yun lang tinext ko sa kanya. Ayoko ng pahabain pa kasi I've decided, hangga't ngayon pa, I need to start to keep my distance na to Ricci or in short, kailangan ko nang itigil ang nararamdaman ko sa kanya. I'm starting to stop the feelings that I have for him. Dahil again, alam ko namang sa huli, ako rin ang masasaktan and pagpinagpatuloy ko rin naman 'tong puso ko, may masasaktan rin naman.

Tumunog naman ulit cellphone ko and nagreply agad siya

Ricci

Sembreak naman diba?

Ako

Basta. Enjoy na lang kayo sa pagb-beach ninyo :)

Ricci

Oy, may sinesekreto ka na ah

Hay. Says the one who keeps secrets din. Akala ko ba we tell each other everything? Anu na? Sekretohan na ba ta'yo? But then, he started it first naman. Kung gusto niyang magsekreto, edi magsekreto siya.

Hindi ko na siya nireplyan and nagbihis na lang ako to get ready na. Nakahighwaist skinny jeans na lang ako tsaka naka black sleeveless kasi mainit e. After I put on my shoes, nakarinig ako ng door bell. Patay. Baka andito na si Thirdy.

Nagring yung phone ko and nakita ko caller ID ni Thirdy. Sinagot ko agad tawag nito.
"Hello?"

"Hi Alana. 364 ba unit number mo?" Rinig kong sabi niya "Yes. Ikaw na ba yung nagdoor bell?" Tanong ko.

"Ah oo. 'Kala ko kasi mali yung pinagdoor bellan ko" Sabi niya and napatawa naman ako "Okay, wait lang" I said as I head out of my room and pumunta ako sa main door para pagbuksan siya

I unlock the door and pagkabukas ko ng pinto, kita ko si Thirdy nakatayo, of course, and simple lang naman suot niya, nakajeans din siya and nakaprinted shirt.

"For you nga pala" Sabi niya and may binigay siyang bouquet na flowers and napakunot ang noo ko "Thank you. And ano meron? Bakit may paflowers flowers ka?" I asked

"Wala lang. I'm just trying to be nice" Sabi niya and napangiti ako

"Thank you ulit and pasok ka muna, ilalagay ko lang 'to sa vase" Sabi ko as I opened the door wider para makapasok siya. Pumasok naman siya and said 'Okay'.

"Upo ka muna if you like, hahanap muna ako ng vase. Do you want something to drink? Water? Juice?" Tanong ko sa kanya nang umupo siya sa couch ko "Di, okay lang. Salamat. Kakain naman tayo mamaya" Aniya and I smiled at him.

Pumunta ako sa cabinet ko para kunin young vase na hindi ko pa nagagamit. Hinugasan ko ito and after that, nilagyan ko ng tubig and nilagay ko ang bouqet na bigay ni Thirdy sakin.

Pwede Ba? | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon