"Si Ricci nga" Kumpirma nila.
"Akala ko ba sinamahan niya lang magpa-adjust ng braces yung girlfriend niya?" Kunot na tanong ni Andrei at napatingin siya sakin.
"Akala ko nga rin e. Baka ano lang.... Ano... tapos na silang magpa-adjust at napagpasyahan na lang siguro nila na mamasyal sa mall" I shrug.
"Sana sinabi na lang din niya na dederetso siyang mamamasyal" Irap ni Andrei and the rest of them agreed to him.
"Hayaan niyo na" Sabi ko at tipid na ngumiti.
As you can see, these guys have been on my side ever since nalaman nila ang nararamdaman ko kay Ricci. Nandiyan sila lagi pagmasaya ako, pagnasasaktan ako. Kung hindi man sila lahat andiyan para sakin, at least may isa sa kanila para damayan ako.
Kaya nga wala akong mga kaibigan na babae na close na close ko talaga kasi throughout my college years, pinalibutan lang ako ng mga Green Archers. Hindi man ganun karami ang mga kaibigan ko, at least I can say na totoo naman sila.
"Wag niyong tawa-----" Before I could finish my sentence, tinawag na ni Brent si Ricci.
"Ricci!" Sigaw niya. Kakasabi na huwag tawagin e. Ang buti niya talagang kaibigan. Tsk.
Napalinga-linga kagad si Ricci at kumakaway dito si Brent para makita kami. Lumingon sa amin si Ricci at napangisi siya at kumaway saka naglakad patungo sa amin hawak ang kamay ng girlfriend niya.
Ano kaya feeling pag ako yung hinawakan niya ng kamay? I mean, yes, nahawakan na niya ang kamay pero not in a romantic way. Yung boyfriend mo siya, girlfriend ka niya. How sweet.
"Uy, Drei! Jol! Kib!" Maligayang bati ni Ricci kila Andrei, Jollo at Kib and they did the bro hug.
"Uy Cci!"
"Wala man kayong pasabi na may galaan pa lang mangyayari" Ricci told them at bumalik siya sa tabi ng girlfriend niya at muli itong inakbayan.
Paano mo malalaman e lahat ng oras mo nasa girlfriend mo. Hay nako.
Bumaling ang tingin ni Ricci sakin and he was giving me an apologetic look kaya I gave him a reassuring smile. Na okay lang. Okay lang talaga.
And then ewan ko, pero napatingin ako sa girlfriend niya but already catch her looking at me. May kung anong gumuhit sa mukha niya pero hindi ko mapinpoint kung ano yon basta ang alam ko lang, I'm feeling negative about the look she gave to me.
Ngumiti na lamang ako sa kanya, just gesture greeting at binigyan niya rin ako ng ngiti pero matipid iyon.
Hindi naman kasi kami close ng girlfriend ni Ricci. As in never pa kami nag-usap like yung chika-chikahan, talk about girly things and such. Pagsinasama siya ni Ricci sa galaan, I tried talking to her pero matipid din lamang yung mga sagot niya sa akin. Kaya, I gave up na. Feeling ko ayaw niya sa akin e. Hindi ko alam kung ano naman yung reason niya. Until sa hanggang gesture greetings na lang kaming dalawa.
"May lakad ba kayo mamaya?" Tanong ni Ricci sa kanila
"Wala naman. Tatambay na lang siguro kami sa condo ni Alana, magku-kwentuhan" Said Kib and I looked at him.
"Sa condo ko? Ba't saken?" I asked.
"Baka hindi mo pa naalala na ikaw lang ang may condo dito" He trails off and I made a face at him. "Wag sa condo ko. Magulo doon. Bakit hindi na lang tayo mag Happy T?" I suggest
"Game ako diyan! Happy T na lang tayo! Kahit hindi na kayo taga Lasalle" Sabi ni Aljun kila Andrei, Jollo at Kib
"Oh sige, Happy T na lang tayo! Miss ko na rin ang pagba-bar" Said Jollo "tsaka taga Lasalle pa rin kami noh, sadyang gumraduate na lang kami, pero iilang buwan na lang, ga-graduate din na naman kayo at hindi na rin kayo taga Lasalle"
BINABASA MO ANG
Pwede Ba? | Ricci Rivero
Teen Fiction'fear is temporary, regret is forever' sabi nila. But kaya mo bang isakripisyo ang lahat para lang sa pagmamahal? Kaya mo bang harapin ang mga consequences once you took the risk? even if the consequences includes losing the person you love?