31

3K 48 4
                                    


december six

i saw your smile, bigger than what it was when we were together,
that means you're happier with her
because im not her

I hope that your smiles will stay the same
And i also hope that she will
always be with you to make you
happier each day

december six

"Huy! Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!" Someone exclaimed kaya napatigil sa ako sa pagbasa ng tula kong katatapos ko lang ginawa at tiningala ko kung sino ang nagsasalita

Matangkad, moreno, may matangos na ilong, sobrang gwapo, may  anim na kapatid, lahat lalake, may nanay siyang nagngangalang Abigail at may tatay naman siyang nagngangalang Paolo.

It was Prince.

'Kala niyo si Ricci ah. Asa naman kayo. Pero dejoke lang, It was Ricci talaga.

Ricci, my love. But I'm not his love. Sad.

"Oh ano meron?" Tanong ko sa kanya sabay tiklop sa notebook ko na may lamang mga tula.

Nakita ko siyang umupo sa harapan ko at nakita ko rin ang pag-angat ng kanyang labi, he's smiling at me.

Jusq. Wag mo kong ngingiti-ngitian diyan Rivero ah, gusto mo atang makakita ng taong natutunaw for the first time.

"Oh ba't mo kong nginingitian diyan? Sabihin no na nga sa akin kung anong kailangan no" Sabi ko sa kanya na may halong iritadong tono

"Grabe ka naman, hindi ba pwedeng miss lang kita? Busy mo na masyado ah" Sabi niya sa akin and wow? ako pa talaga ang busy dito? Wala nga akong ginagawa kundi magmukmok sa condo, kulang na lang ilock ako doon.

"Ewan ko sa'yo, so.... ano nga kailangan mo?" Tanong ko sa kanya ignoring what he had just said awhile ago.

"Grabe ka talaga! Wala nga" Sabi niya ulit and this time, tinaasan ko siya ng kilay, waiting for him to talk.

Ganun naman talaga siya e. Lumalapit lang pagmay kailangan. Ever since kasi nagkagirlfriend siya, nawawalan na siya ng time sa akin, sa amin mga kaibigan niya. Well, nakakasama pa rin naman namin siya since kami nina Brent and Aljun, magkapareho lang kami ng year and related pa course namin so mostly, kaming apat, magkaklase kami sa mga subjects.

But yun nga, magkaklase man kami sa mga subjects namin, lagi naman siyang nakaatupag sa cellphone niya, probably communicating with his girlfriend since magkaiba sila ng school. She studies at Mirriam College and kasame year din namin siya. Her name is Chesca. Though nakikijoin pa rin naman si Ricci pero hindi na iyong gaya ng dati.

At tsaka, in fact, mas mataas pa nga time ni Ricci sa amin eh kesa sa girlfriend niya but then again, aanhin mo naman ang mataas niyang time sa amin when most of the time, nasa girlfriend naman niya lahat ng atensyon siya.

"Okay fine..... I need your help" He sighs.

Oh diba tama ako?

"Ano?" Tanong ko sa kanya

"Alam mo naman na malapit na kami ni Chesca magt-two yea—"

"Hindi ko alam" Agad kong pinutol siya. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo before he went back talking,

"Magt-two years na kami this 10th" Salita niya. Pero actually alam ko talaga na magt-two years na sila, I just don't know kung kailan basta sigurado akong this December.

"So, yun nga, kailangan ko ang tulong mo. I want to surprise her. May plano na naman but napaisip ako baka hindi niya magustuhan. So I thought of you, since ikaw lang naman ang close kong babae dito, well aside kay Chesca of course and babae ka. I need your opinions like what girls like if they want to be surprised" Wika ni Ricci sa akin.

Pwede Ba? | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon