My friends and I are currently having our dinner sa isang outside restaurant. Like yung mga tables nila ay nasa labas tapos pagmag-oorder ka naman, nandoon sa loob.It's really nice lalo na't maaliwalas ang panahon at kalangitan ngayon. Mahangin, at tanging hampas lang ng alon at tunog ng banda na nasa harap namin ang maririnig mo. It really feels so nice.
"Huy dagdagan mo pa! Kaonti lang yung nilagay mo" Sambit ko kay Ricci nang siya na naglagay ng rice sa plate ko at kaonti lang nilagay niya. Feeling ko hanggang lalamunan lang ata 'to e. Hindi ako mabubusog.
"Akala ko ba diet ka?" Tanong niya at hinampas ko yung braso niya. "Gago! Anong diet?! Sa liit kong ito, magda-diet pa ba ako?"
"...at kailan pa ako nagdiet ha?!" Untag ko sa kanya.
"Sorry na. Highblood ka naman" Sabi niya na may halong tawa at kumuha ulit siya ng rice at dinagdagan niya sa'kin.
"...dagdagan mo pa" I said again when he tried to put back the rice na and kita kong kaonti pa rin yung kanin para sakin. "parang baby lang yung pinapakain mo dito e"
"Bakit hindi ba kita baby?" Casual niya na tanong while he was putting food on my plate. Naghiyawan naman yung mga tao dito sa table when they heard Ricci habang ako naman ay natigilan sa sinabi niya and I think my heart just stopped.
"Hoy Tangina! 'Cci!"
"Ang landi! Kayo na ba?"
"Bro! Tumahimik ka!"
"Aminan na ba yan?"
"Tumahimik ka nga! Baby my ass" Irap ko sa kanya and also signaled him na tama na yung kanin.
Ricci just laugh as he puts back the platter. Nagsimula na rin kaming kumain and hindi ko mapigilang mainis sa kanya dahil ang gago talaga! Nakakatawa ba yon?! Hindi kaya yon nakakatawa! Pa-fall talaga 'tong taong 'to!
"Uy, galit ka ba?" Asked Ricci beside me at hindi ko siya pinansin. Patuloy lamang ako sa pagkain.
"Uy, sorry na. Joke lang naman e" he says and I can see him on my peripheral view that he was pouting. Ayan tayo e. Paghindi kayang panindigan, dadaanin na lang sa joke. Tas, sasabihin nila na, 'Biro lang naman yon, hindi ko kasalanan na mahulog ka'.
"Lagot ka 'Cci. Away na naman kayo" Sabi nila as I quietly eat my food.
"Uy, sorry na 'Lana" Ricci said again at hindi ko pa rin siya talaga pinapansin.
Pagkatapos namin kumain lahat, nag-stay na lang muna kami dito at nagkwentuhan ng kung ano-ano na mapagkwentuhan. It could be these PBA players' career - Jollo, Andrei, Kib and Prince or kaya what are our plans after college. And sa amin magbabarkada, ako lang yung naiiba. GA lang at ako, excluding their gfs. Lahat sila magp-PBA habang ako naman ay office work.
Tsaka, hindi ko pa sila nasasabihan iyong tungkol sa pags-States ko after graduation, (except for Andrei) kasi alam ko naman na pipigilan nila ako and they will force me to work here. Alam niyo naman na madali lang ako kausap lalo na't yung buhay ko nandito sa Pinas. Kaya, ayoko talaga munang sabihan sila. I want to decide for myself. Iyong magiging happy ako sa desisyon ko, just this once. Hindi iyong nang dahil sa mga kaibigan ko.
Like, tama na munang magsakripisyo. Tama na. This time, I want it for myself talaga.
Hindi ko pa rin pinapansin si Ricci hanggang ngayon kahit walang tigil rin siyang panunuyo sakin. Nakatuon lamang ako ngayon sa kumakanta and the song that she's singing right now, gives me a nostalgia feeling.
BINABASA MO ANG
Pwede Ba? | Ricci Rivero
Teen Fiction'fear is temporary, regret is forever' sabi nila. But kaya mo bang isakripisyo ang lahat para lang sa pagmamahal? Kaya mo bang harapin ang mga consequences once you took the risk? even if the consequences includes losing the person you love?