Kinabukasan, napagplanuhan na namin ni Ricci na bumili ng mga gamit after class kaso iyong girlfriend niya tumawag sa kanya at gusto raw magpasama sa clinic kasi magpapa-adjust daw ng braces.
Jusko. Pati pa-adjust ng braces kelangan pa talaga niya magpasama? Ano siya buntis?
"Sorry talaga Alana ah, okay na ba ang 3 thousand?" Sabi niya sakin at kumuha siya ng tatlong 1 thousand bill sa wallet niya at ibinigay niya sa akin
"Ano ka ba, okay lang. Unahin mo muna yung girlfriend mo" I told him "tsaka okay na yang 3 thousand, ako na bahala"
"Okay sige, salamat talaga, gusto mo idrop nalang kita sa mall?" Tanong niya and I shook my head, "Hindi na, magta-taxi na lang ako, baka magtampo pa yung girlfriend mo bakit ka natagalan"
"Okay sige, sorry talaga, una na ako" Sabi niya at tumango ako.
Pumasok na siya sa sasakyan niya and I heard a honk from him before he sped off.
After he left, huminga ako ng malalim at napapikit ako ng sandali.
Bakit ang tanga tanga ko talaga pagdating na kay Ricci? Parang nagkakaroon ako ng sariling mundo pag si Ricci na. Parang nagiging robot na ako at walang choice kung hindi gawin kung ano ang gusto niya. I'm really willing to do everything for him kahit masaktan man ako.
"Okay ka lang Miss?" Nakarinig ako ng pamilyar na boses kaya binuka ko ang mga mata ko kung sino iyon
"ANDREI!" I squealed at napatalon ako sa gulat when I saw Andrei Caracut standing infront of me saka ko siya yinakap nang mahigpit.
Narinig ko siyang tumawa at yinakap niya rin ako pabalik. It only lasted for seconds saka kami kumalas sa pagyayakapan.
"Huy! Kamusta ka na?" I asked habang nakangiti sa kanya ng malaki
Ilang buwan na kami hindi nagkikita simula nung nadraft siya sa PBA. Grumaduate na siya just last year kasama si Jollo. Si Kib din grumaduate na pero 2 years ago na siya graduate. Pareho ko silang hindi na nakikita. It's been months since I last saw them. They were all busy na kasi sa career nila. Wala ng time para magkita pa. Tas kung may free time naman si Andreiz Jollo at Kib sa schedule nila dun naman kami busy and vice versa. Kib and Jollo was drafted to Meralco habang si Andrei naman sa Ginebra.
"Oo nga e. Ikaw? Kamusta? Nasan sila Brent at Aljun?" Tanong niya at nagkibit-balikat ako
"Hindi ko alam. Si Aljun baka kasama niya girlfriend niya ewan ko naman kay Brent" Sagot ko
"Yes! Hindi ako makakagastos sa kanila. Timing talaga ang pagbisita ko" Ngisi niya "Lika, kain tayo! Libre ko"
Mas lalong ngumiti ako sa sinabi niya. "Sige! Ilang buwan ka rin hindi nagpakita kaya dapat libre mo talaga"
"Oo na. Tara" Sabi niya. Lumakad kami patungo sa sasakyan niya at binuksan ko ang pinto ng kanyang front seat at sumakay.
Sumakay na rin siya and we put on our seatbelts before he turned on the engine.
"Sa'n tayo?" Tanong niya and I gave him a playful stare, "Wow ah. Daming pera"
He chuckles. "Ewan ko sa'yo, sa'n nga tayo?"
I think for a moment, "Sa ano tayo, sa Ferry Land" Sambit ko sa kanya
"Bago ba yan? Ano yan?" Kunot niyang tanong at umirap ako, "Sus, wag ako. Alam mo kung sa'n yan at ano yan"
BINABASA MO ANG
Pwede Ba? | Ricci Rivero
Teen Fiction'fear is temporary, regret is forever' sabi nila. But kaya mo bang isakripisyo ang lahat para lang sa pagmamahal? Kaya mo bang harapin ang mga consequences once you took the risk? even if the consequences includes losing the person you love?