Five

3.3K 60 0
                                    

Daughter


We came Davao City late afternoon via commercial flight.  The place is clean and orderliness can be easily noticed.  We traveled almost half an hour before reaching the hospital.  Kausap niya ang Tita Flora ulit bago pa kami umabot ng hospital.  She is so sick worried about her mom.  Kahit na kanino mangyari yung ganito, maaring ganoon din ako reaksyon.

Sinalubong kami agad ng isang may katabaang babae.  Mukhang nasa late forties na ito.  She smiled weakly at us soon as we disembark from the cab.  Nagmano kaagad si Laurice pagkalapit sa Tiyahin niya.  Mahigpit na yakap ang sumunod at hagulhol galing sa kanya.  I feel for her.  Kung pwede lang makihati sa sakit na naramdaman niya ay ginawa ko na.  maibsan lang ang bigat na dala nito.  I parked the car on the space provided for.  I chose to have a rental para walang hassle.  I made arrangement before the flight at ipinahatid ko sa airport ang nirentahang sasakyan.

Sabay na kaming umakyat sa isang ward room ng hospital.  It was clean at may kalakihan din ang hospital. Ito daw yung hospital na accredited sa health insurance ng mother niya.  Ang galing niya di ba.  Maparaan na tao eh.  Kumbaga wife material na at plus factor yun.

"ma!" yun lang ang kanyang nasabi at puro iyak na ito ng pumasok sa silid ng ginang.  

"Ano ka ba.  Napagod lang siguro ako kaya medyo sumikip ang dibdib ko.  Ang init din kasi eh.  Pagkatapos mananghalian ay nakaramdam na ako ng ganoon."  paliwanag nito habang hinagod sa likod ang anak na naksubsob na sa dibdib nito.  "Pwede na nga akong lumabas bukas sabi ng doctor." pahabol na pag-alo nito sa anak.

Umangat ang ulo ni Laurice pagkarinig sa sinabi ng ina.  Pinunasan nito ang mga luha sa mukha.  tsk,tsk iyakin talaga ang baby ko.  Inabot naman ng tiyahin niya ang kopya ng mga lab result sa dalaga.  Lumingon siya sa akin at inayang lumapit.  Nakatayo lang ako sa isang sulok at nakamasid sa kanila.  

"Nay, tita si Matt po.  Kaklase ko sa med school.  Matt, si Mama Marina at Tita Flora" pagpakilala pa nito.  nakangiti naman na tumingin sa akin ang dalawa.  Nakipagkamay ako at yumuko ng kaunti sa kanila.  "Magandang hapon po."

"Magandang hapon din iho.  Salamat sa pagsama mo sa anak ko.  Pasensya ka na at naabala ka pa tuloy." aniya.

"Naku tita, wala hong anuman.  Buti nga ho at makapamasyal ako dito." pagbibiro ko pa sa kanila.  I wanted to lighten up the atmosphere baka mamaya hingiin ko na ang kamay ng anak niya.  matuluyan pa ang sakit sa puso nito.  Yun naman ang ayaw ko kasi magiging future mother-in-law ko ito.  Gusto ko pang masilayan niya ang magiging apo nito sa amin.

"Ikaw ba ay manliligaw ng anak ko?" deritsang tanong ng mama niya sa akin.  Putek! di ko napaghanadaan yun ah.  Pati mga mata ni Laurice ay nakatuon na ngayon sa akin.  Magdedeny pa ba ako?  Eh di syempre, grab the opportunity!

I cleared my throat bago sumagot.  "Balak ko po sana kung hindi niyo masamain.  Liligawan ko po si Laurice." sabi ko na hindi humiwalay ng tingin kay Laurice.

"Abah, bakit naman ako hahadlang eh alam kong mabuti kang tao.  Nasa anak ko na ang desisyon pagdating diyan.  Hindi ako nakikialam.  Ang naisin ko ay makapagtapos kayo at maging isang ganap na doctor.  Malaki ang kumpyansa ko dito kay Laurice.  Alam naman na niya kung ano ang tama at mali." paliwanag pa nito sa akin.

"syempre naman po.  di ko kayo bibiguin pagdating sa aspeto na yan." sagot ko naman sa kanya.  I can see a ghost smile sa mukha ni Laurice.

Tumagal din ang pag-uusap namin hanggang sa inaya na niya akong maghapunan sa labas.  We chose restaurant na malapit lang sa hospital para makabalik kaagad.

"Based on her echocardiogram test result, within normal range naman lagay ng puso niya.  Pa general check-up nalang natin para makasigurado tayo."  panimula ko sa katahimikan namin habang kumakain.

"Yun nga din ang iniisip ko.  I don't wanna rely on her hospital lab tests alone.  nag develop din sya ng diabetes.  Slightly elevated ang blood sugar niya.  Baka yun din ang reason.  Never pa yun nagkasakit."  sagot niya na nakatungo at nasa pagkain ang buong atensyon.  She might felt awkwardness after ng confession ko sa loob kanina.  Wala naman akong pinagsisihan sa pag-amin ko.  At least maisakatuparan ko na ang matagal ko ng gustong gawin.  Iyon ay ang ligawan siya.

"Yeah, we will.  Bukas na ba daw siya lalabas?" tanong ko pa just to make something to talk about. 

"yun ang sabi." tanging narinig ko sa kanya.  

"balik lang tayo baka mamaya baka mag rounds ang doctor niya.  mabuti at makausap din natin ng mas maaga." 

True enough, naabutan namin ang doctor sa loob ng kwarto para sa final rounds niya.  Kakilala pala ng pamilya namin ang doctor ni Tita Marina.  Magkaklase daw sila ni mommy sa med school.  She agreed with our decision to let tita Marina undergo general labaoratory tests during her follow-up check up, that will be the day after tomorrow.

"extend my regards to Ara.  I will visit her soon during the convention. It's nice to see you here iho.  Maliit ka pa noon the last time I saw you.  Anyway, gagawin ko na ngayon ang discharge order para maaga kayong makauwi bukas, okay?"  

"Sige po doc, Thank you sa lahat." mahinhing sagot ni Laurice.  Tumango at ngumiti rin ako sa kaibigang docotr ni mommy.  She then waved us bago lumabas ng silid.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon