Eleven

2.7K 65 0
                                    

Family


Iyak ako ng iyak the whole night.  Natagpuan ko na lang sarili ko sa loob ng nakabibinging katahimikan ng aking apartment.  

I have endured the hardest pain I could ever imagine. Hindi naging madali ang pagpapatuloy sa buhay ko na wala siya.   Parang pinapatay ako ng paulit-ulit.  Ngunit sa tulong ng pamilya ko, I am on my way of self-healing.  Sana tuloy-tuloy na ito.  

I deprived myself of keeping in touch with people close to me and Matthew before.  People who also have been part of our growing relationship.

Sa pagkatanggap ko ng magandang balita ako ay pumasa, si mama Marina kaagad ang unang naisip ko na tawagan.  Naka ilang ring lang ay sinagot niya ang tawag ko, "Anak! Congratulations!!!  ang galing mo talaga! Salamat sa Diyos at ipinagkaloob niya sa iyo ang matagal mo ng pangarap!" madamdaming pahayag ng aking ina.  HIndi nga naman naging madali ang pinagdaanan namin marating ko lang ang estado kong ito.  "naku ma, mana lang po ako sa inyo." naging tawanan na ang nagyari, eh kanina lang ay iyakan ang drama namin.

I decided to go home for some break.  My family deserves my time and affection.  I don't have to dwell on bitterness and being broken.  I need to focus on how to fully freed myself from this misery.  And being with my family is what I thought of, one of the best solutions.

Nahagip ng mga mata ko ang grupo ng mga kalalakihan na papasok sa loob ng eroplano.  

Oh em gee!!!! ang The Cradles Band kasabay natin!

Ang gwapo talaga ni Paolo! Shet, nawawala ang panty ko! hahaha

Sana makatabi ko sila.  Pwede na akong mamatay!!!

Madami pang sigawan at tilian ng mga kababaehang pasahero.  Nagkakagulo ang mga ito habang papalapit na mga myembro ng banda sa upuang nakalaan sa kanila.  Nasa pinakaunahang pwesto ito.  Nakahinga ako ng maluwang doon,  May kalayuan ako sa kanila.  Nasa rightmost ng gitnang hilera ng mga upuan ako nakaupo kaya hindi nila ako kaagad mapansin.  Madami pa sila mga kasamahan na hindi ko na pinag akabalan tingnan.  Isinuot ko na ang hood ko at eyeglasses.  Mas mabuti na ito para sigurado na hindi nila ako ma recognize.

Exactly after almost two hours, I dragged my luggage out of the arrival.  The smell of Davao City welcomed me.  Medyo tahimik na ang airport pagkalabas ko.  Panigurado nakaalis na ang banda nila.  Sinadya ko talaga magpahuli at huwag sumabay sa bugso na pasahero.  I wanted to avoid chances of meeting him.  Pati nga social media account ay deactivated ko na.  Nagpalit na rin ako ng cellphone number.  Ginawa ko ang lahat upang maputol ang kumunikasyon namin.

I took the taxi cab in going home.  No one fetched me kasi hindi ko ipinaalam ang pag-uwi ko.  I want to surprise them.  Hindi nga lang naging maganda ang kinalabasan ng huling pag surpresang ginawa ko sa tanang buhay ko.  I smiled bitterly with that thought.

Tuloy-tuloy akong pumasok ng bahay.  Naririnig ko ang tawanan sa loob ng bahay namin.  Inilapag ko ang mga gamit sa sala namin.  Maaliwalas ang buong bahay.  Napaka presko nito.  Ito yung pinakagusto ko dito, nakakahinga ako ng maluwag.  I think I made the right decision.  Being close to the family, I felt normal again.  

"Jennica? Anak andito ka nga!" boses ni mama Marina ang narinig ko habang nakayuko sa paglapag ng mga gamit ko.  I immediately rose up, readied my smile and spread my hands widely, "Surprise!!!" sigaw ko sa kanila.

"Insan! Doki!!!"

"Ang doctorang pamangkin ko!"

Tinakbo ako nila at mahigpit na niyakap.  "Congratulations Jenny!" si tita Flora na maluha-luha na.  "Salamat po tita."

"Anak, Congrats! Magiging masaya ang papa mo.  Proud na proud yun sa 'yo."  sabi ni mama sa akin.  Nalulungkot pa rin ako na wala na si papa sa tagumpay namin ngayon.  "Hayaan mo ma, bisitahin natin si Papa mamaya.  Gusto rin i-alay ito sa kanya." pag-aalo ko naman sa kanya.

"Insan grabe, topnotcher ka talaga.  Sabi ko na eh."

Iginiya nila ako papuntang kusina.  Mag uumpisa na pala sila managhalian nung dumating ako.  

"Ate, ang galing-galing mo talaga.  Gusto ko rin maging katulad ninyo." ang bunsong anak ni Tita Flora.  "Oo naman Jimboy.  Kayang-kaya mo yan, mag-aral ka lang ng mabuti."

Naging magana akong kumain.  Para ilang linggo wala aking mabuting kain.  nakakamiss na rin kasi ang luto ni mama.  

This is it.  I can see light after the darkness in the tunnel.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon