Thirty two

2.3K 45 0
                                        

Sekreto

I've been wanting to talk to mama Marina but she has her own way of avoiding me for our lone time.  Hindi ko maiwasang  mangamba sa kung anuman ang huling rinig kong pinag usapan nila tita Flora. 

Ayokong panghimasukan kung ano man yun.  But that doesn't change a fact that it could he her health problem or anything. I don't know.

Habang naghahanda ng hapunan, sinamantala ko magkasarilinan kami ni tita Flora.  Naging mailap ang mga mata niya.  Inabala ang sarili sa paghihiwa ng mga gulay.  She looked tensed.

Tinulungan ko sya sa paghihimay ng malunggay para lang makausap siya ng masinsinan.  I cleared my throat. "Tita, may dapat ba akong ipangamba tungkol kay mama?" puno ng pag iingat sa mga salitang binitiwan ko. 

Napaangat siya bigla ng tingin sa akin. Di ko agad mabasa ang emosyong binitiwan niya.
Nakaramdam ako ng pagkalito sa kanyang nais iparating sa akin. 

"May dapat ba akong malaman tungkol sa kalagayan nya?" I wanted to fish out something I should know from her.  Tulala lang siyang nakatingin sa akin.  Kumurap kurap pa siya.  Maya't maya ay yumuko ito at umiling. 

"Please tita let me know. I heard you two talking about something that Mama doesn't want me to know.  Ano po ba yun?" bakit ba ayaw nilang ipaalam sa akin ang bagay na yun? Anak niya ako, karapatan kong malaman ang mga pangyayari.

Nakaramdam na ako ng inis.  "Tita please.  Tungkol ba ito sa kalusugan niya?" Natigilan ito nung binanggit ko yun. There i knew it!

"Eh di mas lalo kong dapat malaman para alam ko kung ano ang dapat gawin di ba?" Halos maiyak na ako sa inis.

Bumuntong hininga si tita Flora.  "Ayokong pangunahan si ate sa mga desisyon niya.  Sinabihan ko na siya, ayaw naman makinig sa akin." halos mamula na ang mga mata niya sa pinipigilang pag-iyak. 

Napanic na ako.  Hinawakan ko ang mga kamay niya at nang makuha ang kanyang buong atensyon.  "Tita please, sabihin mo sa akin ang totoo." Naninikip ang dibdib ko sa maaring pasabog niya.  Dapat ko na bang ihanda ang sarili sa posibleng maaring malaman?  Paano pa at naging doctor ako kung pati ina ko ay hindi ko matulungan.

"Kailangan na ni ate ng heart surgery Laurice." nanigas naman ako sa nalaman ko.  Parang bombang sumabog sa harapan ko. Bakit di ko alam ito?  Sobra ba akong naging abala sa sarili ko na pati aking ina ay hindi ko na nakumusta man lang ang kalagayan?  maging ito man patungkol sa kalusugan niya. 

Napaupo ako sa high chair.  Dinaluhan ako agad ni tita Flora.  "Huwag mo muna ipahatala sa kanya ang pinag-usapan natin. Kinukumbinsi ko siyang magpa opera Laurice ngunit nagmatigas si ate.  Hindi na daw niya kailangan ang ganun." paliwanag niya sa akin.  Gustuhin ko mang magtampo kay mama ay di ko magawa.  Puno ng katanungan ang isipan ko.

Napatakip ako sa bibig ko.  Na para bang ito ay makatulong na matigil ang paghagulgol ko.  Paano na ito.  Bibiyahe na ako bukas pabalik ng Maynila.  Iiwan ko ba siya dito na di ko tiyak ang kaligtasan niya sa posibleng pag atake?

"Everything will be okay Laurice.  Mapapayag rin natin siya.  Manalig tayo sa maykapal." Pag alo pa ni tita sa akin.
 
Finally naisipan kong puntahan na lang ang kanyang Cardiologist.  Mas mabuti na ito ang kausapin ko kaysa pigain si mama.  Ayokong pasakitan ang kalooban niya.  If I have to pretend, then so I will.

Hirap ang kalooban kong magpanggap sa harap ni Mama na wala akong alam.  Halos hindi ako makakain ng maayos sa tanghalian. 

"Anak, ayos ka lang ba? Napansin ko ang pagiging matamlay mo." biglang tanong niya sa akin habang kumakain.

"Ahm, pagod lang siguro ako ma.  Tsaka ayoko ko pa po sana bumalik ng Maynila eh." Nananatiling tahimik lang si tita Flora. 

"Trabaho yun anak.  Marami ang nangangailangan ng tulong mo.  Buti nga malapit ka na ngayon.  Di katulad ng dati, milya-milya ang layo mo sa amin.  Pwede ka naman pabalik balik dito eh." 

Kinahapunan, pinuntahan namin ang cardio ni mama. 
"I told her Doc Ocampo na mag undergo na ng bypass operation para maagapan ang maaring kumplikasyon nito. For now, inaagapan ko lang sa mga medications na binibigay.  Still we all that in due time  shebhas to ungergo bypass doc Ocampo." Napatungo nlng ako.  Marahan akong tumango.  Yeah I know.  Di ko mapigilan ang umiyak.  Bakit kailangan ni mama magtiis kung kaya ko naman siyang ipagamot.  Naninikip ang dibdib ko.  Dapat kong isipin paano ko siya makumbinsi dumaan sa ganoong kaselan na operasyon.

"Salamat doc Marquez.  Hayaan mo, ako na bahala na pumayag siya." 

"It is an honor to finally meet you doc Ocampo. Huwag kang mag alala, maasahan mong gagawin ko sa abot ng aking makakaya na alagaan ang kalusugan niya habang kinukumbinse mo pa siya." nasa late forties na si Doc Marquez at nagkita na rin kami sa isa sa mga convention sa Amerika.

Umalis ako na puno ng pangamba.  Si tita Flora na ang nagbigay ng assurance sa akin na aalagaan si mama.

Hindi ko mapapayagang mawala si mama sa buhay ko.  Siya lang ang meron ako.  Nag unahan ang oagpatak ng luha ko habang lulan ng eroplano.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon