Thirty one

2.3K 48 0
                                    

Escapade

The days well spent with my family were purely bliss.  As if being home is what I needed to be my wholeself again.  Nakakaiyak ang sobrang kasiyahang naramdaman ko ngayon.  I just realized how I missed being with my family.  

Kinabukasan ay kumuha ako agad ng driver's license.  Balak kong bumili ng sasakyan pagkadating ko ng Manila.  Di ko kasi pwedeng dalhin ang itong nabili kong Ford Ranger kila mama.  Mas kailangan nila ito dito sa pagdedeliver ng gulay at mga bulaklak. 

Gamit ang sasakyan namin, namasyal kami sa Bemwa strawberry farm sa Buda.  Hindi daw kasi sila nakakapamasyal duon.  Ayaw daw ni mama kasi aksaya lang ng pera at saka malayo.  Mahigit isang oras din kasi ang biyahe papunta duon from downtown.  Along bukidnon highway ito, it's an elevated part of Davao City.

Excited ang lahat. Kasama ang pamilya ni tita Flora sa pamamasyal at mga pinsan ko na kasama naming nanirahan sa compound.  Kahit na ayaw sumama ni mama napilitan na rin siya dahil sa kakulitan ko. Kahit na nasa labas ang iba ay nakakapagtakang mag enjoy pa sila.  We left early to avoid burning heat of sunrays.

Buda is considered a little baguio.  Malamig ang klima at  Luntiang tanawin ng mga punongkahoy ang makikita dito.  Pine trees are everywhere as well.  Kanya-kanya kuha ng selfie pang post daw nila sa facebook account ang mga pinsan ko. 

Napagpasyahan namin mag overnight sa Highway 81.  Dito ay makakapagluto ka at di kailangang gumastos ng malaki.  Puno ito ng mga pine trees kaya masarap sa pakiramdam na mas nakadagdag ng summer capital feeling. Nakakawala ng stress ang mga bulaklak at iba't ibang pananim sa paligid.  I could say this is life I am missing.  I'm sure kung kasama ko si Kaye ay matatalon yun sa tuwa.  She loves nature that much.

Una naming pinasyalan ang Seagull Mountain Resort, few meters away from Highway 81 na tinutuluyan namin.  Halos whole activity ang na enjoy namin sa loob ng resort.  We do, horseback riding, ATV adventure, zipline, trekking at iba pa.  Sa loob na restaurant na rin kami nananghalian.  May kamahalaan pero mas convenient sa di pa nangangalahating activities namin.

Fom entrance fee to fees per activities offered, it was quite expensive pero sulit naman.  Kinahapunan ay balik kami ng Highway 81.  Kumuha kami ng isang malaking bongalow house para sa aming lahat.

Nagluto na kami ng dala namin baon na fresh seafoods.  Nagsaing na rin si tita Flora.  Pagod man ay mabanaag ay kasiyahan sa bawat isa.  kaya simot sarap ang mga inihain sa hapag.

Nag bonfire kami kinagabihan.  Ang mga tiyuhin ko ay nag inuman ng kaunti.  Ayaw kasi ni tita Flora ang magdala ng maraming alak.

Enjoy sa pagtakbuhan ang mga bata.  Kanya kanyang kwentuhan naman ang mga kabataan.  Kami ay masayang nanonood sa kanila, ninanamnam sa lamig ng klima sa paligid.  Sobrang sarap sa tulog kapag ganito.

Kinaumagahan ay maaga kaming gumayak papuntang Benwa marilog farm.  Isa itong strawberry farm.  Meron din iba pang mga gulay at bulaklak na pananim sa paligid.  Dito na rin kami nag-agahan.  Mainit na tsokolate at kakanin katulad ng biko, puto at suman ang pinagsaluhan namin.

Samantala, nawili naman kami ni mama at tita Flora sa pamimitas ng strawberry.  Paborito kong prutas kaya hoarding agad sa pamimili.

Bumili na rin sila mama ng mga gulay at bulaklak na pwedeng idagdag sa garden nila.  Sobrang enjoy ang lahat.  Hindi alintana ang pagod sa buong araw.  Umuwing may ngiti sa labi ang lahat.  Naging abala sa pagsilip ng mga kuhang larawan ang iba.

Hindi magkandaugaga sa pag asikaso si mama sa handaan.  Yeah we prepared something for my college friends na hindi pa nakakaalam ng umuwi na ko.  At para daw sa pagbabalik ko ng trabaho, pa despedida nila sa akin.  Isang salo-salo kasama din ang aking pamilya.

Nagulat pa nga ang mga ito na ngayon lang nalaman na balik Pilipinas na pala ako.  Sinadya ko talaga ilihim sa kagustuhang na masolo muna ang mga pamilya ko.

I wonder if they thought of me as lost daughter for those times na nagpapakadalubhasa ako sa pagiging neuro-surgeon. You did that because you are hiding far away, kontra naman ng isip ko.

As soon as I am satisfied with how I look, I went out of my room to be with them.  I just wore my midnight blue   flowy dress and biege strappy sandals.

I met classmates from college and some friends.  Sa kasamaang palad, tampulan ako ng tukso kasi single pa rin daw ako hangang ngayon.  Eh sa walang nagkamali manligaw sa akin, anong magagawa ko.

"Wala lang akong panahong pagtuonan ang mga bagay na yan" simple kong esplika sa kanilang kakulitan. Well, that's true. I don't have time for love.  Pasakit lang ang makukuha ko dyan.

Most of them are happily married.  Hindi lang nila dinala ang mga bata kasi maliliit pa.  I find it so overwhelming. Kung dati mga aklat, ballpen at papel ang pinagkakaabalahan, ngayon ay ang mga anak at asawa na nila.

Napabuntong hininga ako, ang pagkakaroon ng pamilya ang siyang bubuo sa iyo.  Yun bang makita mo ang iying little mini me.  Malabo na ata mangyari sa akin yun.  Masaya akong makita ang ganito sa kanila.

"Naku Laurice, darating ka talaga sa stage na yan. Feel ko na malapit na." with conviction na sabi pa ni Joanna.  How did she know? Aba, sinang-ayunan naman ng lahat at naghagikhikan pa. May alam ba sila na di ko alam?

Tumatak sa akin ang sinabi nila. As I stared on the ceiling while lying on bed.  Di ako kaagad dinalaw ng antok kahit na gaano kapagod sa pag asikaso ng munting salo-salo namin kanina.

I was simply bothered of what might happen. May mababago ba sa buhay ko ngayong dito na ako ulit manirahan sa Pilipinas?  Samo't saring posibilidad ang pumasok sa isip ko hangang sa ako ay dalawin na ng antok.  Nakatulugan ko na iyon ang laman ng utak.

Kinabukasan ay tahimik ang bahay pagkababa ko sa kusina.  Baka nasa garden na sila mama.  Papalabas na sana ako ng lanai ng maulingan ko ang pag-uusap.  Sa tingin ko si tita Flora at mama Marina. 

"Ate, kailan mo pa sasabihin kay Laurice ang totoo." nababahalang tanong ni tita Flora.

"Hindi na kailangan Flora.  Ayokong mag-alala so Laurice.  Masaya na ako na bumalik na siya. Yun ang mahalaga." paliwanag ni Mama.  Naguguluhan man ako kay pilit kong iniintindi ang daloy ng usapan nila.

"Paano nalang kapag may masamang mangyari?  Karapatan niyang malaman yun.  Ate ano ka ba?" Halos mangiyak iyak na si tita Flora base sa boses nito.

"Walang magyayaring ganoon Flora.  Hindi mangyayari yun.  Kaya hayaan mo na." Saway pa nito sa kapatid. 

Bigla akong kinabahan.  Ano ba ang dapat kong malaman.  Bakit ayaw sabihin ni mama sa akin.  Puno ng pagkabahala, lumabas na ako diretso sa lanai.

Bakas naman ang gulat sa mukha nilang dalawa.  "Kanina ka pa dyan anak?" alanganing tanong ni mama sa akin.  Umiling lang ako.  Ayoko man magsinungaling ngunit sa tingin ko mas mainam yung ganito. 

May tiwala naman ako kay tita Flora na hindi niya hahayaan mapahamak sa anumang ayaw nilang sabihin sa akin.  

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon