Hearsay
Likas na may pakpak ang balita. Pinagkakaguluhan sila Josef at Matthew sa hospital. Paano ba naman kasi trending sa social media ang gig nila sa Edge Club. Yun pala ay pag mamay-ari nilang lima magkakaibigan ang bar na yun. What can I say, sila ang sinwerteng pinanganak na mayaman. Kumbaga kahit na anong gawin nila sa pera ay wala silang problema doon. Am not being bitter here. There seems no fairness in this world.
There is always rich and poor, famous and dumb, lucky and deprived and all things in opposite. How perfect life is.
"Nakakainis na talaga itong mga babaeng 'to. They are literally throwing themselves to men they wanted to flirt with. Parang mga linta kung makakapit. Nakakainis!" pagmamaktol ni Paula habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria. She is referring to Josef and Matthew. Panay hagikhikan naman sa magkakabilang table. Ang topic ay walang iba kundi ang The Cradles Band. Laglag panga naman ako sa inakto ni Paula. Namumula na siya sa sobrang galit marahil.
Ako naman yung tipong hindi selosa lalo na pagdating kay Matthew. Alam ko kasi na mahal na ako at tapat siya sa akin. That's why I'm holding on to it. So long as yung babae naman ang lumalapit at hindi naman niya pinatulan, walang kaso sa akin yun.
Ginanap ko ang mga kamay niya upang kumalma. "Malapit na tayong matapos ng internship dito. Baka gusto mo may iwanang magandang alaala dito." may himig na pagbibiro ko kanya. I just want to calm her the possible way I know. Mukhang hindi naman tumalab. Napalabi na lang ako kasi nakahalukipkip na siya this time na may isang linya na kilay sa mukha.
"Are you together now? I mean boyfie-girlfriend thingy?" I didn't know I can throw question like that to her. I know they are close friends. beyond that I know nothing about the two of them.
"No!" Her reaction is quite epic na di ko maiwasang tumawa. Hinampas naman niya ako. She did that while leaning on the table para maabot niya ako. Mas lalo pa akong tumawa ng malakas.
"Your lying!" akusa ko sa kanya. Di na siya sumagot pa, ngumuso lang ito and leaning her back on the chair, sulking.
"Hey, what's up girls?" tanong ni Josef. Paula glared at me. Ngiti na lang ay sumilay sa mga labi ko. Hindi ko siya maaring ipagkanulo. Kapwa kami tahimik. If they are not item, then I won't bother to dig it out. Soon, I will still know what's the real score between the two of them.
"You've already eaten? You didn't answer my calls." when I fished out my phone, I cringed. Fifteen missed calls lang naman. Some unread messages, i bet all came from him too. Naka silent mode kasi ito kanina dahil sa klase ng inattend namin na mga pasyente at may kasama pa kaming intructor resident physician. Nakaligtaan ko namang e unmute.
"Sorry, I forgot to check." Napakagat labi ako. I don't want to disappoint him or what.
"Stop biting those, I might bite them myself. Tsss... such a tease." bulong niya sa akin na tagos ang tingin habang hapit niya ako at bahagyang pisil sa bewang ko. Napaikot na lang ako ng mata sa tinuringan niya. Siya kaya itong tukso sa akin na mahirap iwasan, hmp!
"Kayo ha, ang haharot niyo." hampas ni Paula sa mesa.
"Dude! C'mon mamaya na yang lambingan niyo. Gutom na ako oh." maarteng hawak pa nito sa tiyan na nagpapakitang gutom na siya talaga.
Tinapunan lang ito ni Mathhew ng unused table napkins. Malutong na mura naman ang pinakawalan ni Josef dahil dun. Sumenyas ito at may lumapit na waiter. Well, the perks of being an hospital heir. Di na niya kailangan pang pumila. Umorder sila ng tanghalian nila at dessert para sa amin. I don't have sweet tooth but I think I'm learning to love it because of him.
Magana naman silang kumain. Kami ni Paula ay paunti-unti sa pagsubo ng dark choco cake at tropical fruit salad. Busog naman kasi kaming dalawa talaga.
"Kayong dalawa, huwag kayong lantarin lumalandi dito ha? Balita ko puro babae na lang inaatupag niyong dalawa while on shift." umpisa ng tumalak si Paula sa dalawa nakanguso na ngayon at kunot ang mga noo.
"Says who?" confident naman na sagot ni Josef sa kanya.
"kailangan ko pa bang sabihin yan, sa dami nila ni ko na matandaan ang mga pangalan noh." tinaasan naman ito ng kilay ni Josef.
"Ku, nagpapaniwala ka naman dun. Alam mo ang naniniwala sa mga sabi-sabi ay sadyang walang bait sa sarili." natatawang sabi naman ni Josef sa kanya.
Inirapan lang ito ni Paula. "Ewan ko sa iyo." tsaka sumubo na may kalakihang slice ng cake.
Sinipat ko naman si Matthew sa tabi na tahimik na kumakain. I know he won't do such a thing. "Don't even think about it baby." aniya habang nakatuon sa pagkain ang atensyon. Am I easy to read? I hope not, baka ganun lang siya ka sensetive sa naramdaman ko. And I'm glad he is.
BINABASA MO ANG
Always Been You
RomanceThe Cradles: musician story no. (COMPLETED) I may have travelled far, met different girls, and enjoyed bachelor's life but you are still my home. I know I have this kind of reputation with girls but IT'S ALWAYS BEEN YOU. Hindi ka nawala sa akin ka...