Forty six

2.5K 61 0
                                        

Happiness

"Thank you very much for your time doctora. You are a big help to us. Especially the children." mahinahon na sabi ni sister Remy. Ang aming head superior. I am starting this foundation since five years ago.

Nakilala ko si sister Remy na kumakandong sa mga batang may malubhang karamdaman. That was the time also when I lost my mother. She was there comforting me. Kasi magkaibigan sila at tumululong din si Mama sa mga pagkakawanggawa ni sister Remy.

Mula sa mahalagang alaala ng aking butihing ina kaya ko ipinagpatuloy yun at naging matagumpay dahil na rin mga kaibigan ko sa larangan ng medisina.

"I am happy to be of help. Wala pong anuman yon sister. Masaya akong nakikita na gumagaling na ang mga bata. There are still brighter future ahead of them. Malay natin may maiproduce tayong doctor sa kanila." magiliw na sabi ko kay sister. natutuwa ako sa idea kong yun. Oo nga noh. Who knows di ba?

I made myself busy para maibsan ang lungkot na naramdaman. Sa sobrang pagka miss kay Matthew. Sa gabi ay lamig at katahimikan ang gumugulo sa matinding kalungkutan ko. I pray harder to go through this. Na makayanan ko.

Kaya nakakaaliw na makita ang mga batang naglalaro sa playground. Hindi mawaglit sa mukha ko ang ngiti habang masayang nakamasid sa kanila na tuwang tuwa sa paglalaro.

"Doctora hello po." kyemeng tinig ng papalapit na isang patpating batang paslit na umagaw ng atensyon ko.

"Hello there little boy. Kumusta ka na?" pinunasan ko ng tissue ang natirang spaghetti sauce sa gilid ng bibig niya. Binilhan ko sila lahat ng McDonald's spaghetti at chicken kanina bilang pasalubong. Sobrang na enjoy naman nila ang pagkain. I even brought mascots with me. They entertained them before distributing food to the kids.

May inabot siya sa akin mula sa kanyang likod. Namangha naman ako kasi yun ay isang tangkay ng puting Rosas. Di pa man ako nakabawi sa pagkabigla, another came bringing the same then another and another. I have a dozen on my hand already!

Kumabog bigla ang dibdib ko. I don't know, bigla akong sinalakay ng tuwa, excited, pagkalito...

I was on the verge of crying because of an overwhelming happiness I felt when I saw a breathtaking Adonis approaching us. He is holding a bouquet of red tulips! I rose from my feet. Napatakip ako sa aking bibig. This might help me stop the tears.

Oh dear! Please tell me I'm not dreaming. Maluha luha ko siyang tinakbo at hindi na hinintay pa na makalapit sa akin. "Whoah! I didn't know someone is much excited here." natatawa niyang sabi. Hinampas ko nga siya sa balikat. Kainis. Sobra niyang gwapo ngayon. At ang bango bango pa!

He is wearing a simple but expensive v-neck white shirt, tattered jeans and black leather shoes. His outfit maybe ordinary but nevertheless it doesn't make him looks less good. In fact, holding me close is a ruggedly handsome man! Yung bango niya na bumubuhay sa buong sistema ko. He is really here! Sarap niyang amoy amuyin.

"Hey, you really missed this much huh?" he sexily chucked. Napahagikhik naman sila sister Remy sa biro niya. Shit ka Matthew. Kailangan pa ba sabihin niya yun? Nakakahiya sa kanila sister Remy.

But my attention was focused on him. God! I'm so lucky being held by panty ripper and charmer like him. Behave Laurice. Saway pa ng utak ko. Mas lalo ko pang siniksik ang mukha sa dibdib niya. Ramdam ko ang sobrang pag iinit ng buong mukha ko. For sure mukhang na akong California Apple nito.

"Pasenya na sister. Na miss lang kasi ako ng baby ko." mayabang na sabi nito sa madre. Kahit kailan ka talaga Matthew. Ugh!

"Kumusta naman po ang mga bata?" natigilan naman ako sa tanong niya. I'm still burying my face on his chest. Mahigpit pa rin niya akong niyakap. Para bang matagal niya na rin kakilala sila sister Remy.

"Hay naku doc Pao, huwag kayong mag-alala maayos naman ang mga bata. Di ba sabi ko sayo walang palya sa pagdalaw si Dra. Laurice dito?" nakatingala ako Kay Matthew matapos marinig yun kay sister Remy. Ang loko, kinindatan lang ako!

He then kissed me on the temple saying "I missed you baby. More than you'll ever know." Napakagat ako sa ibabang labi. If you only knew, I missed you more! Pero hindi ko yun naisatinig. Lunod na lunod ako sa kasiyahan dahil sa wakas ay kayakap ko na siya. At di ko na siya pakakawalan pa. We have lost so much time already. This time will make it. I'll make sure of that.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon